When tomorrow comes
I'll be on my own
Feeling frightened of
The things that I don't know
When tomorrow comes..
Tomorrow comes. ..
Tomorrow comes..
~ (Flashlight by jessie j)
Recap: ikinuwento ng mama ni Aglaia ang kapiraso ng nakaraan, kung saan lahat ng niwan sa loob ng kuwarto ay nagulat. Hindi kinayanan ni aglaia ang pangyayari at bigla na lamang silang umuwi ni Deimos kung saan nalaman nating lahat ang kanyang nararamdaman para kay aglaia.
കChapter Nineteenക
Third Person's point of view
Maagang gumising si Deimos dahil sa trabaho niya, gusto man niyang makasama si Aglaia; wala rin naman siyang magagawa sa kalagayan ni Aglaia. Isa lamang ang naisip niya, pero hindi siya sigurado kung mapapasaya niya si Aglaia. Lalo narin at nasanay siyang mag isa sa buhay kaya hindi siya masyadong sanay na makipag close oh yung tinatawag na bonding sa ibang tao.
Kaya rin hindi niya alam kung pano iparating ang mga emosyong hindi niya maintindihan.
Napabuntong hininga na lamang si Deimos habang nagbibihis, pinatigil na rin muna niya ang nag aalaga ng bahay niya na dumating para maglinis.
Nag iwan siya ng sulat sa side table habang natutulog pa si Aglaia.
Habang nasa biyahe naalala niya ang mga sinabe ng mama ni Aglaia. Alam niyang hindi yon ang totoong magulang ni Aglaia, pero wala siya sa posisyon para magsabi non. May mga nalalaman man siya, kahit itanong pa ni Aglaia sakanya hindi niya sasabihin. Dahil una sa lahat, hindi siya parte ng pamilya ni Aglaia... 'hindi pa', pangalawa wala namang kaalam alam si aglaia kay Deimos, pangatlo meron din siyang mga tanong na kailangang masagot.
At aalamin niya yon sa taong alam niyang alam ang lahat. Ang isa sa mga nakasali sa insidente. Ang dad niya.
~{-*-}~
Nagising si Aglaia, ng maayos ang pakiramdam. Kahit na madaming nangyare sa mga makaraang araw. Nakita niya ang sulat na nasa sidetable, kung saan sinabe ni Deimos na aalis sila mamaya ni Aglaia mamayang palubog ang araw.
Wala namang sinabe si Deimos na bawal siyang lumabas kaya napaisip nu Aglaia na maglakad lakad habang nag iisip dahil hindi niya kakayaning maiwan sa malaking bahay na yon at baka matuluyan siyang mabaliw.
Kaya agad naligo si Aglaia at kumain saglit. Pagkalabas niya ng bahay dumiretso siya kaagad sa park, kung saan una niyang nakilala si Deimos na hindi parin nagbabago ang ugali. Madaming naglalakad sa paligid ng may marinig siyang tumatawag sa pangalan niya.
"Agalaia!" Hinahanap niya ang taong tumatawag sakanya pero hindi parin niya makita. "Dito!" Napatingin naman siya sa kanan niya kung saan kumakaway si evander..
Naglakad palapit si Aglaia kay evander. "Goodmorning" bati ni Evander, "morning.." matipid na sagot ni Aglaia.
Pansin ni Evander na parang nagbago na si Aglaia simula ng huli niya tong nakita, kaya napatanong siya "Mukhang may problema ka ata?" Bigla namang nagulat si Aglaia, pero feeling niya kailangan niyang ilabas ang nararamdaman niya. Wala naman ng mawawala sakanya kung magkwento siya.
"Oo eh.." umupo sila sa may bench at napatingin na lamang siya sa mga kamay niya.
Biglang nagsalita si evander ng mapansin niyang nananahimik lanh si Aglaia "Okay lang kahit hindi mo sabihin, pero wag mo masyadong isipin" nagulat naman si Aglaia sa sinabe ni Evander, ganun ba siya kadaling basahin? At saka anong ibig sabihin ng sinabe niya?
"Pano mo naman nasabi.. yung pareho"
"Lahat naman ng tao may problema, at saka kung iisipin mo lalo edi lalo kang malilito, ang kailangan mo lang namang gawin ay isipin ang mga possibilities hindi maging positive, dahil kailangan mong umaksyon, pero hindi mo kailangan masyadong isipin. Gets mo ba?" Umiling si Aglaia, hindi parin niya makuha ang gustong iparating ni Evander.
"Ganito yan, alam naman nating pag may problema ang isang tao, ang unang sasabihin ay always think positive diba? Tama yan depende sa problema mo, pero kung iisipin natin, hindi solusyon ang mga salitang yan kundi pagbibigay ng false hope, hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo kakaisip sa problemang yan, katulad ko, may problema din ako na sobrang tagal na, pero hindi ko pinapabayaang sirain ito ng buhay ko, kasi may iba akong priorities".. Kung isiipin niya nga naman, may mga tanong pa soyang hindi nasasagot, sobrang dami. Tama nga siya, sinasabi din ni Aglaia sa sarili niya na maging positibo, pero lalong sumasakit ang ulo niya kakaiisip..
Parang may naalala siya bigla.. at lumabas na lang sa bibig niya ang mga sumunod na salita
"Ang kailangan lang gawin ay ang pagpili ng desisyon para sa kalalabasan, a person must have the guts to risk what is left...." sabay nilang pag bigkas ni evander. Napatingin sila sa isa't isa at napahinto saglit... hindi makapaniwala sa narinig
"Pft...!" Bigla silang natawa ng hindi maintindihan kung bakit.
Napatigil na sila sa pagtawa nang nagtanong si Evander"Pano mo nalaman yun?" 'Pano nga ba? Hindi ko din alam, parang may nagsabi na sakin dati nun eh.. relate ba sa past ko? Tutal wala akong maalala, baka bumalik ang memorya ko kung sakaling malaman ko ang mga sagot sa mga tanong ko?' Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya
"Ewan ko, basta parang narinig ko nadin yun eh... " sagot ni Aglaia sakanya.
"Hmm" napatango na lang siya.
"By the way, sasabihin ko na yung problema ko.." hindi alam ni Aglaia pero gustong gusto niyang ikwento pero bakit nga ba?
"Oh? Sure ka..?" Paninigurado ni Evander
"0o"
Huminga ng malalim si Aglaia at tumapat sa playground.
Uminom naman ng tubig si Evander dahil sa init pero hindi niya sinasadyang mapabuga sa mga salitang narinig niya sumunod.
"Ngayon ko lang nalaman na ampon lang pala ako"
Mas nagulat pa ata si Aglaia ng napabuga ng tubig si Evander. Agad naman pinunasan ni evander ang natapon.
"As in?" Hindi makapaniwalang tanong ni Evander
"Oo nga" napapoker face naman si Aglaia
"So.. kilala mo ba yung totoo mong magulang?" Sasabihin ba ni Aglaia ang totoo oh hindi?....
Sasabihin ba niyang tinago ng mga taong nagpalaki sa kanya ang totoo niyang magulang at kapatid?
...
....
"Aglaia?" Napalingon sila pareho ni Evander sa boses na tumawag sakanya...
~{-*-}~
Pinuntahan ni Deimos ang bahay ng magulang niya. Alam niyang baka hindi niya makita ang dad niya pero sigurado siyang andun ang mom niya.
Saktong pahinto na siya sa tapat ng bahay nila, nakita niya ang kanyang ina.
Sinalubong niya ito dahil nagtataka siya sa ikinikilos ng Ina niya.
"Where are you going mom?"
Bigla namang nagulat ang kanyang ina dahil hindi niya kaagad napansin si Deimos.
"Somewhere. ."
"Are you hiding something from me?" Dito na naalarma ang ina niya..
"Deimos... I... I.. "
~ To be continued ~
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession
RomanceAre you going to accept a deal and a contract with Deimos Adonis Kreios? a billionaire and the most hottest CEO in the phillipines, or maybe even one in the whole world. he's emotionless, Coldhearted and fearless human being. kabaliktaran pala niya...
