The weight of the world is too much to take
Pulling you down like a tidal wave
I can hold you
I will hold you
~
Recap: inuwi ni aglaia ang mga rosas na ibinigay sakanya. Kinabukasan, hinanao niya si evander na kung saan niyaya siya nito ng lunch. Pumayag siya at kumain sila sa mcdo, nagkwentuhan at bumalik din sa kanilang mga sariling trabaho
Chapter five
"Ahhhh" pag inat ko sa katawan ko, saturday na. Day-off ko, sa wakas. Nang makapagpahinga naman ako, dahil laging bad vibes sakin sa walang kadahilanan.
Anong oras na ba? Tumingin ako sa wall clock, 9 pa lang. Parang gusto ko pa matulog pero uunahin ko muna ang paglilinis sa kwarto ko at sa bahay, mahina pa si mama para gawin lahat ng gawaing bahay.
Nagtali na ako ng buhok at inayos na ang higaan ko. Lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa kusina, malamang para kumain hehe. Nakita ko si mama na umiinom ng tubig.
Parang ang tamlay ng itsura niya, baka naman may sakit nanaman siya??
"Ma okay ka lang po ba?" Nagulat ata siya sakin, binaba niya ang baso sa lamesa at humarap sakin.
"Oo naman, bakit?" Ngiting sagot niya, ohh.. Akala ko naman may problema..
"Uhm wala po, parang ang tamlay po kasi ng itsura mo eh" sagot ko naman sa tanong niya, weird. Masyado lang siguro akong nag aalala
"Ahh, nako.. Lalo nang nahahalata ang pagtatanda ko ahaha" talaga tong si mama, maganda parin naman siya, at hindi maalis iyon...
"Maganda ka parin naman po" sabay dila ko, umupo na ako para kumain, hindi naman pwedeng tumayo na lang ako ng napaka tagal.
"Asus, ikaw talaga.. Kumain kana nga anak" pabirong sabi ni mama sa umpisa.
"Opo, by the way ma.. Bakit hindi mo po sinabe sakin yung paghatid ni Evander?" Tanong ko sakanya sabay subo ng pagkain.. At nakatingin lang sa kinakain ko
"Ah..eh.. Kasi sabi niya siya na daw ang magpapaliwanag?.." Patanong..?
"Bakit naman po parang hindi ka sigurado sa sagot mo.." Saad ko sakanya, at nakatingin narin ako sakanya..
"Ahh nako may bigla lang kasing lumabas sa isip ko, kaya siguro ganon ang nasagot ko" sagot niya sakin, pero parang may halong pagkalito sa expression ni mama.
"Nililigawan ka ba niya anak?" Nanlake ang mata ko sa dinabe ni mama
"Ma hindi po! Bagong kaibigan lang talaga" bigla kong sagot sakanya
"Ahh first time mo kasi mag uwi ng lalake" sinabe niya sakin
"ma hindi ako nag uwi, okaw talaga" talaga tong si mama
"Ganun ba ahaha" at natawa na lamang siya
"Hmm"sagot ko na lang sabay patuloy sa pagkain..
"Akala ko yung..qsmiwsnojdw" hindi ko na narinig ang sunod na sinabe ni mama dahil parang bulong lamang niya ito sa sarili.
Pero pinabayaan ko na lamang ito at hindi na nagtanong kung ano man yun..
"Mauna na ako sa kwarto anak, magpapahinga lang ako, parang hindi kasi mabuti ang pakiramdam ko eh" biglang sabi ni mama, ayan na nga ba eh. Sabi na may problema, pagpapahingahin ko na lang si mama maghapon para naman hindi siya mapagod kung may gagawin man siya...
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession
RomanceAre you going to accept a deal and a contract with Deimos Adonis Kreios? a billionaire and the most hottest CEO in the phillipines, or maybe even one in the whole world. he's emotionless, Coldhearted and fearless human being. kabaliktaran pala niya...
