Chapter Fifteen: Beasts! Rawr (part two)

16.2K 316 22
                                        

You're the one that rules your world

You are strong and

You'll learn that you can still go on

You are unstoppable

~

Recap: habang nag aayos ng mga gamit, at mag ayos ng kanilang mga sarili. Nalaman ni Aglaia, na nauna na pala sa event oh party si deimos kung saan sinabe lamang sakanya ni Eris. Pagka rating doon, bigla agad siyang kinita nito. Kung saan nakilala naman niya si Athena.

Chapter Fifteen

Hah. Ano? Cousin? Sila?

Ang gulo!

"Before we chat, I'll show you myself your table" Sinabe niya at nagsimula ng maglakad kung saan sumunod naman kami ni Deimos.

Ramdam ko parin ang tensyon na pumapalibot sa lugar na to, hindi ako sanay na madaming nakatitig sakin. Pati narin ang may lalakeng humahawak sa bewang ko.

Nagmumuka kaming mag asawa.

Umupo na na kami at umupo naman siya sa kabilang side ng lamesa kaharap kami.

"So, what's your name???" Habang nakatitig sakin. Ganito ba lahat ng family members nina Deimos? Intimidating?

Napatingin ako saglit kay Deimos, tumingin din naman siya sakin st tumango.

"Aglaia.. Kalliope, but I prefer if you call me Aia" pagkasabi ko noon parang biglang nagbago ang mood niya. Oh sadyang napaparanoid lang talaga ako?

"Ohh, can I borrow my cousin for a minute? " tumango lang ako at napansin kong biglang tumalas saglit ang tingin niya ng dumaan ito kay Deimos

"Excuse me for a minute" sinabe ni Deimos ng hindi tumitingin sakin at tumayo, sinundan niya si Athena papasok sa may malaking pinto

May mali ba talaga sakin? Private matters nila yun pero kakaiba ang nararamdaman ko. Paranoid nga kang siguro ako

"Ui miss Aia! Are you okay?" Bigla akong napalingon kay Eris na nakatayo sa likod ko. Umupo siya sa tabi ko

"Hindi kasi ako sanay sa ganito" alam na niya ang tinutukoy ko. Kasama narin ang suot kong... damit

"Well expect ko na yan, from the first time I met you... it was.. yesterday ahaha" medyo napangiti ako sa sinabe niya

"Kinakabahan talaga ako" pagbubuntong hininga ko.

"Okay lang yan, malaki ang hinaharap mo" anong malaki?

"Huh?" Napataas ang kilay ko sa sinabe niya

Nag kibit balikat siya at winagayway ang kamay niya sa ere

"Your body is something to die for! Duh" she exclaim

"Ikaw talaga" baka kung saan pa mapunta ang usapan namin nitong babaeng to. Lalo na't sa kakaibang isipan niya na hindi ko maintindihan

Hindi ko nga alam ang mga susunod na mangyayare sa buhay ko, hindi ko pa nacocontact sina mama

Napabuntong na lang ulit ako

"Wag kang mag alala, kasama mo naman si Sir" nginitian ko siya. Kasama? Pinakamatagal na siguro yung kahapon. We barely talk to each other. Or even bother each other's existence

"Look what we have here, hello ladies" sabay kaming napatingala sa lalakeng nagsalita.

Kung papansinin mo ng mabuti, oo maitsura siya. Maamo din, medyo brown ang buhok, matangos na ilong, maputi at kung ano ano pang... nakakaboring na parte ng mukha niya

Hinawakan niya ang kamay ko

"My name is Apollo Hade, may I know yours?" At hinalikan ito. What!?

"Thats enough Apollo" bigla kong narinig ang boses niya, kaya napatingin ako kaagad sa bandang kaliwa kung saan nakatayo lang siya mag isa habang naglalakad palapit samin.

Mabangis ang dating niya, na parang sinasabe niya na lumuhod ka sa harap nito pero parang pinaparating niya lamang ito sa iisang tao

Biglang napunta ang tingin niya sakin at lumipat din ito bigla, napansin kong nakatingin siya sa kamay namin ni Apollo na magkahawak parin.

Agad ko namang inalis ang kamay ko at tumingin kay Eris na wala na pala sa upuan niya at hindi ko alam kung saan nagpunta.

Madami naring nakatingin dahil sino nga bang hindi? Mukha silang dalawang lion pero mas malakas parin talaga si Deimos

"Woah, easy bro. Hindi ko alam na sayo pala siya" pagtataas ng kamay ni Apollo na parang bang nag susurrender siya

"Well you should go look for another one" sagot ni Deimos na nasa gilid ko na at pinaglalaruan ang buhok ko.

I felt chills around my body.

"Nah, I'll just enjoy the view here" habang tumitingin sakin, bigla naman akong umiwas. Naguhukay ba ng sariling libingan ting lalakeng to?

"Apollo.." mas biglang tumakot ang boses ni Deimos, galit na ba siya? Acting lang iyan diba.. hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon pero hinawakan ko ang kamay ni Deimos at inintertwine ang aming kamay, ngayon ko lang napansin na ang laki pala talaga ng kamay niya. Pero parang tama lang ito sakin.

"I'm just joking bro! She's your woman, don't worry okay" biglang tawa niya at kindat sakin. Medyo dumiin naman ang hawak ng kamay ni Deimos sakin. Pero winalang bahala ko na lamang ito

"Anyway, talk to you guys later" sabay lakad niya papalayo.

Umupo naman si Deimos sa tabi ko pero hindi parin namin binibitawan ang kamay ng isa't isa

"Okay ka lang?" Tinanong ko sakanya

Tumingin naman siya sakin na oarang nakakaawa bigla saglit ang tingin niya pero napalitan kaagad ito ng maskara niya. A face with no emotion..

"Yeah.." sagot niya lang...

Pero bakit hindi parin siya bumibitaw.... bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit kaya?

Inalis ko na lang ang titig sakanya dahil nga sa sobrang nakaka intimidate niya.

Habang naglilibot ang mata ko.

May napansin akong pamilyar na mukha

Tinitigan ko ito at ng medyo nakaharap na ang mukha niya sa direksyon ko. Nagulat ako..

Bakit nandito siya?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Bakit nandito si Evander?

The Demon's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon