Im running short of breathe with every step
In need of oxygen to run away from this
I face the demons that take me to hell and back
Im getting heart attacks
Took me a heart attack
Im counting on you cos I need you here to save me
~
Chapter One
Saan nga ba nagsimula ang lahat?? parang sobrang tagal na ng panahon simula mapunta ako sa kalagayan na ganito.... bakit ko nga ba tinatanong ang sarili ko kung saan nagsimula, kung nakaukit naman na ito sa utak ko na parang bang kahit kailan... hindi na muling mabubura.... tama.... kahit kailan hindi na maalis sakin yoon...
At ngayon.. bumabalik nanaman sa isipan ko kung saan at paano nga ba nagsimula ang lahat...
~
Nagmamadali akong bumangon at dirediretsong pumunta sa banyo para makapaligo na kaagad, ugh nakakainis bat ba kasi late pa akong nagising, lagot niyan ako.. , nagmadali narin akong maligo, pero syempre yung maayos na pagligo. Pagkatapos ay tumakbo ulit ako sa kwarto ko at nagbihis na, inayos ko na din kaagad ang mga gamit ko para sa trabaho ko.
Bawal na akong malate, dahil malapit na yung sa deadline ng pinapagawa ng boss namin, kundi; baka may maalis sa trabaho namin, baka pati ako. Pero hinding hindi ako pwede maalis sa trabaho ko, dahil kailangan ko pang tumulong at buhayin ang mga kapatid ko at ang nanay ko.
Hindi pa kasi sapat ang sweldo ng kuya ko sa trabaho niya, kaya kailangan kong magpakahirap para naman hindi kami gipit. Lalo na, may lagnat si nanay ngayon, baka lumala pa yoon, kailangan ko pa siya ipa check up dahil nag susuka pa siya..
Hay, kailangan ko pang umuwi kaagad mamaya para alagaan ang mga kapatid ko dahil late nading makakauwi si si kuya dahil nga sa trabaho niya
Napabuntong hininga na lamang ako, ano ba naman yan; umagang umaga
Nang matapos na ang pag aayos ko pati narin sa mga gamit ko ay dumaan muna ako sa kwarto ng mga kapatid ko, nakita kong malinis at wala na sila. Siguro hinatid na sila ni kuya, salamat naman.
Pagkatapos ko isara ang pintuan ng kwarto ay nagmadali naman akong dumaan sa kwarto ni mama, pumasok akong dahan dahan at nakitang gising na siya at tinatahi ang nasirang bulsa ng short ni Aseon, isa sa bulilit kong mga kapatid.
“Ma, baka mapagod ka lang po dyan. Ako na lang po ang gagawa mamayang pag uwi ko”, sabi ko kay mama at kukunin ko na sana ang mga gamit na pantahi kaso hinawakan ni mama ang kamay ko, napa tingin naman ako sa kanya at alam kong ayaw niyang itabi ko ang mga ito.
“Okay lang naman ako Aglaia, at saka hindi naman nakakapagod ang ginagawa ko. Simpleng Gawain at madali lang naman to, sige na.. alam kong malalate kana, ako ng bahala sa bahay”, sabay ngiti niyang sinabe. Napaka bait ni mama, maganda pa siya sa edad niyang ito, pero ngayon pumapayat siya, ganun ba ang epekto ng pagkaron niya ng lagnat ngayon?
At dahil na din sa kabaitan niya kaya nagawa niyang pakawalan si papa.. hay.. ayoko ng maalala yun. Wala na akong magagawa, dahil hindi na ako makakatanggi kay mama.
“Oh sige po, basta po wag kang magpakapagod ah para po gumaling ka kaagad” sabi ko sabay ngiti kay mama, ngumiti din siya sakin. Ang tahimik talaga ni mama.
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession
RomanceAre you going to accept a deal and a contract with Deimos Adonis Kreios? a billionaire and the most hottest CEO in the phillipines, or maybe even one in the whole world. he's emotionless, Coldhearted and fearless human being. kabaliktaran pala niya...
