Chapter Fourteen: The Host is his...? (part one)

17.4K 329 13
                                        

You shoot me down

But I won't fall

I am titanium

~

Recap: pagkauwi nila, sinabe ni Deimos na magshoshopping daw siya kinabukasan. Paggising niya, bumungad sa harap ng pintuan niya ang isang babaeng nagngangalang Eris, habang nasa mall sila, madaming nangyari katulad ng lang ng icecream incident, paghila sakanya sa VS ;) at sa pagtawag sakanya ng 'big boobs'. At sa huli, isang nakakakilig na part.

കChapter Fourteenക

"Miss Aia, kailangan na natin simulan ang pag aayos sayo dahil after 3 hours pupunta na tayo sa party" pero bago yun, hindi ba dapat ayusin muna namin yung mga pinamili dahil nakatambak lahat ng mga paper

"Mag ayos muna kaya tayo?" Baka mamulubyo kami mamaya niyan sa paghahanap ng susuutin ko.

"Oh sure! Lets start" nag organize pa kami kung saan yung ito, saan yung ganon, ganyan, ganito. Buti na lang at malaki laki tong kwarto, saktong sakto lang yung mga damit sa mga lalagyanan.

Nakita ko niya siya kanina parang may tinatago sakin, ano naman kaya yun?

"Maligo kana dali" pagtutulak niya sakin sa banyo, hindi naman siguro siya excited mamaya noh?

"Eto na wait lang" pumasok nako sa banyo at nagsimula ng maglinis ng katawan, hindi ko pinaka scrub ang balat ko kasi hindi maganda ang kalalabasan kapag ganun, parang ginagasgas ko lng yung sarili ko.

Habang naliligo, napa isip ako sa mga nangyayare. Biglang nagbago ang buhay ko simula ng inatake si mama, madami parin akong mga tanong na hindi pa nasasagot.

Sobrang gulo ng buhay ko, kakayanin ko kaya to? Lalo na't binenta ko ang sarili ko sa lalakeng hindi ko naman kilala?

Feeling ko sobrang dungis ko, ayoko ng ganito... pero ano bang magagawa ko? Nangyare na diba, gumagaling na si mama, maayos at nagkakasundo na ang bestfriends ko, wala na yugn masungit kong boss, pero anong kapalit.

Nakatira ako ngayon sa bahay ng isang makapangyarihang lalake na hindi ko kilala, lahat ng galaw ko dapat alam niya. Sinabe pa nga niyang kung ano ang sakin sakanya din, ibig sabihin kasama ang katawan ko.

Pero mukang hindi naman niya gagawin yun diba, tutal hindi naman ako kagandahan, tama lang yung katawan ko, siguro sa pantaas medyo average. Madami siyang makukuhang babae na mayayaman pa na handang ibigay ang sarili nila sakanya kahit na hindi sila bayaran.

Isa lang akong babaeng may simpleng buhay na walang ala ala sa nakaraan.

"Miss Aia, are you done?" Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"A-ah oo saglit lang" tinapat ko ang mukha ko sa shower. Pagkatapos nun, binalutan ko na ng towel ang katawan at buhok ko.

Pagkalabas ko naman, nakita ko si Eris na may tinatago sa likod niya. Ano naman kaya yun?

"Ano yan?" Tanong ko sakanya

"Its your dress!!" Bigla niyang tinambad sa harap ko ang isang kulay silver na dress, mahaba ito at medyo malaki ang hati sa bandang dibdib. Hindi naman siguro babagay sakin yan eh!?

"Wow, ang haba at makinis ng legs mo, I envy your body Miss Aia! Hayy... anyway suutin mo muna to oh" bakit lace na underwear?! At bakit panty lang? Asan yung bra?!

"Teka, bakit yan lang?" Ayokong magmukang prostitute! Sorry for the word pero desente akong tao kahit ganito ako.

"Because you need to look like a goddess! This is the first time that Sir Kreios will have a girl accompanying him at an event" Wala ba siyang ex girlfriend or something dati?

The Demon's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon