Chapter two: Evander

34K 420 14
                                        

If I should die

Before I wake

Its cause you took

My breath away.

~

                                                          Chapter Two

“Ui Aia, hindi ka ba talaga sasabay uuwi samin??”Tanong ni Aella sa pang limang beses, hay.. hindi naman na nila kailangang mag alala, kaya ko na ang sarili ko. Tumango ako sa kanya at napanguso naman siya, na parang pinaparating na pipilitin pa ako.

Napabuntong hininga na lamang ako

“Kaya ko na ang sarili ko” sabi ko sabay patong ng kanang kamay ko sa balikat niya, napabuntong na lang siya at tumango. Nag aalala nanaman kasi sila ni Ios (koios) dahil hindi na naman ako makaka uwi ng maaga ngayon.

“Oh sige, mauna na kami ah.. kundi lang kasi ako kailangan sa bahay edi sana hinintay na kita” sabi niya, madami din kasi siyang responsibilidad. Tumingin sakin si Ios, at napabuntong na lang din.

“Basta wag kang masyadong magpagabe.. er.. kahit gabi na nga, ay basta, mag ingat ka sa biyahe mo mamaya pag umuwi kana ah” sabi niya na napakamot sa sa batok niya, haha.. nakakatawa talagang tignan ang ganito niyang mukha.

“Oo na, sige na alis na kayo… asan muna hug ko?” sabi ko, ngumiti naman sila pareho at niyakap ako. Ang swerte ko at nagkaron ako ng mga mabubuti at maalalahin na kaibigan.

“bye na ahh, ingat ka girl!’’ sabi ni Aella, at kumaway kaway pa katulad ni Ios. Kumaway din ako sa kanila hanggat sa hindi ko na sila nakita.

Hay… ang dami ko pang tatapusin, kailangan ko palang tawagan si kuya para makapag sigurado na nasundo niya ang mga kapatid naming. Kinalkal ko ang bag ko at kinuha ang phone ko, denial ko number ni kuya.

*calling Endymion*

*Connecting…*

*Connecting…*

[Aglaia?]

“kuya nasundo mo ba ang mga bata?” tanong ko, habang nagtatype sa keyboard ng loptop na nasa harap ko ngayon gamit ang kanang kamay ko, at hawak naman ng kaliw akong kamay ang phone ko na nakadikit sa tenga ko.

[Oo, kanina pa.. bat di ka pa umuuwi??]

“Tatapusin ko pa tong huli kong ginagawa kuya, para mabawasan ang tambak kong gagawin bukas, at mga 15 or 30 mins na lang to kuya” sabi ko sakanya, nilipat ko yung page nung nasa folder na papel, at binalik ang tingin ko sa screen at keyboard at nag type ulit.

[ahhh, hmm baka hindi mo na ako maabutan dito sa bahay ah, dahil kailangan ko pa pumasok sa trabaho, may night shift ako ngayon.. magluluto ako saglit para makakain na ang mga kapatid mo at si mama]

Hay.. mas pago lagi si kuya sakin, halos 24 hours siya minsan na non stop na pagtatatrabaho para hindi siya malate oh maabsent sa tarabaho paraan para hindi siya maalis. Napaka swerte ko at nagkaron ako ng kuya katulad niya, hindi.. swerte talaga ako dahil kuya ko siya

“kumain ka din kuya, para naman hindi ka gutumin ahh.. kailan ba day off mo?” tanong ko, habang nagtatype pa din…

[Sige, bukas ng six am hanggang sa six am din ng susunod na umaga, pero dahil may trabaho pa ako ng 4 ng hapon bukas, konti lang ang pahinga ko, pero okay lang yun haha pabayaan na]

6 am hanggang 4 pm, 11 hours lang? hindi man lang umabot sa kalahate, hay….. nilipat ko ulit yung page, at napansing 3 page na lang at pwede na akong umalis sa trabaho at umuwi na din, tuminging ako sa buong office, 5 na lang pala kami ditto at mukhang pauwi na yung dalawa… dahil inaayos na nila yung mga gamit nila

The Demon's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon