Head in the clouds
Got no weight on my shoulders
I should be wiser..
~
Recap: pagpasok ni Agalia sa kanilang opisina, pinagtatanong kaagad siya kung anong nangyare sa kanila ni evander nang gabing iyon. Habang naglalakad namab sila galing sa paglulunch, may nakita siyang bouquet ng roses sa desk niya kung saan may card na nakasingit. At namuo nanaman ang misteryosong bumabalot sa kanyang isipan
Chapter Four
Inuwi ko ang mga rosas sa bahay kahapon, nakakahiya nga dahil ang daming tumitingin sakin, siguro namumula ako nun. Ikaw ba naman kasing sumakay ng jeep at may hawak hawak na malaking bouquet ng mga rosas. Sobrang nakakahiya talaga.
At nung naka uwi naman na ako sa bahay, nakasalubong kaagad saking ang mga bata at si mama. Sinabe nila na umuwi sila mag isa, syempre nag alala ako na nasermonan ko. Pero mabuti nalang at naka uwi sila ng maayos. Si mama naman, nagulat sa inuwi ko nga. Tinanong niya kung kanino galling, pero hanggang ngayon kasi hindi ko parin alam kung sino.
Ayoko naming mag assume na sa kakilala ko yun oh kay evander, hindi naman kasi ako yung ganong tipo na babae.
Hindi ko na pala naabutan kagabe si kuya, nakatulog na kasi ako, tinapos ko ulit yung tambak na paper works ni mam sakin, masipag kasi ako, at matiyaga.
At ngayon naman, nandito ako sa trabaho. Parang araw araw lang, nasasanay narin ako.
Tumingin ako sa relo ko, malapit na maglunch, tapusin ko na tong ginagawa ko para mabigay ko na kay Gail. Nang may biglang kumalabit sa balikat ko.
Paglingon ko nakita ko si evander, nagulat ako dito at napatigil sa pagtatype.
“Sorry, nakaka istorbo ba ako?” bigla niyang tanong at napakamot na sa batok.
“nako hindi naman” sabay ngiti ko, ano naman ang kailangan niya? Ay oo nga pala, kailangan ko pa siya tanungin kung pano niya nalaman ang bahay naming. At kung bakit parang wala mang kibo sila mama nung mga nakaraang araw.
“uhm pwede ba kitang maka usap, ng matino kapag lunch time na?” ano naman ang sasabihin nanaman niya? Hmm bahala na, payag na lang. dahil nga may itatanong rin pala ako.
“sige, malapit narin ako matapos dito” sagot ko naman sakanya.
“ah, sige salamat ah. Hintayin na lang kita sa labas” ngumiti na lang ako at tumango, ayoko nang pahabain ang usapan. Madami na kasing tumitingin. Hindi ako sanay sa mga ganyang bagay.
Umalis na siya at ako naman bumalik sa pagtatype dahil ayoko ng mas gawing awkward ang sitwasyon.
“hep hep hep ! ano daw ang narinig naming huh?” paikot niya sa upuan ko, si Aella. Hay nako, eto nanaman. Gusto kong mapa face palm kaso masyadong epic. Teka, ano ba tong pinagsasabi ko.
“may sasabihin lang siya sakin” sagot ko sa kalmadong boses.
“HMMMM may sasabihin nga lang BA?” dagdag ni Zes.
“O-“ naputol ako sa pagsasalita dahil sumingit si Qiin
“Asus! Niyayaya ka na nga sa DATE eh”
“hala! Kayo talaga, kung ano anong lumalabas sa mga pag iisip niyo, may pag uusapan nga lang kasi ang kukulit niyo talaga” nakakahiya naman tong mga pinag gagawa nila, binibigyan ng malisya ang pag uusapan naming ni Evander.
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession
RomanceAre you going to accept a deal and a contract with Deimos Adonis Kreios? a billionaire and the most hottest CEO in the phillipines, or maybe even one in the whole world. he's emotionless, Coldhearted and fearless human being. kabaliktaran pala niya...
