I'm here alone, didn't wanna leave
My heart won't move, it's incomplete
Wish there was a way that I can make you understand
~
Recap: habang naglalakad si Aglaia ng gabing iyon, nagulat na lamang siya ng nakita niya si evander. At nang sasakay na sana siya sa taxi, bigla siyang pinigilan ni evander dahil mukhang lasing ang driver, at dahil sa ginawa niya. Niyaya na lamang niya na ihatid si Aglaia.
Chapter Three
"Aia, pikit ka dali" pumikit ako kunwari pero medyo nakabukas ng konti ang aking mga mata.
"Madaya ! madaya! Sige ka wala ng supwise para sayo" napadilat naman ako at nagpout, nakita kong naka pout at crossarms din si Momo, pero bakit hindi ko masyado Makita ang buong mukha niya
"ehh eto na nga, hmp! Basta bilishan mo ah" sabi ko sabay pikit ng mata ko ng mariin, may naririnig akong papel na napupunit at mga yapak ni Momo, hmm ano kaya yun.
"Aia dilat kana dali!" medyo nahihilo ako
*dugdug*
"Aia, dali na!" didilat na sana ako, sobang liwanag..
Momo...
"Aia!"
"Aia"
"a-"
Biglang may sumampal sa magkabilang pisngi ko, hingal na hingal ako.
"ahhhhhhh!" napaupo ako kaagad, kumikirot ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang bang kapag inaalala ko yun, kumikirot..
"Ate Aia! Kanina ka pa po namin ginigising ,hmp!" habang naka ngusong banggit ni Carme ang babae sa kambal kong mga kapatid na bulilits pero napaka talino.
Haysh ang sakit ng ulo ko, at saka yung weird na napanaginip ko, imposibleng kung ano ano lang yun dahil nickname ko ang Aia, siguro isa sa mga past ko na hindi ko na masyadong maalala.
Nagka-
"Ate nakatulala ka naman po ngayon!" napabulagta ako ng biglang nagsalita si Aseon, ang kakambal ni Carme. Hay nako.
"Eto na po mam at sir babangon na ahaha" bumaba na sila sa kama ko tumakbo palabas ng kwarto. Teka anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan sa pader at nakitang 7 na pala ng umaga. Hala! Baka malate ako niyan.
Bigla bigla akong bumangon sa kama ko at hinablot ang tuwalyang nasa hanger sabay takbo papunta sa banyo. Nagmadali akong naligo at mabilis ding nag bihis, hindi ako yung tipong naglalagay ng make up, lalong ayaw ng Mam naming iyon dahil ayaw niyang may nakakahigit sa tinatawag niyang kagandahan sa sarili.
Pagpunta ko sa kusina nilalagay na ng mga bata ang kanilang baunan sa bag nila, si Mama naman nagliligpit ng pinagkainan sa lamesa.
"Nay tulog pa po ba si kuya?" tanong ko sabay upo sa upuan para magsimula ng kumain, naglatag naman ng juice si mama sa tabi ng plato ko. Napaka sipag talaga niyang ina, kahit may sakit nagagawa parin kaming alagaan- wait! Sakit... may sakit pala si mama eh bakit siya umalis sa kwarto niya! :o
"Natutulog ang kuya mo, alam mo naman. Pagod kasi siya, ang kulit kasi.. hindi niya dapat pinapagod ang sarili niya, pareho naman kayong graduate ng college pero mas inuuna niya tayo kaysa sa sarili niya" bigla kong rinig na sabi niya. Tama nga si mama, isa din yun sa hindi ko maintindihan kay kuya
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession
RomanceAre you going to accept a deal and a contract with Deimos Adonis Kreios? a billionaire and the most hottest CEO in the phillipines, or maybe even one in the whole world. he's emotionless, Coldhearted and fearless human being. kabaliktaran pala niya...
