I may end up failing too
But I know
You were just like me
with someone disappointed in you
~
Recap:nakita ni Aglaia ang kanyang kuya at nag usap sila. Nang bigla siyang tanungin kung sino ang nakasunod sakanya. Nakalimutan pala niya ang presensya ni DeimosകChapter Nineക
Hindi ko alam kung paano ako sasagot sakanya, sa ganitong sitwasyon, siguradong magmumuka akong tanga sa gagawin ko.
Dahil nagiba ang expression ni kuya, Dahan dahan akong lumingon sa kinaroroonan ni Deimos at ayun! nakatayo ang demonyo sa gilid, para siyang greek god.
A cold hearted Greek god with a demonis aura
Fudge, nawawala nanaman ako sa sarili kong pag iisip, dahil lang dito sa lalakeng to.
"You're not going to introduce me..?" Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita at naglakad papunta saamin ni kuya.
Hinawakan naman bigla ni kuya ang kamay ko ng madiin.
"Sino ka?" Mariin niyang tanong.
Napunta naman ang tingin ni Deimos kay kuya pero bumalik ito sakin.
"Aia?" Napatingin naman ako kay kuya, anong isasagot ko?
"a-uhm.. si-siya si..-" utal kong pagsasalita nang unahan ako ni Deimos.
"I'm her boyfriend" Nanlaki naman ang mata ko sa mga sinabing salita ni Deimos, ano daw? Boyfriend ko siya? kailan pa siya naging boss ng buhay ko? aish oo nga pala, yung deal. nakakainis, parang tumawag lang ako ng demonyo at isinanla ang buhay ko. pero ganun namn talaga ang nangyare, ang pinagkaiba lang naman ay isa siyang tao, na ugaling demonyo.
"Boyfriend? kailan pa to Aglaia?" Nakakatakot ang titig ni kuya sakin, bakit kung kailan kailangan namin ng nurse na iistorbo ngayon eh walang dumarating?sa mga teleserye at pelikula laging meron? bawal sa real life? Argh!
"Uh.. balak ko sanang sabihin sainyo, kaso nga.m yung nangyari kay mama... kaya ayun.. alangmang isingit ko pa diba? at saka asan na pala ang mga bata?" sinabe ko sabay iba ng topic sa huli.
"Kasama sila nanay teresa, siya muna ang nagbabantay, boluntaryo" sagot niya.
binitawan na niya ang kamay ko, na parang hindi ko na maramdaman dahil sa tagal at higpit ng hawak ni kuya.
"So you're her brother that she's been telling about.. for awhile" nagsalita nanaman ang demonyo. tsk tsk
"Tama." Matipid na sagot ni kuya, na parang nakapagpainis sa mood ni Deimos. Haru! no no no.
"Uhmmmmmm uuwi kana diba?sabi mo hahatid mo lang ako, naku.. may pasok kapa sa trabaho mo" pagmamadali ko siyang hinila na parang pinabayaan lang niya.
~{-*-}~
"Ba-bakit mo sinabe yun?" Tanong ko sakanya ng makalabas kami ng Hospital.
"What do you want me to do? and I own you, there's nothing wrong about it" Cold niyang sagot.
napatitig naman ako sa sapatos ko
bigla siyang naglakad palayo, ako naman nakatitig lang sa likod niya.
Pansin ko lang, napaka childish ng ugali ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession
RomanceAre you going to accept a deal and a contract with Deimos Adonis Kreios? a billionaire and the most hottest CEO in the phillipines, or maybe even one in the whole world. he's emotionless, Coldhearted and fearless human being. kabaliktaran pala niya...