Author : Binibining Nadya
× Sean Ji Wun P.O.V ×
×××××××
Umuwi ako sa bahay na lasing, nag inuman kami ni Sandro sa Bar ni Atty. Nakauwi naman ako ng safe sa bahay, pagpasok ko ng kwarto ko. May nakahigang babae sa kama ko at tulog na ito.
Hayss, bakit ba dito siya natulog sa kwarto ko?
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sakin noh. Kumuha ako ng unan at sa sofa nahiga. Hindi ako tatabi sa babaeng hindi naman ako kayang mahalin pabalik.
Dahil sa kalasingan ay nakatulog naman ako agad.
Kinabukasan ay nagising ako sa mahinang yumuyogyog sa balikat ko.
"Chingu, gising kana."
Napalukot pa ang mukha ko ng makita si Gwen at karga nito si Cha. Simula kahapon ay hindi ko pa nakikita si Cha. Naupo ako mula sa pagkakahiga sa sofa at naupo pa sa tabi ko si Gwen.
Pasimple kong tinitignan ang sanggol na karga karga niya, nakangiti ito at halatang alagang alaga siya ni Gwen nung wala ako.
"Sobrang miss na miss kana ni Cha, Chingu. Gusto mo ba siyang kargahin?"-Gwen. Umiling naman ako. Napalukot pa ang mukha niya. "Pero bakit? Hindi mo ba siya namimiss?"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Chingu, are you mad at me?"-tanong nito sa malungkot na boses. I nodded. Napayuko pa ito at humaba ang nguso.
"Lumabas na kayo, may pupuntahan pa ako."-cold kong turan rito.
"Pero Chingu."-tumayo pa ito mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Pwede ba Gwen, tigilan mo na ang pagtawag ng Chingu sakin. Hindi tayo magkaibigan!"-medyo napataas pa ang boses ko. "Aalis ka ba rito or kakaladkarin pa kita palabas."-i said at matalim ang tingin ko rito. Pero parang maiiyak na ito.
"Sean, ano ka ba!"-si Lola na kakapasok pa lang nito ng kwarto.
"Lola, inaaway ako ni Chingu. Huhuhu. Pinapaalis niya kami ni Cha."-pagsusumbong pa nito kay Lola at lumapit pa ito kay Lola.
"Ano ka ba Sean! Gusto mo bang ikaw ang paalisin ko rito.!"-nakataas na kilay na turan nito.
Ako pa talaga ang paaalisin niya. Eh ako itong apo niya at hindi ang isip bata na yan.
"Pwede ba Lola, wag mo ng ipagtanggol ang babaeng yan. Linoko lang ako niyan, katawan ko lang ang habol niya sakin!"
Hindi ko alam, pero naiinis ako ng sobra kay Gwen. Pagkatapos niya akong ipagtabuyan, tapos nandito siya sa pamamahay namin. Para ano? Para masaktan ako ulit?
"Lola, ang Bad na po ni Chingu. Paluin mo po siya Lola."-saad pa ng isip batang sipsip na si Gwen.
"Ako na ang bahala sa kaniya, sige na lumabas na kayo ni Cha."-saad pa ni Lola rito. Pinanlakihan ko pa ng mata si Gwen, at parang natakot pa ito kaya nagmadali palabas ng kwarto ko.
"Bakit mo ba kasi dinala ang babaeng yun dito?"-medyo inis kong turan.
"Tumigil ka Sean, hindi naman ganiyan ang ugali mo. Bakit ka ba nagkakaganiyan? Nakakaawa naman yung mag ina mo kung----"
"Hindi ko sila mag-ina. Okay lang sana kung si Cha, matatangggap ko. Pero yung babaeng sipsip na yun sayo, hindi na. Kaya kung hindi niyo siya paalisin dito, ako na lang ang aalis."-saad ko na medyo naiinis. Buong buhay ko ay maging mabait ako at hindi nang aaway ng babae.
BINABASA MO ANG
FINDING HER
Любовные романыSean Ji wun Yeon is a General Surgeon, ng mapatalsik siya sa sariling hospital nila. Inutusan siya ng lola niya na gawin ang isang mission kasama na rito ang paghahanap sa babaeng magpapasaya sa kaniya. Pero ang kaniyang nakitang babae na magpapasa...