Dedicated to : gwen_kierra333
Author : Binibining Nadya
2 WEEKS LATER
"Ano ka ba Sean! Palagi kana lang bang uuwing lasing dito sa bahay! Ano bang nangyayari sayo?!"-panenermon ni Mama sakin habang nakahiga ako sa sofa at kakauwi pa lang galing sa isang Bar.
Sa dalawang linggong nakalipas, linolong ko ang sarili ko sa alak. Para sana kahit papaano makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.
"Ma pwede ba, pabayaan mo na lang ako."-inis kong saad rito.
"Pwede ba, kalimutan mo na lang ang babaeng dahilan ng problema mo. Magtrabaho ka na ulit sa Hospital, baka sakaling makalimutan mo siya at malibang."-saad nito.
Nalaman ng parents ko ang tungkol kay Gwen, si Nicholo lang naman na spy ni Lola ang nagtsismis sa kanila. Bida bida ang isang yun eh. Kaya nalaman na rin nila na galing ako sa Province at hindi sa Korea.
Nagalit pa nga sana si Mama kay Lola, kaso ano bang magagawa ni Mama. Si Lola ang nasusunod at hindi siya.
Palagi kong hinihintay ang tawag ni Gwen, pero nagmumukha lang akong tanga sa kakahintay.
"Wala na akong pakialam sa Hospital na iyan. Mas masarap pa maglasing araw-gabi."
"Na sstress ako sa iyong bata ka! Mabuti pa, sumama ka sakin sa Korea Nextweek. Doon ka na lang manirahan at wag ka ng babalik dito kung yan ang gusto mo. Mauungusan ka ng mga pinsan mo, pag palagi ka na lang ganiyan. Kalimutan mo na ang babaeng yun, masiyado ka kasing mabait kaya ka inaabuso ng mga tao. Bakit hindi mo subukan maging ilag sa kanila. Hayaan mo ang mga taong mapag abuso sa kabaitan mo, gantihan mo kung gusto mo."-she said at naupo pa ito sa may tabi ko.
"Sean, ayokong nakikita kitang ganiyan. Nag iisang anak lang kita, ayoko na mawala ka samin. Pati ang Dad mo nag-alala na sa ginagawa mo. Kaya tutulungan kitang makabangon muli, hindi ko hahayaan na inaabuso ang anak ko ng ganito."-she said, kitang kita sa mata niya ang pag alala at lungkot. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at yinakap siya.
"Ma, sasama ako sayo Nextweek sa Korea."-i said. Napangiti naman siya ng husto.
Kung kinalimutan ako ni Gwen at binalewala lang, ganun din ang gagawin ko. Wala na akong pakialam pa sa kanila, hindi ko na siya babalikan pa. Sobrang sakit ng ginawa niya sakin, hinusgahan niya ako na hindi niya alam ang totoo.
Binalewala niya ang pagmamahal na binigay ko, kakalimutan ko na sila ni Cha. Malamang ay nasa Mindanao na sila tulad ng sabi ng tita niya.
Kinabukasan.
"Sean, wala ka bang balak na pumasok sa Hospital."-Lola said na ginising pa ako nito. Dito ako sa sala nakatulog, dahil hindi na ako pinilit pa ni Mama na umakyat sa kwarto ko.
"La ano ba! Ayoko nga eh!"-medyo inis kong saad at napakamot pa sa ulo.
"Kung ganiyan ka na lang lagi! Pupunta ako ng probinsiya, papaalisin ko sa lugar na iyon ang mga taga roon. Isasama ko sa itatapon ang babaeng kinababaliwalan mo!"-saad nito na medyo galit.
"Gawin niyo ang gusto niyo."-i said. Wala na akong pakialam, wala naman doon si Gwen. Kaya paalisin niya na kung gusto niya.
"Tsk. Walang mòdo kang bata ka! Sige magpakalasing ka lang hanggat gusto mo."-saad niya na may inis sa tono ng boses.
BINABASA MO ANG
FINDING HER
Storie d'amoreSean Ji wun Yeon is a General Surgeon, ng mapatalsik siya sa sariling hospital nila. Inutusan siya ng lola niya na gawin ang isang mission kasama na rito ang paghahanap sa babaeng magpapasaya sa kaniya. Pero ang kaniyang nakitang babae na magpapasa...