CHAPTER 18 ⚠️WARNING⚠️

327 24 2
                                    

Dedicated to : gwen_kierra333

Author : Binibining Nadya



Nakarating ako sa Waiting shed ng subdivision namin, malapit sa guard house.



"Kuya, palabasin niyo na po ako please!"-si Gwen habang nakaluhod ito sa harap ng isang Guard at nagmamakaawa. Basang basa na ito ng ulan, kaya tumakbo ako para lapitan siya.



"Gwen tara na, uuwi na tayo."-hinawakan ko ito sa kamay at mahinang hinila patayo.


"Ayoko sayo!"-bulyaw nito sakin at binawi ang kamay niya ng makatayo ito mula sa pagkakaluhod.


Animo'y isa siyang basang sisiw dahil sa itsura niya.


"Ayoko sayo! Uuwi na ako samin. Diba, sabi mo ayaw mo na akong makita?"-umiiyak na saad niya. Kahit pumapatak ang ulan sa mukha niya alam kong tumutulo ang mga luha niya.




"Palagi kana lang galit sakin! Wala naman akong ginawang masama sayo ah!"-umiiyak na turan nito. Pinayungan ko namam siya, pero tinabing niya ito ng malakas kaya nabitawan ko at nahulog sa kalsada, kaya pati ako basang basa na rin dulot ng ulan.



"Im sorry, hindi ko sinasadya. Uuwi na tayo ah, baka magkasakit ka pa."-linapitan ko ito at hianwakan nag kamay niya.




"Huhuhu! Pero ayaw mo sakin diba? Sabi mo kanina umalis na ako, diba? Ayaw mo na akong makita, diba? Ayaw ma sakin ng chingu ko. Huhuhu."-hagolhol nito habang pinapapawi niya ang mga batak ng ulan sa mukha niya.




"Manong, diba hindi po totoo na pinapaalis ko po siya?"-tanong ko sa guard ng subdivision namin.



"Ho?"-nagtataka nitong tanong na nakatingin samin ni Gwen. I looked at him 'um-oo kana lang'look. Kaya naman tumango tango ito. "Ah opo m-maam, totoo po iyon. Ayaw po ni Doc Sean na umalis kayo kaya hindi ko po kayo pinapalabas."-sabi naman ni manong guard na sumang ayon sa akin.



Napatingin naman sakin si Gwen habang nakalukot ang mukha.



"Totoo ba iyon Chingu?"-nakangusong tanong niya. Hinapit ko naman siya sa bewang at linapit sa akin. Kaya halos nakayakap na ako dito at hinawi ang hibla ng buhok niya nakaharang sa magandang mukha niya.



"Oo totoo iyon. Kaya tara na, uuwi na tayo sa bahay. Baka hinahanap kana ni Gio at Cha."-malambing na boses na saad ko rito. Medyo tumila na ang ulan, humaba lang ang nguso nito at parang hindi pa naniniwala sa akin.




"Are you sure?"-paniniguradong tanong niya. I nodded while chuckled.



"Yes po. Tara na, umuwi na tayo at baka magkasakit ka pa."-mahinahon kong tinuran. Yumakap naman siya sakin, yinakap niya ako ng sobrang higpit.



"Chingu. Promise mo sakin ah."

I just smile and nodded at her. Maya maya pa ay nagpaalam ako kay manong guard at nagpasalamat. Mabuti na lang hindi niya pinalabas ng Subdivision si Gwen.





Pagbalik ng bahay ay magkasalubong na kilay ang bungad sa akin ni Lola.




"Pasalamat ka, tinawagan ko ang Security Guard na wag palalabasin si Gwen. Kung hindi, baka ikaw na ang napalayas ko rito!"-medyo mataas na boses na turan ni Lola na halatang galit sakin.




"Chingu, linalamig na ako."-sad ni Gwen na yakap yakap ang sarili niya. At parang nanghihina ito kaya agad ko siyang sinalo bago pa matumba.



FINDING HER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon