Chapter 16

272 10 1
                                    

Yung kaba ko grabe, lalabas na ata ang puso ko woiiss!

"R-ren b-bitaw na." Nauutal kung utos sa kanya.

Problema nang lalaking to? Bigla bigla nalang nanghihila eh tapos naninitig pa, tulad nalang ngayon, kanina pa sya naka titig sa akin tapos napapansin kupa na lunok sya nang lunok pero wala namang kinakain.

"Damn, what did you do to me Akira." Anong pinag sasabi nang lalaking to? Wala naman akung ginawa sa kanya ahh??

"Ren, nabaliw kana ba?" Nakakunot nuong tanung ko sa kanya.

"Maybe I am... " Pagkatapos nyang sabihin yon ay nabigla ako sa kanyang ginawa kaya hindi na ako nakapalag. Naramdaman ko nalang ang kanyang labing lumalapat sa labi ko.

Halos kapusin na ako nang hininga perong itong si Ren ayaw parin tumigil sa pag halik sa akin.

"Gandang bunggad naman to. Hoyy respeto naman sa walang jowa!" Bigla kung naitulak si Ren sa gulat nang may biglang sumigaw.

L*ngya pangalawang besis na nya kaming nakitang nag hahalikan, subrang nakakahiya na talaga... Kasalanan to ni Ren eh, basta basta nalang nang hahalik..

Narinig kung tumawa nang mahina si Ren pero agad ding nag Seryuso nang tumingin ito kay Thorn na syang sumigaw kanina.

"Leave now Thorn if you don't want to get burned!" Sigaw nito kay Thorn.

"Ito na, aalis na! Tuloy nyo na yung gina---A-a-aray! Aray ko! Bitawan mo ang tinga kong Mangkukula--- A-ahh-ray k-ko ano ba!" Napatawa nalang ako nang hindi matuloy tuloy ni Thorn sasabihin nito dahil sa hinila ni Nana ang kanyang tenga.

"Hehehe, pasyensya na sa inyo, ako na ang bahala sa tinik na ito." Si Nana, hinila na nya si Thorn pa alis kaya sigaw nang sigaw si Thorn sa sakit hahahaha.

"Lagot ka talaga sa ahh! Aking mangkukulam ka kapag nakawala ako dito!"

"At sino namang tinatakot mung tinik ka!"

Hahaha hanggang dito abot yong mga bangayan nila...

"Ehhem!" Napalingon ako kay Ren nang tumikhim ito.

Ano nanaman kaya ang problema nang isang to?

"B-bakit?"

"Let's go." Malamig nyang sabi at nauna nang lumangoy papunta sa gilid nang ilog upang umahon na sa tubig.

Hays! Hindi ko talaga sya maintindihan, may saltik ata yon sa utak ehh. Ang bilis magbago nang ugali....

Susunod na sana ako sa kanya pero biglang hindi ako makagalaw. Pa unti unti narin akung lumulubog sa tubig, parang may humihigop sa akin tapos yung tubig nang ilog ay nag simula nang umi ikot sa paligid ko.

"R-ren!" Sigaw ko at napalingon naman ito sa akin. Nagulat pa ito nang makitang malapit na akung lumubog sa tubig pero agad ring nakabawi at walang kung ano ano ay tumalon ulit ito sa tubig at lumangoy papunta sa akin.

Nang makalapit sya sa akin ay agad nya akong niyakap nang mahigpit hanggang sa tuluyan na nga kaming lamunin nang tubig.

*****

Nagising ako sa hindi familiar na lugar, hula ko ay nasa kweba ako dahil narin sa kita ko ang labasan nitong lugar na ito.

Si Ren? Nasaan si Ren? Naalala ko na niyakap nya ako kanina bago pa kami lamunin nang tubig.

Kailangan kung hanapin si Ren. Tatayo na sana ako pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko, at hindi ko rin maramdaman na may mga paa pa ako ngayon.

Dahan dahan akung tumingin sa mga paa ko at tama nga ako dahil wala na akung makitang mga paa ngayon dahil buntot na nang isda ang nakikita ko.

I Got Reincarnated Into A Ice Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon