Chapter 29

155 2 0
                                    

May Naramdaman akung malamig na bagay na dumikit sa liig ko bago ko marinig ang boses ni Ren. "She's gone, you can open your eyes now baby." Kinuha ni Ren ang mga kamay nyang nakatakip sa mga mata ko.

Dahan dahan ko namang idinilat ang mga mata ko at bumunggad naman sa akin ang tahimik na paligid na tila walang nangyayari.

Nilingon ko si Ren at nakita ko syang may hawak hawak na yelo. Saan nya kinuha yon?? Dala nya kaya yon? Hindi natunaw?

"Ren, saan na yung babae?" Nilibot ko ang paningin ko pero mga statuwa lang nang mga tao ang nakita ko kasama narin sila Thorn at Nana na nakapikit parin hanggang ngayon.

Hindi ko narin narandaman ang prisensya nang babaeng yon sa paligid. "Hindi ko rin alam, but I know babalik din yon." Binigay ni Ren ang Yelo sa akin at nagtataka ko naman syang tinignan. "Ikaw na ang magsabi kila Nana, kita mo naman na natutunaw na ang yelo sa kamay ko dahil sa init nito." Napatango naman ako nang maintindihan ko ang ibigsabihin nya. Mainit nga pala ang kamay nya kaya madali lang matunaw ang yelo kung hahawakan nya ito.

Binigay ko naman sa kanya ang batang babae na nakatulog ata. Nang nasa kamay kuna ang yelo ay napangiwi naman ako dahil kalahati nalang ito. Ganon ba ka init ang palad nya at ang bilis matunaw nang yelong ito.

Lumapit ako una kay Nana at dinikit ko ang yelo sa liig nya, napa igtad naman ito at naidilat ang mata. "Whossh! Nagulat ako don ahh!" Napatawa naman ako nang mahina.

Sinunud ko si Thorn pero ayaw manlang dumilat, naka ilang dikit na ako nang yelo sa katawan nya ayaw man lang dumilat. "Hoyy Thorn may plano kabang matulog dito nang nakatayo?" Naiinis na ako sa isang to ehh!

Lumapit si Nana kay Thorn at bigla nalang itong sinapak na maypagka lakas lakas. Bilib din ako kay Nana eh, akalain mo yon, sinapak nya nang walang takot ang isang prinsipi nang Rose kingdom na si Thorn Nagasaki.

"F*ck! Ang sakit non ahh! Sino yung sumapak sa akin?!" Biglang sigaw ni Thorn at nilibot ang paningin. "Ako! May angal ka?!" Bigla namang natahimik si Thorn at umiling iling na tila natatakot. "W-wala, parang kagat lang naman yon nang laggam kaya ayaw kunang maulit." Inirapan lang sya ni Nana.

Ibang klasi din tong dalawang to eh, magkasintahan nanga sila pero nagbabangayan parin.

"Tara na, kailangan pa nating Magpahinga." Sumunod naman kami kay Ren.

Hindi ko alam na subrang hirap naman pala kunin ang librong yon.

Tumigil kami sa paglalakad upang magpahinga at magpalipas narin nang gabi. Mabuti at may mga dali kaming mga pagkain.

Lumapit kami kay Ren maliban sa batang babae na kumakain nang tinapay. Inilapag ni Ren ang mapa sa lupa kung saan malapit sa apoy upang makita namin iyon.

"Malapit na tayo. Bukas na bukas ay pupunta ako duon." Maraming tinuro si Ren sa mapa kasama nadin duon ang isang kweba kung nasaan ang libro.

"Ikaw lang magisa Bro?" Tumango naman si Ren kay Thorn. "Yeah, masyadong delikado kung sasama kayo lalo nat may bata."

"Hindi, sasama ako sayo." Pag sabat ko, hindi pwedeng sya lang dahil una sa lahat ay ako ang may kailangan sa libro. "No, you can't baby. It's too dangerous for you."

"Wala akung paki Ren. Wla namang hindi delikado sa lugar na ito kaya kahit anung magyayari ay sasama ako."

"But ba-"

"Tapos ang usapan!" Pag putol ko kay Ren. Tumayo ako at lumapit sa batang babae na ngayon ay inosinte lang na nakatingin sa akin. Ngumingiti ako dito.

Tinitigan ko ang mga mata nya, kakaiba iyon. Kulay abo pero may asul sa gita na parang simbulo nang kidlat. Ano kaya ang lahi nito? Imposibling taga dito ang batang to dahil mga witch lang naman ang naninirahan sa lugar na ito. At kung isa syang witch dapat ay kulay violet ang mga mata nya.

I Got Reincarnated Into A Ice Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon