Kasalukuyan akung naka upo sa sofa katabi si ate Rika at Nana habang nag ku kwentohan nang biglang maramdaman ko ang pananakit nang tyan ko.
"A-ate?"
"Hmmm?"
"M-manganganak na yata ako." Napalingon naman ito sa akin at nanlaki pa ang mga mata nito nang makita nyang namimilipit ako sa sakit. "O my God! Anong gagawin ko?!" Natataranta syang tumayo at nagpalakad lakad sa harap namin.
"Arghh!" Maslalo naman itong nataranta at hindi alam ang gagawin nang dumaing ako. "Ate masakit!" Naiiyak na ako sa sakit, natataranta nadin si Nana...
"A-ate Rika, s-subukan mo pong tawagin si Ren at Thorn." Nanginginig na boses ni Nana.
"Ay oo nga no! Sige Nana maiwan na muna kayo." Agad namang naglaho sa harap namin si Ate Rika habang si Nana naman ay lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Lunok nang lunok si Nana sa sariling laway habang nakatingin sa akin. "M-masakit ba?"
Anak nang! Tinatanong pa talaga yan?? "Subukan mo kayang magbuntis nang malaman mo!"
"To naman, tinatanong lang eh."
"Aba! Nana! Sa lagay kong to tinatanong mupa talaga!!"
"Sh*t! Baby are you okay?" Si Ren na natataranta ding lumapit sa akin. "Isa kapa! Kita mong nahihirapan ang ang tao oh!"
"Natatakot na akung mag asawa kung ganyan ang ugali kapag nanganganak na." Bulong ni Thorn na nasalikod ni Ate Rika.
"Ano?!! Papaanakin nyo ako o magbubulungan nalang kayo jan?!"
"F*ck!Sh*t! Sundan nyo kami sa kwarto, bilis!" Isa patong si Ren eh, hindi na natigil sa kakamura pshh!
Nasa kwarto na kami at agad namang sumunod sila Ate. May kasama silang matandang babae.
Kanina wala naman yang matanda ahh? Iba talaga ang magagawa kapag may kakayahang mag teleport. "Lumabas muna kayong lahat maliban sa asawa nang mangaganak." Nagsilabasan naman silang lahat habang si Ren ay nanatili sa tabi ko habang hawak hawak ang kamay ko.
Nagsimula na ang matanda na paanakin ako. "Ren masakit!"
"Shh! I know! You can make it baby, nandito lang ako sa tabi mo." Tumango tango ako saka kumapit nang mahigpit sa kamay ni Ren.
"Aahhhh!" Sigaw ko kasabay nang iyak nang isang bata. Nanghihina akung napapikit. "Lalaki ang anak nyo." Rinig kung salita nang matanda bago ako mawalan nang malay.
*****
Nagising ako sa kwarto namin ni Ren. Medyo nanghihina pa ako. Bumukas ang pinto at pumasok si Ren habang buhat buhat ang anak namin.
"Your awake." Lumapit sya sa akin at binigay sa akin ang anak namin. "Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Ayos lang."
"Dalawang araw kang tulog kaya siguradong gutom na gutom kana. Hintayin mo ako, ikukuha lang kita nang makakain mo." Ngumiti ako saka tumango.
Tinignan ko ang anak ko na natutulog sa bisig ko. Ang gwapo, manang mana sa ama.
Dumilat ang mga mata nang anak ko at agad akung namangha sa nakita.
"Beautiful, right?" Tumango tango naman ako.
Talaga namang maganda ang kulay nang mga mata nang anak namin. Hindi iyon magkatulad dahil sa kanan ay dilaw at sa kaliwa naman ay asul.
Hindi na ako magtataka kung dalawang klasi ang kapangyarihan nya.
"Hey, baby tama na sa kakatitig sa anak natin at kumain ka muna." Biglang salita ni Ren saka itinapat ang kutsarang may lamang pagkain sa bibig ko. Kinain ko naman 'yon nang hindi inilihis ang tingin sa anak namin.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated Into A Ice Princess
De TodoAkira Walter is an orphan because her parents died in a car accident when she was 15 years old. She was adopted by her aunt who did nothing but hurt her. When she turned 18, she escape from her aunt because she couldn't do what she asked her to do a...