Chapter 34

185 6 0
                                    

"Satingin mo, makakaligtas kaya si Lucas?"

"I don't know." Sagot ni Ren. Sana naman ay makaligtas sya.

Nasa taas kami nang palasyo habang nagmamasid kung may mga kalaban bang aataki. Bawat myembro nang mga may matataas na ranggo ay halos wala nang pahinga sa kakaasikaso nang mga dapat gawin...

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at naikuyom ko nalang ang mga kamay ko sa galit na nararamdaman para sa ama ni Ren.

Hindi lang ang kaharian nang apoy ang pinipinsala nya kundi ang lahat nang kaharian. "Ang tahimik nang kapaligiran ngayon ngunit hindi naman ka aya ayang tignan ang buong paligid." Lumingon naman ako sa taong nagsasalita. Hindi ko sya kilala pero sa tingin ko ay siya iyong namumuno sa mga taong manggagamot.

"Who are you?" Biglang salita ni Ren. Yumuko naman ang lalaki bago sumagot. "Hindi kuna sasabihin ang magandang gabi dahil kita nyo naman, walang maganda sa gabi sa ngayon. So by the way ako nga pala si Dr. Luhence Arthur galing sa bayan nang Rose Kingdom." Hmmm... Isa syang Roki, tinignan ko ang mga mata nya na syang nagpakunot nang nuo ko. "Hindi ba nakakakita ang kaliwang mata mo?" Nakapag tataka naman kasi na yung isang mata nya ay kulay pink pero yung isa naman ay puti.

May suot din syang salamin na iwan kung anong tawag don basta sa isang mata lang yon nakalagay tapos parang may maliit din na gintong kadina na nakakabit. Ginagamit nya kaya yon para makakita ang kaliwang mata nya?

"Tama ka binibini, hindi nga nakakakita ang kaliwang mata ko." Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko rin sya pabalik...

Hmmm... May itsura naman sya tapos bumagay pa yung mga mata nya sa kulay puti at mahaba nyang buhok. Hindi sya mukhang babae dahil isang tingin mo palang sa kanya ay mahahalata monatalagang lalaki sya.

"Tsk!" Si Ren, tapos bigla nalang umalis nang walang pasabi.

"Ehh!! Anung nangyari don??" Natawa naman si Luhence. "Sige na binibini at baka bumalik pa ang asawa mo at sunugin ako, mahirap na."

Ehh!! Anong pinagsasabi ni Luhence? Hays! Hindi ko sila maintindihan, iwan ba naman ako dito mag isa....

Nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit nandito si Luhence sa kaharian ng apoy at wala sa kaharian nila, dahil iyon sa mga taong galing pa sa ibang kaharian na dito ipinadala upang ma proteksyunan dahil ang kaharian ng apoy ang may pinakamataas na antas sa pag depensa nang mga kalaban. Si Luhence naman ay... Hmmm... Hindi naman sya kasama sa mga taong inilipat dito upang ma proteksyunan dahil halata naman sa kanya na mahusay din sya sa pakikipag laban  pero dahil isa syang manggagamot ay ipinadala lang sya dito upang tumulong sa mga taong sugatan.

Pumunta ako kung saan nanatili ang mga taong nailikas dito sa kaharian ng apoy. Hindi mona talaga makikita ang kasiyahan nang mga tao dahil ang nakikita ko ngayon ay mga nag iiyakang mga bata, mga taong halos wala nang buhay at ang mga taong ginagawa ang lahat upang tulungan ang mga sugatan.

Lumapit ako sa isang batang babae na walang kasama habang umiiyak. Pinantayan ko ito. "Anong pangalan mo?" Hula ko ay anak ito nang maharlika na galing sa kaharian ng tubig dahil sa markang nasa nuo nya na parang patak nang tubig at ang mata nya naman ay berde, ngunit kakaiba iyon dahil parang may nakahalo duong kulay gray. Hindi sya purong sirena, dahil isa din syang Nariko.

"Nova Arlon po." Napaisip ako, Arlon din ang ina ko tapos may kapatid din syang babae. Dalawa lang naman sila kaya siguro ay anak ito nang tita ko, pero wala namang asawa yon kaya pano naman sya mag kaka anak? "Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ba ang anak ni Norai Arlon?" Tumango naman ito. Batid kung ipinadala sya nang Ina nya dito upang ma protektahan. "Kung ganon, nasaan ang Ama mo" Umiling iling ito sinyales na hindi nya alam o di kaya ay hindi nya kilala.

I Got Reincarnated Into A Ice Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon