A/N: Hello mge bhe, Skip ko nalang yung wedding day nila ni Ren at Akira. Wla kasing akung alam sa mga event nang kasal hahahaha. Deritso ko nalang kung saan buntis na si Akira hahahaha.
________________Anim na buwan na mula nang maikasal ako kay Ren at limang buwan naman akung buntis. Medyo bumabalik narin nang kunti ang lakas ko dahil sa tulong ni Thorn sa akin. Si Nana naman ay laging kasama ni Thorn sa tuwing pupunta sila dito upang tingnan ang kalagayan ko.
Napakadali lang nang panahon, pero wala na akung magagawa, kailangan kung mag buntis para maibalik ang kapangyarihang nawala sa akin at para narin iligtas ang sarili kung buhay.
Nag tanong ako kay Ina kung bakit kailangan ko pang mag kaanak para bumalik ang kapangyarihan ko. Ang sagot nya ay "Dahil ang bata ang mag dadala nang kapangyarihan mo, sa oras na mailuwal muna ang magiging anak mo ay kusang babalik ang kapangyarihan mo. Ganon din ang nangyari sa akin nuon bago ko isinilang ang kambal." (Si kuya Neji at Kuya Kenji).
Kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan na magkakaanak na ako.
Matapos ang kasal namin ni Ren ay dinala nya ako duon sa bahay nya na nasa gitna nang bulkan. Walang pinag bago, maganda parin ang lugar nato, kasama ko parin sina Nika at Niro. Akalain mo yon, naging magkasintahan sila mula nang umalis kami ni Ren dito.
Si Ren naman, ayon nag bago ang ugali. Ang dating masungit naging malalahanin at napaka maalaga din, at mas lumala pa iyon nang malaman nyang buntis ako, kahit ata saan ako pumunta ay lagi syang nakasunod at tudo alalay pa.
"Baby, duon muna kayo sa palasyo." Napalingon ako kay Ren nang magsalita ito. "Bakit, ayos naman dito ahh?"
"Plano kuna kasing bawiin ang kapatid ko. Hindi ko naman pwedeng iwan kayo dito lalo nat alam na ni Lucas na buntis ka, maaaring matuntun nya ang lugar na ito kaya duon muna kayo sa palasyo at saka gusto kanarin makita ni Ina." Napangiti naman ako. Oo nga pala, gusto kuna rin makita si Ina (Ina ni Ren na si Farah Takahashi). Katulad ni Ren ay subrang bait din nya, maalalahanin at subrang ganda pa.
"Sige, gusto kunarin namang bisitahin si Ina." Sagot ko dito. Napapansin kung madalas nang magtatagalog si Ren, di kagaya dati na parang mahirap para sa kanya ang wikang tagalog.
"Take a rest now, baby. Bukas na tayo pupunta duon, ako na din ang bahalang mag ayos nang mga gamit natin." Nakangiting sabi nya saka ako inalalayang humiga tapos ay kinumutan bago humalik sa aking nuo.
"Punta din tayo sa lugar nila Thorn, hindi pa kasi ako nakapunta duon." Gusto ko talagang makapunta kila Thorn eh, madami sigurong mga bulak lak duon.
"Sige pero sa susunod na araw na dahil kailangan mo munang Magpahinga Pagkadating natin sa palasyo." Tumango tango naman ako dito. Yumuko ito sa tiyan ko saka ito hinimas himas at hinalikan. Kinakausap nya rin ito na syang hinayaan kulang.
*****
"Baby, wake up." Napadilat naman ako at nabunggaran ko si Ren na nakangiti sa akin bago humalik sa nuo ko. "Good morning. " Sabi ko dito. Iwan ko kung bakit baby ang tawag nya sa akin...
"Mag ayos kana." Sabi nito saka ako inalalayang makatayo upang pumunta sa banyo. Susunod na sana sya papasok sa banyo pero agad ko syang pinigilan.
"Hep! Dyan kalang." Napanguso naman ito. "Baby, the floor is slippery kaya nag alala ako na baka ay madulas ka." Heh! Palusot nya eh hindi naman madulas.
Pinandilatan ko sya nang mata. "Anong madulas ka dyan. Gusto mulang ata makita ang katawan ko eh." Pagsusungit ko dito na mas lalo nyang ikina nguso nya. Ganito ang ugali ni Ren kapag ako ang kaharap nya pero sa ibang tao, grabi ang sungit nya.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated Into A Ice Princess
RandomAkira Walter is an orphan because her parents died in a car accident when she was 15 years old. She was adopted by her aunt who did nothing but hurt her. When she turned 18, she escape from her aunt because she couldn't do what she asked her to do a...