EPILOGUE

381 4 0
                                    

"Hoyy Ren, gising na!"

"Five minutes pa baby." Aba, may five minutes five minutes pang nalalaman, nakapunta lang sa mundo nang mga tao.

Tumawa ito nang mahina at umupo sa kama bago ako halikan. "Ito na, gigising na."

"Ren, diba malapit nang mag 22 yung si Cassious? Ano nabang balita kay Lucas, di paba yon nagigising? Abay 15 years na ang lumipas."

"Calm down baby, matagal nang gising si Lucas, sadyang mahina pa talaga yung katawan nya, alam mo naman kung anong nangyari don."

"Puntahan natin, naawa na ako kay Cassious eh, labing limang taon na syang nag hihintay sa pagbabalik nang ama nya pero hanggang ngayun wala parin. Hindi naman siguro masama kung magkikita sila sa birthday ni Cassious diba?" Ngumiti si Ren bago guluhin ang buhok ko.

"It's my plan baby pero sinabi muna.... By the way baby, kailangan na tayo don sa kaharian kaya mag ayos kana at nang makapag paalam na tayo sa mga anak natin."

*****

"Kuya, pabili nang Dutch Mill hehehe." Pangungulit ni Hikari kay Raiko.

Nandito kami sa sala, nakaupo.

Tumayo naman bigla si Raiko kaya napasimangot si Hikari. "I'm going to buy it so don't pout there." Napangiti nalang ako sa ka kulitan ni Hikari sa kuya.

"You're 18 and yet you really like Dutch Mill, little miss?"

"Bampás!" Sigaw ni Hikari bago patakbong yumakap sa ama.

Iwan kuba sa batang yon eh nasa bahay lang naman yung ama nya pero kung makayakap sa ama parang isang taong hindi nag kita.

"Xéreis bampá, polloí prospáthisan na me flertároun sto scholeío allá fovóntousan ton aderfó mou."

[You know dad, a lot of people tried to flirt with me at school but they were afraid of my brother]

Ano nanamang kayang pinag sasabi ni Hikari? Ako yung mababaliw sa pinag sasabi ni Hikari eh, buti nalang at hindi sya ganyan mag salita sa paaralan kundi baka mabuli sya.

"mamá." Napatingin naman ako kay Hikari. "Hmmm?"

"Aalis po kayo ni Bampás? Can I come?" Ngumiti ako dito bago sumagot. "Sorry baby, may class kapa kasi kaya hindi muna pwede, pero wag kang mag alala kasi pag balik namin ay makikita muna ang mga lola at lolo mo."

"Talaga mamá?" Huhulaan ko, excited na excited na ito sa pagbabalik namin.

"Pakabait ka."

"Opo."

Yumakap ito sa amin ni Ren. "Balik kayo agad ahh."

"We will. Nasabihan na namin ang kuya mo kanina kaya hindi na namin sya hihintayin, basta magpakabait ka huh.. wag dalas dalasin ang pangungulit sa kuya." Bumungis ngis naman ito sa sinabi ni Ren. "Opo Bampás."


*****

Third person's point of view

"Kuya?!! Asan ka?!" Sigaw nang dalagang si Hikari nang mawala sa paningin ang kuya. Kanina nya pa ito sinundan pero bigla nalang nawala.

"K-kuya asan ka?" Garalgal na boses ni Hikari.

Takot si Hikari sa gabi kaya nanginginig syang palakad lakad habang hinahanap ang kapatid. Takot ding gumamit nang kapangyarihan si Hikari sapagkat hindi nya alam kung paano ito kontrolin.

May nakita si Hikari, limang mga kalalakihan kaya agad syang lumapit don sa pag aakalang nanduon ang kuya nya. "K-kuya?" Lumingon naman ang mga lalaki na syang dahilan nang pag bundol nang kaba nya sapagkat wala duon sa mga lalaki ang kuya nya.

I Got Reincarnated Into A Ice Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon