"R-Ren." Tawag ko sa kanya pero hindi sya sumagot, naka protikta parin ang mga pak pak nya sa amin.
Gumalaw ako nang bahagya upang tignan sya pero parang mawawalan na ata ako nang hininga sa sakit nang dib dib ko nang makita ko si Ren na walang malay, may dugo rin sa labi nito na halos natuyo na at namumutla pa.
"R-Ren!" Tinapik tapik ko ang pisngi nya at nagbabakasakaling idilat nya ang mga mata nya at sasabihing ayos lang sya, pero hindi, hindi nangyaring dumilat sya dahil nanatili syang nakapikit. "Ren gumising ka, pakiusap!"
"Ren, wag naman ganto ohh. Naghihintay pa si Raiko sa atin eh kaya pakiusap gumising ka!" Sunod sunod na tumulo ang luha ko nang hindi man lang gumalaw o dumilat si Ren. "Hindi! Hindi! Hindi maaari! Ren, pakiusap gumising ka! Wag mo naman kaming iwan! Paki usap gumising ka!" Humagol gol na ako sa iyak at nanghihina narin ako.
Ilang minuto lang ay parang mawawalan na ako nang malay pero bigla ko nalang naramdaman na parang may mga batong nagsi salpukan kasabay nuon ang pagkawala nang mga pak pak ni Ren bago sya bumagsak sa tabi ko.
"Ren..." Mahinang banggit ko bago ako nawalan nang malay pero bago yon ay may nakita pa akung dalawang tao na papalapit sa amin.
*****
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang paningin ko pero wala akung makita na kahit sino.
Nang maalala ko ang nangyari ay agad akung tumayo upang hanapin si Ren. Hindi kuna ininda ang sakit sa katawan ko, ang importane ay makita kulang si Ren na maayos ang kalagayan.
Akmang lalabas na ako nang pintuan nang kwartong ito ay may bigla nalang humarang sa akin na isang babae. "Sino ka? Bakit ako nandito? Nasaan ang asawa ko." Kalmado lang syang pumasok sa kwarto at umupo sa kama na kinahihigaan ko kanina. "Kung gusto mong makita ang asawa mo ay bumalik ka dito." Kahit ayaw ko ay sinunud ko nalamang sya.
Wala rin naman akung naramdamang panganib sa prisensya nya. "Sino kaba?" Ngumiti lang ito at sininyasan ako na umupo sa tabi nya na syang ginawa ko naman.
"Sabihin nalang natin na ako ang Ina ni Izai o Hikari Takahashi." Kaya naman pala may pagkahawig sila, pariho nang mga mata pero magkaiba nang kulay ng buhok. Kulay dilaw kasi ang kay Hikari o Izai samantalang sa Ina nya naman ay purong puti lang.
Kung ganon ay nandito pala kami sa lugar nang mga Nariko. "Alam ko ang iniisip mo, at Oo, nandito nga kayo sa lugar namin. At sa mga kaibigan mo naman ay wala kanang dapat ipag alala pa dahil nakabalik na sila sa kaharian nyo." Tumahimik naman ako.
Napakatahimik nang lugar na ito na parang kami lang dalawa ang tao. "Ano ang buong pangalan ni Izai?" Biglang tanong ko. "Hira Izai Nariko. "
Kaygandang pangalan. "Bakit nyo sya pinarusahan?" Umiling iling naman sya at Nagbuntong hininga. "Kahit kailan ay hindi ko magagawang parusahan ang anak ko kahit gaano pa kalaki ang pagkakamali nya. Iniisip nya lang siguro na pinarusahan namin sya pero hindi, ipinadala lang namin sya sa lugar nyo upang maprotiktahan sya." Ma protiktahan? "Abong ibig mung sabihin?"
"Nanganganib na maubos ang angkan namin, inoubos na kami nang mga Shinda ningen. Kaya pakiusap ay alagaan mong mabuti ang anak ko, kung maaari ay wag mong ipaalam ang totoo nyang pangalan at takpan mo rin ang mga mata nya." Naguguluhan naman ako pero tumango parin. "Paanong nangyari na inoubos na kayo nang mga Shinda ningen? Hindi bat kayo ang pinakamalakas sa mundong ito?"
"Hindi na, matagal na panahon na ang lumipas at sa mga nagdaang taon ay palakas ng palakas ang mga Shinda ningen. Mula nang malaman nila na isinilang ko si Izai ay duon na sila nagsimulang lumusob sa amin. Gusto nilang makuha ang anak ko upang gamitin nila sa pagpapalakas pa lalo nila. Si Izai lang kasi ang nagtataglay nang pinakamalakas na kapangyarihan. Sa ngayon ay ito lang ang lugar na ligtas para sa amin dahil ang totoong tirahan namin ay wasak na."
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated Into A Ice Princess
RandomAkira Walter is an orphan because her parents died in a car accident when she was 15 years old. She was adopted by her aunt who did nothing but hurt her. When she turned 18, she escape from her aunt because she couldn't do what she asked her to do a...