"Ren, mag ingat kayo. Dapat ligtas kayong makabalik dito."
"Of course baby, gusto kupang makitang lumaki ang anak natin kaya pangako babalik ako." *Sigh! Hindi talaga mawala sa akin ang pag alala lalo nat sila lang dalawa ni Thorn ang magliligtas sa kapatid nya.
Wala naman akung magawa dahil buntis ako at nanghihina pa, gustuhin kumang tumulong pero hindi pwede. "Nag alala lang naman ako lalo nat kayo lang dalawa ni Thorn."
"Don't worry baby, We have our Guardian with us so we won't have any trouble especially since Lucas isn't there."
"Paano ka naman nakakasigurong wala si Lucas duon?"
"We have a spy there."
"Sino naman iyon?"
"Thorn's clone."
"Hays basta mag ingat kayo." Yumakap naman si Ren sa akin at humalik sa nuo ko. "I promise... Hindi ko alam kung ilang araw bago namin makuha ang kapatid ko kaya matatagalan pa bago kami makabalik."
"Maghihintay ako, basta hindi lang aabot ang tagal kung kailan ako manganganak." Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin saka tumingin sa mga mata ko. "Don't worry, Gusto kung ako ang unang bubuhat sa anak ko so I promise I'll be right back."
"Kailangan na naming umalis baby." Humalik sya sa nuo ko bago bumaling kay Nana. "Nana, ikaw na muna ang bahala sa asawa ko."
"Makaka asa ka."
"Ingat." Sabi ko nalang habang tinitignan ang bulto nang lalaking mahal ko na papalayo na nang papalayo.
"Tara na Akira, pasok na tayo sa luob." Tumango naman ako kay Nana at sumunod sa kanya.
Nasanay na akung laging si Ren ang kasama ko kaya medyo naninibago ako ngayon.
"Sige na Nana, mauna kana muna at pupuntahan kopa si Ina."
"Sigurado ka?"
"Oo." Tumango tango naman ito. "Sige, una na ako sayo." Ngumiti naman ako dito.
Pagkadating ko sa kwarto ni Ina ay agad akung kumatok na syang pinagbuksan naman ni Ina.
Pinapasok nya ako sa kwarto nya at inalalayang maka upo sa kama nya.
"Sana ay magtagumpay si Ren, namimiss kuna si Rika." Rika?
"Ho? Sino po si Rika?" Ngumiti si Ina saka hinaplos haplos ang buhok ko. "Si Rika, ang kambal ni Ren. Hindi ba sinabi ni Ren sayo? Ang batang yon talaga." Rika pala ang pangalan nang kapatid ni Ren, sa tagal na naming magkasama ay hindi parin nabanggit ni Ren ang pangalan nang kapatid nya.
"Nabanggit nya naman po pero hindi nga lang nya nasabi ang pangalan."
"Hmmm... Alam mo bang subrang saya ko nang malaman kung ikakasal na kayo ni Ren. Nakita kung subrang saya nang anak ko na kahit kailan ay di ko nakita." Nangunot naman ang nuo ko sa narinig. "Bakit?"
"Iwan kuba sa anak kung 'yon, parang laging galit at minsan lang ngumiti. Hindi kunga alam kung bakit naging kaibigan nya si Thorn nuon eh ang sungit sungit nya sa iba." Ahuh! Kung alam mo lang Ina na sinungitan din ako ni Ren nung unang tagpo namin samantalang yung mga babae don sa lugar nila Thorn ay nginitian nya=_=
"Oo nga po Ina eh, Medyo natatakot nga po ako nung una naming kita." At naiinis din po... Gusto ko sanang idag dag pero wag na lang baka tanungin pa ako nang bakit, tinatamad pa naman akung mag explain.
"Hahaha, masungit lang yang si Ren pero mabait din naman." Sabagay... "Nagpapasalamat talaga ako sayo dahil Ikaw ang nagpapabago sa ugali nang anak ko."
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated Into A Ice Princess
RandomAkira Walter is an orphan because her parents died in a car accident when she was 15 years old. She was adopted by her aunt who did nothing but hurt her. When she turned 18, she escape from her aunt because she couldn't do what she asked her to do a...