Chapter 18

268 8 1
                                    

Nasa kalagitnaan na kami nang paglalakad nang biglang kumati nanaman ang buntot ko. Wala pa namang malapit na ilog dito.

"Ren, kumakati nanaman." Tumingin naman ito sa buntot ko na ngayon ay tuyong tuyo na.

"Ah! Ren! Subrang kati na!" Naiiyak kung sigaw dahil sa subrang kati. Hindi ko maiintindihan ang kati nito, mahapdi na iwan, parang pinagsamang hapdi at kati.

Dali dali namang lumapit si Nana at Thorn sa amin. "Miss Akira, ayos kalang?" Umiling iling naman ako.

"Y-yung luha mo Akira, nagiging perlas kapag pumapatak."

"You need to return to the water as soon as possible." Tuminging si Ren kay Thorn. "Thorn, is there a river near here?" Umiling iling naman si Thorn, senyalis na walang ilog malapit dito.

"Meron namang ilog, yun nga lang ay masyado iyong malayo kung lalakarin natin." Wala naman siguro akung pag pipiliian kundi tiisin nalang ang kati nang bunot ko, hindi rin naman pwedeng basta basta nalang namin tatawagin ang guardian namin dahil oras nang pagpapahinga nila ngayon. Aabotin pa ata nang dalawang linggo bago sila babalik, kailangan din kasi nang mga Guardian ang pahinga upang hindi maubos ang lakas nila at enerhiya.

"Whose guardian is not resting now?" Si Ren.

"Si Sam, bukas pa ang pahinga ni sam."Mabilis na sagot ni Nana kay Ren.

"Mabuti. Nana, sumakay kayo kay sam at mauna na kayo duon at susunod kami ni Thorn. " Tumango tango naman ito. "Segi, mag ingat kayo."

"You two should be careful. When something bad happens, just send sam to us so we know immediately." Ngumiti ako kay Ren. "Segi basta bilisan nyong makapunta duon."

"Lipad na, sam." si Nana. Lumipad naman ito. Dumungaw ako sa baba at nakita kung nagsimula nang maglakad si Ren at Thorn.

"Nana, paano kaya ako makakabalik sa palasyo  kung laging kumakati ang buntot ko sa tuwing ako ay nalalayo sa tubig." Talaga namang subrang kati. Ang hirap palang maging Serena lalo na kapag nalayo sa tubig.

"Gagawan natin yan nang paraan para naman ay sa tuwing kakati ang buntot mo ay hindi na tayo hahanap Pa nang ilog." Napaisip naman ako sa sinabi ni Nana. Kaya ko kayang kontrolin ang tubig? Pero paano naman kaya gawin 'yon?

*****

"Gaano kaya sila katagal bago dumating dito." Tumingin ako kay Nana na ngayon ay naka upo sa gilid nang ilog habang naka sandig kay Sam.

"Nana!" Tawag ko dito na agad nya namang kinalingon sa akin. "Bakit?"

Magsasalita na sana ako pero agad ding napatigil nang may kumaluskos sa likod ni Nana.

Hindi maganda ang pakiramdam ko dito. "Nana, magtago ka, bilis! Ipadala mo si Sam kina Ren." Madaling utos ko kay Nana. "B-bakit?"

"Wagkanang mag tanung at gawin mo nalang ang inutos ko." Kahit naguguluhan ay tumango tango nalang ito at saka naghahanap nang matataguan. Halatang natatakot si Nana dahil kapansin pansing nanginginig sya.

Paglipad ni Sam ay sya ring paglabas nang mga taong naka itim. Hinding hindi ako maaaring magkakamali, si Lucas iyong nasa unahan nila.

Agad akung nagtago sa ilalim ng tubig nang biglang tumingin si Lucas sa gawi ko. Lagot, sana hindi nya ako nakita.

Dahan dahan akung umahon sa tubig pero agad din akung nagsisi nang isang kamay ang sumalubong sa akin pasakal. Itinaas nya ako hanggang sa hindi kuna maramdaman ang tubig ng ilog.

Pilit kung tinatanggal ang pagkakasakal nya sa akin pero masyado syang malakas. "Ang swerte ko naman ata at nakahuli pa ako nang isda." Batid kung nang aasar lang sya basi narin sa tuno nang pananalita nya.

I Got Reincarnated Into A Ice Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon