"*Hays.. Tara nanga, pinapaiyak mo naman ako." umaakting pa syang nag pahid nang luha kaya natawa nalang ko.
Pag pasok namin sa bahay ay agad naman kaming pumunta sa hapag kainan. Naabutan namin si Niro duon na naghahanda na para sa pagkain namin.
Agad naman akung umupo sa upuan upang kakain na sana pero agad ding napatigil at napatingin kay Nika at Niro dahil nakatayo lang sila sa gilid ko.
"Nika, Niro, bakit pa kayo nakatayo jan, saluhan nyo naman akung kumain dito."
"Pero-" Pinutol kuna ang dapat na sasabihin ni Niro. "Niro, kapag hindi pa kayo uupo dito at kakain ay hindi narin ako kakain." pag babanta ko sa kanila.
"*sigh!.. Segi na Nika, umupo kana para makakain na tayo." Nag buntong hininga pa si Niro bago sya nagsalita tapos sabay silang umupo upang makakain na kami. ....
Nandito ako ngayon sa labas nang bahay habang hawak hawak ang isang puting kalapati. Pinaipit ko sa mga paa nang kalapati ang sulat na aking ginawa para sa pamilya ko saka ito pinalipad.
Binalingan ko nang tingin sila Nika at Niro na nakatayo lang sa likod ko. Aalis na kasi kami ngayon dito sa bayang ito at pupunta sa bayan nang Fire kingdom. Kaya sila nakatayo sa likod ko ay dahil nag hihintay lang sila sakin dahil nga ay nagpadala pa ako nang sulat gamit ang puting kalapati.
"Tarana Nika, Niro." Pag anyaya ko sa kanila na syang tinanguan lang nila.
Si Mizu naman, ayon sumusunod lang sa amin habang naglalakad, hindi na kasi ito maliit dahil kasing laki na talaga sya nang totoong lubo.
Cute parin naman sya pero mas cute kung maliit palang sya, mali mas cute sya kung nag anyong tao sya.
"Aray!" Napahawak ako sa ilong ko at napatingin sa taong nabangga ko.
"Pasinsya na Akira, may matanda kasing dumaan sa harap nang ating dinadaanan." Si Niro pala yung nabangga ko.
"Ayos lang Niro." Hindi talaga ako ayos, ang sakit nang ilong ko. Anong klasing likod bayong likod ni Niro at parang nababali na yung ilong ko sa sakit.
(FAST-FORWARD)
Nandito kami ngayon sa gubat, nag papahinga. Dito kasi kami dumaan dahil nga ay hindi kami sumakay sa mga karwahi papunta sa Fire kingdom at para hindi masyadong malayo ay sa gubat nalang kami dumaan.
Tagaktak ang pawis ko habang nakasandig kay Mizu. Parang Uso na kasi ang laki ni Mizu ngayon kaya sya nalang ang ginawa kung sandigan.
Kung nag tataka kayo kung bakit ang bilis lang lumaki ni Mizu ay dahil iyon sa kaya nyang kontrolin ang paglaki at pag liit nya. Ang pinaka Malaki nyang anyo ay sing laki nang uso samantalang ang pinaka maliit nya namang anyo ay sing laki rin nang pusa..
Nakapikit lang ako habang naka sandig kay Mizu pero agad akung napatayo nang isa isang naglalabasan sa harap namin ang mga taong naka itim.
May mga suot silang lahat na maskarang itim din pero kitang kita parin ang mga mata nilang pulang pula, wala kang makikita kahit isang tuldok lang nang puti sa kanilang mata dahil puro itim iyon at nasa gitna yung pula. Maputi rin ang mga balat nila pero masyado silang nakakatakot.
Agad lumapit si Nika at Niro sa akin at si Mizu naman ay agad pumunta sa harap ko na tila pinuprotiktahan ako. Umaangil ito na tila galit na galit.
Napatingin ako kay Niro nang mag bunot ito nang espada.
"N-Niro." nauutal kung banggit sa panggalan nya.
"Mga Shinda ningen sila, mag ingat kayo, nababasa nila ang mga isip nyo." Aniya ni Niro at hinanda pa ang sarili.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated Into A Ice Princess
DiversosAkira Walter is an orphan because her parents died in a car accident when she was 15 years old. She was adopted by her aunt who did nothing but hurt her. When she turned 18, she escape from her aunt because she couldn't do what she asked her to do a...