GB1

6.3K 90 3
                                    

"Maawa ka, Serefina," panaghoy ng isang babaeng nababalot ng makapal na hamog. Patuloy pa rin ang babae  sa pagtangis at pagmamakaawa nito ngunit isang nakapangingilabot na halakhak ang nagpatigil rito.

Nagpalinga-linga rin ako gaya ng ginagawa ng babaeng binabalot ng hamog. Ngunit tanging naglalakihang mga puno lamang ang aking nakikita.

Lumipas ang ilang sandali ng nakagigimbal na katahimikan at maya't maya ay dalawang bulto ng lalaki ang lumitaw mula sa kawalan at tumayo sa likuran ng babaeng nagmamakaawaBiglang nagdilim ang langit at isang kidlat ang tumama sa isang punongkahoy. Bumuhos ang ulang tila animo'y dugo sa kulay at amoy nito.

Isang pagak na pagtawa ang aking narinig na kaalinsabay ng pagdating ng isang uwak. Ibinuka nito ang sipit nito at mula rito ay isang tinig ang aking naulinigan...

"Magbabayad ang may utang sa pusong sinugatan. Maghanda kayo Alejandro pagkat si Serefina ay muling babangon!"

Pagkaraa'y biglang naglaho ang LAHAT.

It all started with that weird dream. Hindi ko alam why I am having that dream ng paulit-ulit. I seek advise pero wala din eh!

"Aray! Jamie ano ba?!"

Ngisi lang tugon nito. Kasalukuyang magbabakasyon ang buong barkada tungo sa bayan ng Sto. Niño, which is hometown ng kaberks naming si Carmela.

"Carms, matagal pa ba?," reklamo ng pinakabugnutin sa amin na si Sandy.

"Iliko mo sa kaliwa DJ!," Carmela shouted sa driver/bf nya.

Agad namang niliko ni DJ ang van tsaka bumaling sa amin sa likod, "Guys paabot naman ng chips at tubig."

Inabutan naman sya kaagad mahirap na baka pag mainis mapauwi kami ng di oras eh madaling mapikon.

"Sound trip muna tayo!" sigaw ng astiging si Ashton. So yun sound trip muna palakasan pa nga ng birit ang peg kaso nakakabore.

"Carms, magkwento ka naman tungkol sa town nyo. Ang sakit na kasi sa tenga yung boses palaka ni Jamie," balin ko kay Carmela.

Ngumiti sya bago pinatay ang stereo sa bwisit ng nakararami.

"Hey, bakit nyo pinatay ang stereo?"

"Curious ba kayo sa pupuntahan natin?"

"Oo," sabay-sabay naming sagot.

"Okay, nakikita nyo ba yung school sa harap?" tanong at turo ni Carmela sa isang public school. Medyo may kalumaan na ito base sa mga old buildings na nasa compound nito. Tumango kaming lahat bago ipinukol ang tingin sa taga-rito.

"So what's the catch?" taas kilay na tanong ni Sandy.

Tumikhim muna si Carmela bago nagkwento, "Taong 1937 ng itatag ang Sto. Niño Integral High School. Ayun sa mga matatanda, naging kuta raw ito ng mga Hapon noong world war two. Marami raw ang napaslang within those walls kaya marami ang mga galang kaluluwa dyan."

"Creepy!" maarteng saad ni Sandy habang yakap ang sarili.

"Anyway, di mo naman dapat sila katakutan eh. You should symphathize with them lalung-lalo na kina Alejandro at Serefina."

"Bakit? Anong sinapit nila?" I asks kasi parang familiar sa akin ang mga pangalang nabanggit.

"Well, sabi nila lola Nena, my great grandmother, si Alejandro at Serefina raw ay magsing-irog at nabibilang sa alta sociedad. Matalik kasi na magkaibigan sina lolo Fidel, asawa ni lola Nena ko, at Alejandro kaya alam nya ang sinapit nang dalawa. Wala naman daw ang may tutol sa pagmamahalan nila pero nagulat na lang ang lahat sa pagsapit mismo ng pag-iisang dibdib nila ay biglang naglaho si Serefina na parang bula. Sinuyod ng buong bayan ang lahat na pwede nilang mapaghanapan pero wala silang makita kahit man lang anino nya.

"Umuwi raw ng gabing yaon si lolo Fidel sa kanila na hapung-hapo sa paghahanap sa dalaga. Binangungot daw sya at para bagang wari ay nasaksihan nya ang isang krimen pero malabo raw ang mga anyo ng biktima. Pero ang napansin nya nakapangkasal ang lahat ng mga nasa paligid."

"So? Eh wala namang nakakatatakot sa kwento mo Carmela. Very cliché pa nga," sumbat ni Jamie. Inirapan naman sya ni Carmela bago ipinagpatuloy ang kwento.

"Jamie manahimik ka nga! Kitam na may nagkwekwento eh! So guys, ito ang catch, according to lolo Fidel, blurred man daw yung biktima, pero yung place hindi. So kinaumagahan dali-dali syang nagpunta kina Alejandro at Serefina upang isalaysay yung bangungot nya kasi malakas ang kutob nyang si Serefina yung isa sa biktima."

"Ah, sa school yung place na nakita ng lolo Fidel mo sa nightmare nya," realization finally hits Ashton. May pagka-slow kasi.

We all shoot him the unbelievable face. Kahit kelan talaga!

"Hey, hon, saan ba ang bahay nyo?" baling ni Daniel sa amin.

"Yung bahay na katabi ng isang lumang bahay dyan sa may dulo ng lilikuan natin," Carmela instructed.

Agad namang napukaw ang pansin ng bawat isa kasi napakahomey ng atmosphere sa Sto Niño. Pinagmasdan ko na lang ang dinaraanan namin. Maraming kabahayan at mga kahoy na makikita sa daan. Ang mga tao naman ay abala sa pagbibilad ng kanilang ani. Nakakarelax ang view ng biglang mahagip ng tingin ko ang isang puno ng acacia sa di kalayuan. Medyo may katandaan na ito pero hindi ito ang nakatawag sa aking pansin kundi ang tila lalaking nakadamit pankasal. Namamalik-mata yata ako! I blinked to see kung Tama ba ang nasaksihan ko but the image just goes away and it gives me the shivers nang biglang, "Hoy!"

"Ay talangka!" nasambit ko sa pagkabigla, "walang gulatan naman oh!"

"Andito na tayo Rhei. Ang ganda pala ng face mo pag gulat," sabay tawa ni Daniel.

"Sige mangantyaw ka pa Dan," bago ako nagwalk-out tungo kina Carmela.

The Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon