GB18

965 29 0
                                    

Isang naiibang ritwal ang isinasagawa nila Fidel nang mga oras na yaon. Pinaligiran nila ng circle of lighted white candles ang pentagram made out of salt na kung saan nasa mismong loob ng pentagon ang glass coffin.

The group ties a red rope around the four pillars found in the room. Ayon sa matanda, talagang pinasadya ang room na ito upang ilagak at itago ang lalaking nakahimlay sa kabaong salamin.

Pumaloob silang lahat sa pentagon at tangan nilang lahat ay tig-iisang puting kandila at rosaryo. Alerto ang bawat isa, lahat nakikiramdam sa kanilang paligid. Nasa bandang ulo ng lalaki sa kabaong si Don Fidel, inilalapag nya ang isang Holy Bible sa bandang dibdib ng lalaki bago nya tinusok ang kanang hintuturo hanggang sa dumugo ito at pinatakan ng tatlong beses ang aklat ng mga salita ng Panginoong Diyos. Matapos gawin ito ay umusal sya ng isang panalangin.

"Pater omnipotens sit nobis, et nos et ex nobis cura, auxilium vincere super nos mala, quae diu in hac civitate. Omnia nos peto est per unicum Filium tuum. Amen."

Pagdaka ay nangamatay ang mga sulong tumatanglaw sa buong kwarto at ang tanging liwanag ay nanggagaling na lamang sa mga kandila. Everyone became more alert than usual. Pinatalas nila ang kanilang mga pakiramdam sa anumang mangyayari habang si Don Fidel ay umuusal muli ng tatlong beses ng isang Wiccan Chant.

"Iz tela u telo, nasê dusê da teku jedni drugima tela. Nasê dusê idemo zauvek gledaçu da tako i bude."

Yumanig ang lupa pagkaraan usalin ni Fidel ang Wiccan chant at kasabay ng lindol ang malakas na pag-ihip ng hangin sa nakakubong na silid. Panay ang tagaktak ng malalamig na pawis sa mga noo ng mga magkakaibigan hanggang sa muling lumindol at nangabitak ang mga sahig sa labas ng pulang lubid at mula sa mga bitak ng lupa ay lumabas ang nakangingilong amoy ng asupre at usok ngunit, di ito makapasok sa pulang lubid.

The sulfuric smoke circles the enclosure guarded by the red ropes but to no avail. The smoke only succeeded in showing the invisible shield encasing the mortals. The haze remains there but then it disappears only to be replaced by demonic entities.

Tikbalang, kapre, tiyanak, sigbin, at samu't saring mga halimaw ang nagsilabasan. Their eyes are blazingly red. Umaapoy ang bawat titig nila sa magkakaibigan. They, the monsters, circles the Wiccan enclosure and then they attacked...

Amidst the frantic chaos brought by these entities, ay buo ang loob ng mga kabataan. Buo ang tiwala nila na mananaig ang tama laban sa mali; liwanag kontra dilim; katotohanan sa kasinungalingan...

Bawat isa sa mga kampon ng dilim ay katumbas ng mga kinatatakutan nila. Lahat ay mga paalala ng kanilang mga kahinaan, mga tanda ng karupukan ng mga mortal...

Serefina

1941

Linukob ng mga sakang ang buong bansa. Napuno ng takot ang bawat puso ng mga mamamayan. Hindi mapakali ang mga mahihirap, ngunit kaming nabibilang sa alta-sociedad, ay tila isang malaking biro lamang ang namumuong digmaan sa pagitan ng Imperyong Hapon at Estados Unidos.

Panay pa rin ang pag-inog ng mundo. Patuloy pa rin ang mga mayayaman sa walang pakundangang pagsasaya sa mga idinaraos na piging, at iba pang mga salu-salo...

Naaalala ko pa kung kelan ko sya nakita at nakilala. Disyembre 31, 1940 nang magsimulang pumintig ng ganito ang aking dibdib. Sa pagkaka-alala ko ay dumalo ako sa isang piging ng mga Palomo upang salubungin ang bagong taon.

Nagkatabi kami sa hapag-kainan noon at medyo nahihiya pa akong kausapian o kibuin ang makisig na lalaki sa aking tabi hanggang ipakilala sya sa akin ni Fidel, isang kalaro noong paslit pa ako.

"Hindi ba kayo magkikibuan?" sarkastikong tanong nito.

Pinandilatan lamang sya ng aking katabi samantalang ako ay namumula sa di malamang dahilan. Kapagdaka ay biglang tumawa si Fidel bago muling nagwika, " Ay tunay ngang mga tao kayong galing sa bundok pagkat di kayo maalam sa pakikisalamuha!"

"FIDEL!" saway ko rito ngunit tumawa lamang ang indio de bobong ito na anaki'y nasisiyahan.

"Fidel," panimula ng lalaking aking katabi,"dapat mong igalang ang binibini pagkat yan ang sa ati'y turo ng mga maestro sa unibersidad!"

Napatingin ako sa kanya ng di oras pagkat ako'y nagitla sa kanyang tinuran. Aba, kilala nya ang malikot na si Fidel! Napansin din nya ang aking pagtitig kaya, lumingon sya sa akin at ngumiti...

Tumigil tila ang aking puso sa pagtibok nang sandaling yaon. Di ko mawari ang nangyayari sa akin...

"...ikinagagalak kitang makilala, mahal na binibini," sabay lahad ng kamay sa akin.

Tinitigan ko ng matagal ang nakalahad nyang palad bago ko mapagtanto na nakikipagkilala na pala sya sa akin. Agad kong tinanggap ang pakikipag-kamay nya at nagpakilala na rin.

Simula noon ay mas lalo akong naguluhan. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman pagkat sa tuwing naririyan sya sa malapit ay tila buo na ang aking araw, kung sakaling di ko sya makita ay nalulungkot ako, at sa tuwing nababanggit ang ngalan nya ay napapangiti ako na lamang ng gayon...



The Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon