GB14

1.1K 29 0
                                    

"Alejandro!?" may himig ng pag-aalangan ang boses ni Serefina nang kanyang mamasdan ang lalaki.

Hindi umimik ang lalaki ngunit mataman nyang tinignan ang dating iniibig. Tuluyan nang nagbago ang babae, mula sa maamo nitong mukha ay nagkaroon na ito ng lamat. There is a streak of wildness on her, and the eyes that once bespoke of adoration are now filled of unplaced anger.

"Alejandro," pag-uulit ni Serefina, "nagbalik ka," mahina nyang pagkakasambit.

"Hindi ako nagbalik dahil iniibig kita, naririto ako upang tapusin na ang kahibangan mo!"

Napatigil si Serefina sa anumang sasabihin nya and a brevy of emotions flitted across her face ngunit sa bandang huli, galit ang nanaig. Umusal sya nang dasal bago muling itinuon ang tingin kay Alejandro ngunit walang nagyari sa huli.

"Kung, inaakala mong mas makapangyarihan ka, ay mali ang iyong husga pagkat mayroon pang mas malakas na kapangyarihan kaysa sa itim mong mahika," malumanay na saad ni Alejandro, "tama na Fina, itigil mo na ang galit na iyong nararamdaman dahil walang patutunguhan ang lahat nang ito."

Humalakhak ng pagak si Serefina, " Lahat ay may patutunguhan Alejandro! Hindi ko hahayaang lumigaya ka sa piling ng iba pagkat nais ko ring maranasan mo ang sakit!"

"Hindi ba sapat na kabayaran ang paghihiwalay ng aking kaluluwa sa aking katawang-lupa? Hindi pa ba sapat na pati mga inosenteng nilalang ay dinadamay mo sa iyong galit? Si Fidel, si Gustavo, si Rhei?! Ano na Fina?!"

"Oo hindi sapat! Dahil lahat sila ay naging kasangkapan sa palasigmuan ng ating pagwawalay! Naging matamlay ka simula nang dumating ang babaeng haliparot at ang digmaan! Sa tuwing nakikita mo sya, iba ang ningning ng iyong mga mata!"

"Kailanman ay ikaw lang, Fina. Hindi tumamlay ang pag-ibig ko! Oo inaamin kong tumingin ako sa iba pero ikaw lang ang minahal ko nang ganito! At isa pa, Fina, hindi sya haliparot gaya ng iniisip mo. Pero masakit malamang niloko mo ako ng paulit-ulit. Gayuma at Gustavo, Serefina."

Hindi na muling sumagot si Serefina bagkus ay sinimulan na nya ang paghihiganti.

............

Nag-iba ang paligid. Nawala ang mga sasakyan at napalitan ang mga ito ng magagarang karwahe. Pati ang bihis ng bahay ay nag-iba, naging mas makaluma pa ito at ang higit na nakababahala ay nawala ang mga panauhing nangagsidalo sa kasiyahang inilatag ni Gov. Menandro. Tanging grupo nila G. Artemio ang natira sa loob ng mansyon.

Magkakahawak kamay ang bawat isa habang umuusal ng panibagong orasyon ang matanda. Lahat sila ay nangangatog na sa takot ngunit, alang-ala para sa kaibigan ay ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya.

Samantala, panay ang birada ni Serefina ng orasyon habang sina Alejandro at Rhei ay tumatakbo sa kasukalang pinagdalhan sa kanila ng mangkukulam.

Matalahib at matinik ang kanilang dinaraanan ngunit tila gamay na gamay ni Alejandro ang kanilang kinaroroonan dahil sa huli ay narating nila ang bukana only for Rhei to finally realize that they have travelled in time.

There is a lot of traffic that meets them upon exiting the grassland. Baku-bako ang daan, maraming karatelang punum-puno ng samu't-saring ani ang kanilang nakakasalubong. Halos lahat ng taong naglalakad ay nakagayak ng baro't saya at camisa de chino but no one paid them any heed.

Lakad at takbo ang ginawa nila Alejandro. Ginagabayan nya ang dalaga dahil ang panahong kanilang nilalakbayan ay kabisado nya. It is during the war era wherein the nightmare begins. Pawa silang nakikiramdam dahil di nila tiyak ang ginagawa ni Serefina.

Patuloy pa rin sila sa pagtakbo hanggang sa marating nila ang kabisera ng bayan. Maraming tao ang panaog at parito sa isang malaking bahay malapit sa plaza. Magagara ang damit ng mga ito at lubhang may masayang okasyon silang idinaraos sa mansyong yaon.

Biglang tumigil si Alejandro, at kunut-noong iginala ang paningin bago nagwika, "Isang alaala. Ibinalik nya tayo sa nakaraan gaya ng kanyang pagkakaalala sa nagdaang panahon. Halika na binibini, pumanaog tayo sa mansyong yaon," sabay yakag nya kay Rhei tungo sa nakitang mansyon kanina.

Madaling nakakubli ang dalawa sa madla ngunit, unbeknownst to them ay may nakamasid na mga mata sa kanila plus, lips that slowly curves to an evil grin. They have step into her best laid trap.

Pagkatapak pa lamang nila sa tarangkahan ng mansyon ay agad na napahinto si Rhei coz she does not like the atmosphere of this house. Napahinto rin si Alejandro ng mapansing di sumusunod ang kasama, "May problema ba?"

"W-wala naman, ngunit ayaw ko ang pakiramdam ko sa bahay na ito like it bodes evil and doom," may pag-aalalang paliwanag ni Rhei.

Kunut-noong tumugon si Alejandro, "Di man kita maintindihan ng gayon ay sang-ayon akong may kakaiba, at di nga magluluwat na ang tunay na plano ni Fina ay ating malalaman. Kung magkagayon, umasa tayong magwawakas rin ang kanyang kahibangan."

Tumango na lamang sya sa lalaki bilang tanda ng kanyang pagsang-ayon, at muling niyakag sya ni Alejandro tungo sa bulwagang kinaroroonan ng kasiyahang nakapanlulumo.

The Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon