Hangal. Lahat ng kalabisan ay kahangalan. Di ko mawari ngunit there's a part of me that keeps on tugging at my subconscious bakit ko ba nakikita silang dalawa madalas sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata? Ano ba ang ibig sabihin ng panaginip na ito? I don't know and I want this insanity to stop!
"Huwag kang bibitiw," tahimik na saad ni Alejandro while holding my hands, " matatapos ang gabing ito na tayo ang nagwagi," he further reassured me.
Napatingala ako sa kanya at tigib ng mapusok na damdamin ang mga titig nyang pinupukol sa akin.
"Mahal kita," from out of the blue ay nasabi ko ang katagang iyon, and it took us both by surprise. Nagulat kaming pareho, pawang pinamulahan ng mukha, and then bigla nya na lamang akong siniil ng halik.
"Está Escrito," biglang saad ni Fidel sa aming tabi, napatigil kami ni Alejandro at nilingon sya.
Kalmadong nakatitig si Fidel sa usok na gumagapang tungo sa amin. Walang bahid ng kahit anong pangamba o takot man ang mababakas sa kanyang kaanyuan.
"Está escrito," pag-uulit nyang muli, "it is written," tahimik at kalmado nyang pagpapatuloy, "matagal nang naisulat ang katapusan mo Serefina. Matagal na," at pagkatapos sabihin ang mga katagang ito ay tuluyan nang nilamon ng makapal na usok si Fidel.
Slowmo lahat. Ang pag-abot ni Alejandro ng kanyang kamay sa kaibigan. Ang pagngiti ni Fidel bago sya lamunin ng kadiliman. Ang pagsigaw ni Alejandro sa pangalan ng kaibigan...
"FIDEEEL!" nagpupumilit pa ring abutin ang bff nya pero tila huli na ang lahat, at tuluyan na ngang humagulgol na anaki batang paslit si Alejandro.
I tried to calm him; to comfort him pero di ako nagtagumpay. Masakit nga naman ang mahiwalay sa isang taong kakikita mo palang after years of seperation and sa isang iglap ay mawawala ito ng ganoon na lamang.
"Masaya ka ba, Consuelo?" may himig panunuyang sambit ni Serefina.
I know it is her kahit tila hangin lamang na bumubulong ang narinig ko.
"Masdan mo silang lahat, Consuelo, masdan mo kung paano lamunin ng kani-kanilang bangungot ang iyong mga kaibigan," at humalakhak na parang sira si Serefina.
Napalinga ako sa aking paligid. Lahat ng mga kaibigan ko ay unti-unti na ngang nilalamon ng black mist! Ayaw ko silang biguin. I have to fight back! Hindi ako bibitiw kahit ikamatay ko pa, basta masagip ko lamang kayo sa bangungot na kinasasadlakan!
Napalingon ako kay Alejandro, nakaluhod sa sahig habang umiiyak na tila wala nang bukas, naaawa ako sa kanya at kalakip ng awa ay pagkamuhi sa bruhang sumira ng lahat-lahat. I felt pity for him and so instinctly niyakap ko sya because I want him to stop crying, to assure him that everything will be alright. If only true love can defeat her...
...then the mist engulfs us both...
ooO0Ooo
"O mirror of the Earth Goddess," isang pamilyar na boses ng babae, "Teach us about our power and make men understand us. Rising, gleaming, waning, and reviving in the heavens, you show us the cycle of the seed and the fruit."
Napamulagat ako. I fluttered my eyes open only to have darkness meet me. Kumurap akong muli para maka-adjust sa dilim ang mga mata ko and as I try to get up sa pagkakasalampak ko sa sahig ay naaaninag ko ang isang babaeng naka-Maria Clara na nakatayo sa may azotea. She has stretched her arms towards the dark sky at matagal sya sa ganoong posisyon.
I am silently observing her sa kinaroroonan kong silid at di nga naglaon ay pumihit ito sa aking direksyon.
Lumakad sya palapit sa akin but stopped only a mere metre away from me and then she let out a sigh.
"Buti at gising ka na, Consuelo," wika ng babae pagkatapos ay tumalikod sya sa akin at humarap sa may azotea kung saan aninag ko ang liwanag na bigay ng buwan.
"Sino ka? Bakit ako naririto?" tanong ko sa kanya.
"Ako ay ikaw," the woman mysteriously said.
"Ha? I can't understand you," maang kong tanong.
"Hindi mo maiintindihan ngunit balang araw matatanggap mo rin. Malapit na ang umaga. Nalalapit na rin ang tagumpay ni Serefina ngunit kakayanin mo bang harapin sya ng mag-isa?" balik tanong nya sa akin.
Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko, sina Alejandro at Fidel, "Kakayanin ko," pinal kong sagot.
"Kung ganoon, dapat mong malamang mauulit muli ang lahat ngunit nasa sa iyo kung paano mo babaguhin ang kinabukasan," she and her mysteriousness again, "mahirap syang kalaban. Ang baligtad na krus ay simbolo ng kanyang sinasamba ngunit ito rin ang magpapatigil sa lahat ngunit maaaring mali ako," she sighs again, "maaaring wagas na pag-ibig ang kikitil sa kahibangang ito o dili kaya ay mas lalo lamang sumidhi ang poot na nararamdaman."
"That's it! Walang kabuluhan ang mga pinagsasabi mo. Kahit ano gagawin ko masagip ko lamang sila!" I said in frustration, as well as desperation.
"Sigurado ka? Kahit mamatay ka?" may halong panunuya nyang tanong and immediately alam kong si Serefina ang kausap ko all this time.
Humarap sya sa akin at ngumisi ng nakaloloko. I fell again on her trap...
BINABASA MO ANG
The Bride
Mystery / Thriller"Aanhin ang isang pagmamahal na di pa napapanahon? Ang paghihintay ay nakakabagot ngunit papaano tatakasan ang wakas?" "Will time tick back for this kind of love to happen?"