Unti-unting tumatakbo ang oras hanggan sa ihayag na ng matandang orasan ang hudyat ng pag-uumuga, ng isang panibagong araw at pag-asa ngunit masaklap ang nagdaang gabi. Masyadong masalimuot at mahirap ipaliwanag ngunit kahit sa huling sandali ay walang bumitiw...
Sabi nga ng mga matatanda, kahit anong mangyari ay huwag kang makipaglaro sa Diablo dahil tuso ito. Hindi ito tumutupad sa anumang napag-usapan bagkus ay gagawa at gagawa ang Diablo ng paraan na maski ikaw ay mapasama upang makuha nito ang kaluluwa mo tungo sa kanyang kaharian. Gaya ni Aling Lucilla at ng anak nyang si Crisanto, mapapahamak ka kung hindi buo ang pananalig at pananampalataya mo sa Ama.
Malapit na ngang mag-umaga. Alas-onse y media na ng gabi ngunit tila walang katapusan ang bangungot na kinasasadlakan nila Rhei.
Muling pumailanlang ang nakasusukang amoy ng asupre at binalutan muli ng makapal at itim na usok ang buong silid. Everyone within the protective zone are alert. Bawat isa sa kanila ay nakikiramdam. Alerto sa bawat segundong lumilipas hanggang sa...
Yumanig ang lupang tinutuntungan nila at biglang nabitak ang isang parte ng sahig malapit sa may entrada at kasabay nito ang isang makapanindig balahibong halakhak na animo'y galing sa hukay.
Unti-unting naglaho ang makapal na usok ngunit, mas lalong humalimuyak ang amoy ng asupre sa silid at napadako ang tingin ng lahat sa may entrada ng silid, at tumambad sa kanilang paningin ang isang nakagigimbal na nilalang...
Isang bulto ng malaking tao na naka-hood ng telang itim at sa laylayan at manggas ng kanyang grim-reaper cloak ay mga mumunting apoy na sumasayaw sa musikang sila lang ang nakaririnig. Malamig ang presensya nito at mas lalo lamang nangangamba ang mga mortal.
Napangiti ng lihim si Serefina ng sinagot ng Diablo ang kanyang hiling. Panigurado na ang tagumpay nya! Mawawala na ang Consuelong kinaiinisan niya at mapapasakanyang muli ang irog na si Alejandro.
tiktaktiktaktiktaktiktaktiktak...
Patuloy pa rin ang orasan sa pagtakbo ngunit tila bumagal ang mga sandali. Ang nakayukyok na Diablo'y biglang nag-angat ng ulo at dahan-dahang tinanggal ang hood nya and then, the strings broke...
Sandy
Ibinaba ng lalaking nakahood ang kanyang hood at nagitla ako sa nakikita! Hindi, nasa mental sya! I'm pretty positive dahil bago ako jumoin kina Carmela eh dinalaw ko pa sya! Napakurap ako, nagbabakasakaling malik-mata lang ang lahat!
Tita Bing! Hindi ko magets?! When that entity took his hood off, si Tita Bing ang nakikita ko. She is more deranged right now pero yung eyes nya, mababakas pa rin ang tindi ng galit nya sa akin. Napapikit akong muli but when I opened them again, nandito pa rin si tita---nakangisi habang puno ng galit ang mga mata nya but her image flickers at n-n-naging sila ate Andrea!!!
"Bakit mo kami hinayaan,Sandy? Sama ka na sa amin, pamangkin," si tito yun! Alam kong boses ni tito yun pero he is dead...matagal na...it can't be!!!
"Halika na Sandy, masaya doon sa amin, maraming hardin at mga hayop. It is a paradise there, come," boses babae naman pero...
"Tama na!" di ko mapigilang sumigaw kasi I don't like the voices I hear, "Tama na please, tita and tito, please leave me alone!!!" pagmamakaawa ko pero ramdam ko ang matang nakatitig sa akin...
"Inutil! Inutil! Inutil! Kahit kailan ay bobita palibhasa putok ka sa buho!"
"Tita, tama na po!" muli kong pagmamakaawa, "tama na po," at muli akong humagulgol pero patuloy pa rin silang lahat sa pagsasalita and I can't stand it! I wanna flee from them---
PLAK
Napahinto ako sa aking pwesto at nang lingunin ko sila Don Fidel, ay nilalamon na sila ng makapal at itim na usok. OMG, anong nangyari?
BINABASA MO ANG
The Bride
Mystery / Thriller"Aanhin ang isang pagmamahal na di pa napapanahon? Ang paghihintay ay nakakabagot ngunit papaano tatakasan ang wakas?" "Will time tick back for this kind of love to happen?"