GB8

1.5K 41 0
                                    

Ang araw na ito ay kakaiba in a sense na napakabusy ng lahat sa pagpaplano at pag-aayos ng bahay dahil two days na lang bago ang event na idaraos sa house ni Gov. Menandro. Halos lahat ata ng mga influential people are gonna be there to attend.

Napagkasunduan na rin namin ang theme ng party and currently, narito ako sa library ng museo na binisita namin days ago. Kasama ko si Sandy in researching para mas maging authentic ang feel ng salu-salo habang sila Carmela at Jamie naghahaluglog sa attic ng ancestral house nila na maaaring magamit sa party. The boys are the ones doing the marketing kasama nila si Manang Fely kaya di problema na mawawala ang dalawa.

"Hey, Rhei, may isusuot ka na ba?" tanong ni Sandy habang nagbabasa ng news clippings.

"Wala pa, eh ikaw?" balik tanong ko sa kanya.

"Can't decide eh! What do you think, should I wear a 30s look or a traditional Filipiñana?"

"Dunno," pagkikibit-balikat ko, "can't decide rin eh but we are in for the authenticity of the event, you can wear any of the two looks dahil medyo nagtatransitionalize pa naman noon ang bansa."

"In that case, I'll go for '30s!" she said enthusiastically, "eh ikaw?"

"Bahala na! Inihabilin ko na kay bestie yung isusuot ko dahil medyo mahina ako sa fashion department," pangangatwiran ko.

Silence ensued and we both become so absorb in our readings that we forgot each other exists hanggang sa tinawag ako ni Sandy.

"Bakit, San, is there anything?"

"Yeah, look at this handwritten letter that dates a month before yung wedding date nung dalawa. Read it and then tell me what you can infer. Bibili lang ako ng makakain dyan sa kantina sa malapit."

Agad umalis si Sandy after that kaya naman binasa kong maigi ang mga nasasaad sa liham:

Marso 24, 1938

G. Fidel ng Sto. Niño,

Isang magandang araw ho sa inyo! Namataan ko nga! Totoo ang sinabi ni Bb. Pacing!

Kung sakaling malaman nya na alam ko na, ay ano ang nararapat kong gawin? Tatalikdan ko ba sya, o magbubulag-bulagan na lamang?

Ngunit ako'y nagtataka na kaya nya palang gawin yaon! Akala ko ay sapat na ang lahat ngunit, mali pala ako gaya noon dati. Huwag mo nawang sisihin ang inyong sarili dahil wala kayong kasalanan sa mga manyayari man sa hinaharap.

Kung sakali man ako'y biglang maglaho ay huwag na kayong mag-abala pang hanapin ako pagkat maaaring nagsapa-Maynila na ako.

Pinag-isipan ko lahat-lahat sa buong magdamag ngunit di ko pa rin lubusang matanggap ang pagtataksil na kanyang ginawa! Ngunit huwag kang mag-alala mahal ko sya at di rin maaatim ng aking loob na saktan sya.

Fidel, kaibigan, isang pabor ang aking hiling, nawa ay ipaabot mo ang kalakip na liham sa aking irog. Umaasa ako kaibigan!

Alejandro

Huh? Anong kakaiba rito? So what kung nanloko yung isa tapos yung lalaki balak na maglayas? Wala namang bago sa modus na ito! Hay, Sandy!

Bumalik rin naman agad si Sandy at may dalang pagkain. Nagbreak kami muna panandali at nagkwentuhan dahil stress naman ang bakasyong ito!

"Uso na pala noon ang magkalabuan," paninimula ni Sandy.

"Hopeless romantic ka talaga!" puna ko sa kanya, "eh kahit anong century at taon pa man yan, di mawawala ang mga love problems, kaya nothing new na dyan!"

"Seriously, are you naniniwala sa mumu ni Serefina?"

"Ba't mo naitanong? Takot ka?" pang-aasar ko.

"Its not like that," tanggi nya, "you see, when I'm buying foods, the ale there in the store eh nagkwento ng topic na yan," may kaartehan nyang explanation.

"So ano ang catch?" taas kilay kong tanong.

"Ganito raw kasi, knows mo naman na mayaman silang dalawa right?"

"Oo, why?"

"Vinideo ko si ateng! Tamad na me magkwento so watch na lang. I'm gonna bluetooth it to your phone, ok?"

Bumalik na rin kami sa library and continued our works hanggang sa gumabi na. We pack our things and immediately headed home pero may kalayuan ang sakayan at malabong masundo pa kami kasi medyo may kalayuan yung bahay ni Gov.

Yes, there is another way para marating yung house kaya nga laking inis ni Dan kasi di sinabi ni Carmie. Nakakatawa nga at may pagkapilya pa rin si bestie even if malapit na syang ikasal kay Dan next year!

Anyways, ang creepy ngayong gabi at heto nga at kay higpit yumakap ni Sandy. New moon kaya madilim ang paligid at tanging streetlights ang nagsisilbing tanglaw namin. Lumingon ako sa museum only to find it full of merry goers! Kinusot ko ang paningin ko dahil baka namalik-mata lang ako, and mukhang I am right, malik-mata lang.

Yung daan papunta sa sakayan eh napapaligiran ng bukid at malalaking puno. Nakakabingi rin ang katahimikan ng gabi dahil aside from natural noises, wala na kaming ibang marinig. Si Sandy, nangangatog na sa takot dahil likas na syang matatakutin ever since.

At last, two streetlights away na lang para marating na namin ang sakayan when suddenly isang classic car ang biglang humagibis ng takbo sa aming direksyon, napagilid kami ni Sandy at medyo ninerbyos ako na baka mahit and run kaming dalawa. Sinundan namin ng tingin ang sinaunang kotse, only to vanish right in front of our eyes!

Takbo, tili ang ginawa namin ni Sandy hanggang sa marating namin ang waiting shed. It is already 7:15 ng gabi at wala nang sasakyan ang dumaraan dahil kaninang alas cuatro pa umuwi yung mga staffs sa museum including yung ale sa canteen na nakausap ni Sandy kanina kaya kami na lang talagang dalawa ang naririto.

"Rhei, I wanna go home!" Sandy whines, halatang takot na sya.

"Hey, Sandy pahiram ng phone, deadbat na ako. Magpapasundo na lang tayo dahil wala na atang bumibyahe ng ganitong oras," I suggested.

I tried texting them pero walang signal! Ano ba yan! Kung minamalas naman oh!

Ibibigay ko na sana kay Sandy yung phone nya pero bigla syang nawala sa tabi ko. Saan kaya nagsuot yon? Matatakutin pa man din ang gaga!

Biglang dumilim! Nagpatay sindi ang mga streetlights at sumabay ang malamig at malakas na hangin. Niyakap ko ang sarili ko at nagpalinga-linga. I'm freaking out already hanggang biglang nagdilim muli ang kapaligiran!

Nang iminulat ko ang aking mga mata, ay isang lalaki ang nakangiting tumutunghay sa akin. He looks familiar parang nakita ko na sya but I can't remember.

Patuloy pa rin sya sa pagngiti kaya tiningnan ko muna ang paligid ko to make sure na ako nga ang nginingitian nya. Walang ibang tao kundi kami lang kaya I smiled back and it seems na naging happy sya coz I smiled at him.

"Magandang umaga, marikit na binibini," inilahad nya ang kanyang kamay, "ako nga pala si Alejandro Miguel Lazo y Ibarra ngunit tawagin mo na lamang akong Alejandro. Ikaw, binibini, ano ang ngalan mo?"

I took his offered hand before answering, " Serefina."

SEREFINA?!

The Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon