GB17

1K 31 0
                                    

Birada ng kapangyarihan. Iyon lamang ang tanging makapaglalarawan sa pakikipagtunggali nina Alejandro at Serefina sa isa't isa.

Matapos ang alaalang nasaksihan ay nag-ibang muli ang aming paligid. Right now, madawag na parang na may panaka-nakang mayayabong na acacia ang naroroon. Natakot ako nang mga sandaling yaon kaya wala sa sariling, napayakap ako kay Papa A, shortened version ng Alejandro kasi masyadong mahaba name nya, pero back to the present, napatingin sya agad sa akin at tila nagitla sa aking ginawa.

Kumalas din ako agad sa pagkakayakap at agad na itinuon ang tingin sa paligid but from the corner of my eyes, I saw him smile while shaking his head in astonishment? disbelief? Ewan!!!

Yumanig ang lupa na labis kong ikinakaba. Namamayani ang kakaibang takot at sindak sa aking dibdib. I look around ngunit mga uwak na nagliliparan lamang ang aking napansin. Their cawing is grating on my nerves na tila sinasadya upang mawala ang kaunting pagtitimping meron ako. I look at Alejandro, pati sya ay nakatakip ang tenga gamit ang kanyang mga palad and mababakas sa kanyang mukha ang pagkabahala. Napalingon din sya sa akin, nagtatanong ang mga mata as if asking what is going on right now.

Napatingin ako sa dakong silangan?! Hindi ko alam, I don't have a perfect sense of direction ng mga sandaling yaon ngunit iisa ang malinaw sa akin, ang araw na tirik na tirik ay biglang nagfast forward na lumubog gaya ng mga effects sa mga documentaries pag hinihila nilang pilit ang oras upang maipagkasya ang lahat ng recordings in one hour. Gayon na gayon ang nangyari, bigla at nagmamadaling lumubog ang araw hanggan sa lumambong ang kadiliman.

Nangangatal na ako sa pagkasindak and I hated this feeling. I feel like a mindless prey who fell for my predator's trap. Nakakasakal ang ganito, if only I can do something but I am helpless at the moment.

Lumipas ang mga sandali bago muling nagparamdam si Serefina. It doesn't happen too fast nor too slow bagkus, nagpakita sya when I expect her to be.

Pagkaraang dumilim ay umihip ng malamig na hangin and right there, infont of our eyes she stood there.

Hindi ko alam kung kahahabagan, katatakutan, o kamumuhian si Serefina at that time dahil sa hilatsa niya ng mga sandaling yaon.

Linilipad ng hangin pa-side ang mahaba nyang buhok and her eyes seems sorrowful but there is still a deadly glare on them. Tikom ang kanyang bibig na tila pinipigilang bumukas. She stayed like that na para bang kinacalculate ang anumang gagawin namin ni Alejandro.

I do not know, but at some point namayani ang awa sa aking puso ngunit tila di sang-ayon si Alejandro, "Huwag kang papaapekto, Rhei, isang ilusyon lamang ang ating nababanaag sa ating harapan.Naririyan lang sa paligid ang tunay na Fina," at iginala ni Papa A ang kanyang mga mata sa paligid until he zeroes his gaze sa isang malaking acacia sa di kalayuan.

Sinundan ko ng tingin ang pinagdakuan ng kanyang pansin and true to his words, ang Serefinang kaharap namin kanina ay biglang naging mga itim na paru-paro na sumugod sa amin.

Alejandro and I tried to duck and cover ourselves dahil tila patalim ang bawat paa ng mga paru-parong umatake sa amin. Bawat kalmot at sugat na aking natamo ay di ko ininda dahil sa mga panahong yaon ay napuno na ako!

Tumigil bigla ang mga paru-parong may bahid ng pagkademonyo and when I opened my eyes, the evil butterflies are all lying on the ground. Nangingisay silang lahat parang nakuryente ba. Napatingin ako kay Alejandro, "Anong nangyari?" buong pagtataka kong tanong.

Kunut-noong sumagot ito, "Hindi ko alam ngunit ang mga sugat mo!" gulat nyang pahayag. I instantly look at my many cuts and oh! Just before my eyes, all of them are healing!!!

I look back at him wide eyed only to observe that he too, is healing. I point it out to him, at pati sya nashock!

"Magsaya kayo ngayon ngunit di nyo na muling masisilayan pa ang bukang-liwayway," tiim-bagang sambit ni Serefina.

Bago pa man kami makahuma sa presence ni Serefina ay narinig namin ang isang pamilyar boses na nagbubuhat mula sa kalangitan, "Itigil mo na ang walang saysay na galit Serefina," malumanay ang pagkakawika ng tinig, "para saan ba ang galit mo? Hindi pa ba sapat na maraming buhay ang nabago't nawala? Ano ba ang nais mong mangyari, Serefina?"

Kumulog at kumidlat and before I can comprehend anything, a blinding light engulfed the whole world for me.

...............

Daniel POV

"Halina kayo, mga bata, magmadali tayo bago pa mahuli ang lahat," Don Fidel urges us as we descend on the spiraling stone staircase.

Medyo maalikabok at ang daming cobwebs! Si Sandy nga diring-diri na, ako pa kaya?!

Hindi ko sasabihing, hindi ko alam kung paano kami napunta sa lugar naito ngunit, hayaan nyong ipaliwanag ko ang lahat-lahat from the top.

Matapos naming marinig ang revelation ni G. Gal-, este Don Fidel,
ay tahasan kong tinanong kung may iba pa syang alam na paraan upang matapos na ang gabing ito.

Tiningnan lamang ako ng lolo ni Carmie na tila ba nagpapatawa lang ako. Seriously, what is really going on?

The old man took a deep breath bago tumayo ay dire-diretsong naglakad patungo sa isang bookshelf malapit sa portrait ng isang couple in their wedding dress pero yung babae parang bulag...

Lumangitngit ang bookshelf pagkat bigla itong bumukas, and with the light emitting from the candles, nabanaagan ko ang mga unang dalawang baitang ng hagdan.

Lumingon sa amin sa amin si tanda, "Halina kayo," and walang lingun-lingong pumanaog sa kadiliman...

Kaya heto, we are descending a very dizzy spiral staircase! Malaman ko lang kung sino ang nagdisensyo nito, di ko siya titigilan sa pagmumura. Packing tape naman oh, mailalabas ko na ata lahat ng kinain ko!!

Bogsh!

"Hey!" reklamo ko sa kung sinomang likod ang biglang tumigil sa aking harapan, "ba't ka huminto?"

"Huwag ka ngang maingay, Dan!" saway sa akin ni Jaime.

Medyo madilim ang lugar na tinigilan namin pero alam kong nandito pa mga kaberkz ko dahil panay ang kapit nila sa akin pati nga si Ash parang linta kung makakapit!

Lumiwanag ang buong paligid dahil kaya naman pala! Don Fidel has light up the torches in the room. Sly old man.

Sa tulong ng mga nagliliyab na sulo, ay nakita ng dalawang mata ko ang isang di kapani-paniwalang bagay...

...sa gitna ng silid ay isang glass coffin, tulad ng kay Snow White, ang naroroon at sa loob nakahiga ang isang lalaking mistulang nahihimbing lamang...


The Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon