@verronica14, I dedicate this chapter to you. Enjoy reading and comment lang ng comment hehe!
Time flies fast when we least expect it but, it seems that time has stopped ticking for us.
Sa wakas narating na namin ang Museo de Alefina. According kay Carmie, we have to know everything about Alejandro and Serefina if we want to know Sto. Niño even better.
The museum is located at Serefina's ancestral house. Every fixtures dates back to the Serefina's time. Her room on the second floor is preserved just like it used to be nang bigla itong naglaho ng parang bula. The first floor is dedicated to Sto. Niño's past and heritage samantalang ang ikalawang palapag ay nakalaan para sa magkasintahan. The annex building contains news clippings, books, and any related reading materials regarding the fated lovers.
Hindi ko alam kung saan nagmula ang hinalang kaya kami pilit dinala rito ni Carmie pumunta ay upang hanapan ng kasagutan ang kababalaghang nangyayari sa kanilang bayan. Bigla kasi akong nagduda dahil simula ng tumuntong kami sa bayang ito, some of us are already acting weirder than usual.
"Hoy Carmela, bakit mo ba kami dito dinala?" tanong ni Jamie habang sinusuring mabuti ang kabuuan ng museo. Mahilig kasi sa architecture kaya ganyan, sinusuring mabuti ang mga gusali.
May kalumaan na ang bahay na bato nila Serefina. I think it dates back to the Spanish years kasi katulad ito ng mga bahay sa Vigan. Anyways, very well-maintaied naman ito kaya maliit lang ang chance na bibigay ito during our visit. What? I'm just trying to lighten the mood kasi masyado nang natatakot ang ate nyo!
Anyways, buti na lang ang curator ng museum ang gumabay sa amin. Ipinaliwanag sa amin ang mga stories behind each items and displays hanggang sa umakyat na kami sa ikalawang palapag. Ngunit bago kami tumuloy ay nag-aya ang curator na uminom muna ng tsokolateng pinagmamalaki ng bayan nila.
Kasalukuyan kaming kumakain sa opisina ng curator nang mabuksan ang topic na pinakaiiwasan kong marinig coz there's a part of me that says what happens in the past must remain in the past but then, I'm a curious cat!
"Sir," umpisa ni Ash, "sino ho ba si Serefina? Plus, what happen afterwards nung mawala sya?"
Natigilan ang matandang curator na si Mr. Arturo Galang. Tumikhim muna ito bago hinarap ang aming grupo. Tinitigan nya kami ng isa-isa tsaka bumuntong hininga at nagwika, " Si Serefina ay isang alamat na sa bayang ito. Gaya nyo, ako rin ay banyaga rito sa Sto. Niño but curiosity got the better of me when I heard about her. Kaya heto, narito ako patuloy pa rin sa pananaliksik at paghahanap ng kasagutan ngunit ano ba ang nais ninyong malaman?" malumanay niyang tanong sa amin.
"Uhm, Mr. Galang," alanganing pagsisimula ni Sandy, "who the hell really is Serefina? Lagi kong nahehear Serefina this Serefina that! I'm getting annoyed na!"
Natawa na lang si G. Galang sa pag-iinarte ni Sandy. " Alam kong maaaring makarinig kayo ng bulung-bulungan ukol sa kanila considering Carmela here, is a direct descendant of Alejandro's good friend, Don Fidel Manzano."
"Ayon sa mga old timers, after Don Fidel has that dream," tumingin sya kay Carmie, "which I hope, naikwento na ni Carmela dahil ito ang mga known facts, but after that, mga haka-haka na lamang ng mga matatanda ang syang pumuno sa kuryosidad ng buong bayan."
"Unahin muna nating talakayin ang haka-hakang pinaniniwalaan ng nakararami. Ayon sa mga matatanda, matapos halughugin ng buong bayan ang lugar sa panaginip ni Don Fidel ay di nila nahanap si Serefina ngunit tanging veil at isang sapatos lamang ang kanilang natagpuan, at ang nakakapanibugho ay lahat ng gamit na natagpuan ay may bahid ng dugo. Nakadisplay sa taas ang mga ito na makikita nyo rin mamamaya. But going back sa story, sabi ng ilan na maaaring nawala sa gubat si Serefina dahil karugtong lamang ng eskwelahan ang gubat. Marami rin ang naniniwalang may engkantong umibig sa kanya at dinala sya sa kanilang daigdig ngunit, mas kapani-paniwala ang balitang nakursunadahan sya ng mga Hapones at maaaring ginahasa at pinatay sa kagubatan."
"Though iba't iba ang sapantaha sa tunay nyang sinapit, iisa lamang ang napagkasunduan ng matatanda, lagi syang naririyan at nagmamasid na tila ba hinihintay pa rin ang kasal nila ni Alejandro doon sa dati nilang tagpuan sa punong matanda na nadaanan nyo papunta rito."
Nasamid si Dan sa pag-inom nang marinig ang mga huling winika ni Ginoong Galang, "Kung ganoon totoo ang nakita ko? Kasi kanina may biglang tumawid na babaeng nakabridal attire!"
Napatili ng di oras si Sandy, "Hey no takutan naman, oh!"
Tinawanan lang namin si Sandy at muling ibinaling ang atensyon kay G. Galang. Lahat kami ay humihingi ng explanation sa tinuran kanina ni DJ.
Mr Galang sighs before continuing, "Well, if that is the case, you've met her then. Di ko alam kung bakit sya nagpapakita ngunit every time na ninanais namin syang makausap, ay tumatahimik sya at naglalaho. Sabi ni Doña Nena, ang haka ng nakararami ay mayroon daw dugong mangkukulam si Serefina kaya ganyan ang kaluluwa nya because her soul cannot enter hell nor heaven and that is her punishment, to forever roam the earth."
"So, if those are the rumors, eh ano naman po ang totoo?" tanong ko sa curator coz mas lalo akong nacurious and subconsciously, tila pamilyar ang mga pangyayari. You see, I have this feeling na I'm experiencing a de javú though I am not sure why.
"Well, there are a lot of rumors that abounds here but what I have related to you a while ago, is the most popular one plus, I have seen her too," Mr. Galang said in such a mysterious tone ngunit, bigla syang tumawa na kinaewanan naming magbabarkada.
"Oh well, since no one really knows what Serefina's fate is, it is a good thing that we know what becomes of Alejandro," malumanay niyang saad, "but, mas mabuting ipagpatuloy natin ang tour sa museo."
And that's it! We continue the tour...
BINABASA MO ANG
The Bride
Mystery / Thriller"Aanhin ang isang pagmamahal na di pa napapanahon? Ang paghihintay ay nakakabagot ngunit papaano tatakasan ang wakas?" "Will time tick back for this kind of love to happen?"