GB6

1.7K 46 0
                                    

"A house is not a home when there is no love that abounds within its walls. Dahil kung walang pagmamahal, ay aanhin pa ang karangyaang di naman kayang punan ang kahungkagan ng damdamin."

"Wow Sandy lalim ah!" palatak ni Ashton habang binabasa ang sinusulat ni Sandy.

"Huwag ka ngang epal Ash!" sabay pagkukubli sa kanyang gawa. Well, columnist si Sandy sa isang national broadsheet kaya di nakapagtataka kung medyo malalim rin magsalita minsan.

Lumapit si Dan sa dalawa at biglang binatukan si Ashton. Agad nagreact si Ash sa ginawa ni Dan.

"Ba't ka nambabatok?" galit nyang tanong.

"Akala ko ba nag-usap na tayo tol? Di ba ikaw ang representative?"

"Ah," realization hits Ash at last, "Sandy, sorry nga pala kanina," sincere na saad ni Ash.

"We really do not intend for you to react like that," dugtong pa ni Dan, " well, hindi ikaw ang tinatawanan namin kundi yung bubuwit nating kasama," sarcastic na pagkakasabi ni Dan sabay lingon sa akin.

Hay naku, ako na naman ang nabalingan ng impakto! Pansin ko, namumuro na sa akin ang bf ni bff kasi since we got here, mas lumevel up pa ang asar nya sa akin!

"Excuse nga," singit ko sa nag-uusap na tatlo at agad na hinarap si Dan, "Daniel Jace Almiron, ano ba ang problema mo ha?" paninimula ko.

"Whoa!" pang-aalaska pa rin ni Dan, "what is going on in your head hothead?" at ngumisi pa ang leche.

"I won't be angry if I don't have any valid reason, Dan, ewan ko kung bakit lumevel up pa ang pang-aasar mo sa akin! Sabihin mo nga what is your problem with me!"

Saglit syang natigilan ngunit pagdaka'y tumawa ito ng nakakaloko tsaka nya ginulo ang buhok ko bago nya nilisan ang verandang kinaroroonan namin na patuloy pa rin sa kanyang pagtawa. GRRR!!!

Ganito ang scene na dinatnan ni Carmie at Jamie dahil sila ang naatasang gumawa ng meryenda. Nagpalipat-lipat ang tingin nila mula sa akin to Dan's retreating figure. Si Jamie na ang nagsatinig ng curiosity nilang dalawa.

"Anong nangyari?"

"As usual nang-asar yung isa, napikon yun isa and then nagkaroon ng confrontation kaya, KABLOOEY!" patamad na sagot ni Sandy kasi nagkokonsentreyt sya sa column nya na for sure deadline na.

"Carmela, pagsabihan mo nga yang nobyo mo na tigilan na ang pang-aasar kasi di na nakatutuwa," payo naman ni Jamie.

Tumango lang si Carmela at agad na inilapag ang dala-dalahan upang aluin ako. Humingi sya ng forgiveness on behalf of the jerk at hanggang nag-lift up na ang tensyon sa atmosphere.

kriiing!kriiing!kriiing!

"Carmela, phone mo ata," sita ko kay bestie.

"Ay  oo nga! Saglit lang ha," pag-eexcuse nya sa amin upang ireceive ang call.

Inabala ko muna ang sarili sa pagbabasa sa nahiram kong libro sa library. Well, its Jane Austen I'm reading kaya medyo tutok ako coz I am a fan at saka, literature major ako nung college so, no wonder hehe!

Ano kayang magandang ipagawa sa mga estudyante after ng vacation period? Book report, poem analysis, in-depth analysis of author's style, or movie criticism? Ano kaya?

Hay sumasakit ang utak ko sa kakaisip! Makakain na lang nga para maalis ang stress dahil naaalala ko ka pa ang mga kagagawan ko noong college!

YES!!!

Three point shot na naman ng ace player ng College of Arts, Sciences, and Education na si Dennis Almiron! Cheer lang ako ng cheer kasi ang galing nya! Oo, gwapo at hunky dude  din sya kaya todo cheer talaga ako!

"Rhei, tama na nga," awat sa akin ni Carmela, isang Elementary Education Major na bff ko rin since day one.

"Bayaan mo na lang ako Carmela, it is my only chance to cheer si Crush," pagdadahilan ko.

"Pero, pinagtitinginan na tayo ng iba oh," sabay tiningnan ang mga tinutukoy.

"Let them be, bestie, inggit lang mga yan kasi di nila mavocalize yung admiration nila kay Papa Den!"

"But, sure ka best?" alangang tanong ni Carmie, "kasi tingin ko nakakahalata na si Dennis eh, panay ang tingin dito sa bleacher ng department natin."

"Eh?! Bakit di mo sinabi agad! Nakakahiya tuloy," paninisisi ko at agad akong umupo upang takpan ang namumula kong mukha.

Tinawanan lang ako ni bestie. Nakakahiya talaga! Sabi nga, at di dapat ako nagkalat ng ganito...

Days passed after the intramural pero di ko inaasahan na muling magkakalat na naman ako pero this time, mas grabe at nakawiwindang!

Hindi ko alam why I wrote that stupid diary and brought it at school pero nakabunguan ko si Dennis sa second floor landing dahil pareho kaming di tumitingin sa daraanan namin. Tumilapon lahat ng gamit ko kasama na rin yung pink notebook ko-slash-diary. Agad naming pinulot lahat ng gamit namin and wonder of all wonders, nagkapalit kami ng notebook kasi iisa yung kulay at design ng diary ko at notebook nya.

I didn't notice the swap not till the weekend kasi ginanahan akong magsulat bigla. When I opened it, laking gulat ko kasi lectures ang nakasulat doon and not my writings!!!

Wah! Major disaster!!!

Tinawagan ko agad si Carmela at together, we tried to solve together how my diary was swapped. We went back sa going ons ng week na yon and every possible and plausible situations where I can swap my notebook to someone else'.

Naalala ko pa kung gaano sumakit ang utak ko sa kaiisip hanggang sa natulugan na namin ni Carmela ang pagsosolve ng problema ko. Sunday came and went, pero wala ring nangyari kasi bokya kami ng ideas at ang kinahantungan, endless shopping sa mall.

Nakalimutan ko na nga yung pagkawala ng diary ko when Monday came pero when I am about to give up, tsaka naman nagpakita.

May lalaking nakatayo sa pintuan ng library. Brusko ang dating, masculinity is clearly written in his presence. Nang palapit na ako sa kinapwepwestuhan nya ay ngumisi ito at bigla akong nilapitan.

"We need to talk," he whispers as he passes me. Lito man ay sinundan ko sya hanggang tumigil sya sa isang bench sa loob ng campus.

Umupo sya at sinenyasan nya akong umupo rin sa tabi nya. I did what he told me to do and we sat there for a while ng walang imikan.

A moment passes by hanggang sa di na rin ako nakatiis at akmang tatayo na ngunit pinigilan ako ng mystery guy na ito.

I look at him confused of his intents. He bowed his head and stared at his feet, pinagsaklop nya ang mga kamay nya and took a deep breath. He looks nervous.

"Hindi ko alam where to start but, you must STOP!" he said darkly. I just stared at him kaya naman pinagpatuloy nya ang pagsasalita.

"I don't know kung naiintindihan mo ang sinasabi ko but you must stop dahil di lang ikaw ang masasaktan. Leave Dennis alone dahil di nya kayang tumbasan ang pagmamahal mo sa kanya dahil he is different," sadness taints his voice.

"Eh sino ka ba?" I asks.

"Daniel Almiron, kakambal ni Dennis at bf ng best friend mo," he said in a clip tone.

Nang mga sandaling yaon ay di ko mapigilan ang magtanong, " Paano mo nasasabi ang mga bagay na yan? Close mo ba sya?"

"Yeah, close kami," he confirms and sighs again, "close kami simula ng pinagdalang-tao kami ni mommy kaya alam ko ang saloobin nya. That is why I'm telling you to stop dahil pareho mo lang sinasaktan kayong dalawa."

"Bakit?"

"Your love for him is worthless", pagkasabi ng mga katagang yon ay tumayo na sya at hinarap ako, inabot nya ang diary ko bago tuluyang umalis.

Hawak-hawak ko ang diary and I stay seated there crying for no apparent reason...

Binalik nga sa akin ang diary ngunit panghihinayang at kahihiyan ang natamo ko upon reading a letter that Dennis wrote on the last part of my notebook but all words were drowned by those words...

I AM GAY.

The Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon