GB2

3.1K 70 17
                                    

Maingay ang grupo namin and for sure marami ang mabubulabog ngayong gabi.

"Hoy! Akin na nga yang camera Dan!" Pilit kong pag-agaw sa digicam dahil kanina pa kuha ng kuha ng mga stolen shots si Daniel.

"Say pangit!," sabay pindot ng cam. Kainis ka talaga!

"Dyan ka na nga! Guys, matutulog na ako," baling ko sa iba bago tumungo sa room na nakalaan for girls.

"Hoy pikon, balik rito!" Pahabol pa ng kumag na si Dan. Bwisit talagang alaskador!

"Che! Si Carmela na lang sutilin mo!" Nagtawanan ang buong grupo sa sinabi kong ito.

"Oo nga bhe, bakit lagi mong inaasar si Rhei?"

"Eh kasi," malambing na tugon ni Dan, "ayaw kong mag-away tayo kaya si Rhei na lang kasi epic kung makareact eh!"

Bwisit talaga! May araw ka rin kutong-lupa. Padabog na lang akong umalis at natulog na lang. Bukas ako gaganti!

Pilit kong tumatakbo ngunit laging nasasabit ang traje de boda ko. Naririnig ko ang halakhak ng mga hinayupak at paniguradong naririto lamang sila sa malapit.

Takbo, lakad ngunit tila walang kapaguran ang mga unggoy. Hingal na hingal na ako ngunit di pa ako maaaring tumigil dahil kung magkagayon, ay tiyak na katapusan ko na.

Maalinsangan at tirik na ang araw. Hindi ito ang aking inaasahan kagabi sa araw ng aking pag-iisang dibdib sa aking irog. Bakit tila ba kinukutya ako? Masayang nagsisi-awitan ang mga pipit at loro sa himpapawid samantalang ako'y nagdurusa dito sa ibaba!

Lumingon ako sa likod ko upang siguraduhing nailigaw ko na sila, ngunit dahil dito di ko na napansing bangin na pala ang nasuungan ko.

"ARAY!" napabalikwas ako ng bangon eh ikaw kaya ang masapak ng pagkalakas-lakas.

"Hay, salamat, bestie," buntong-hininga ni Carmela, "buti na lang nagising ka!"

"Oo nga Rhei, grabe ka makasigaw parang nakalunok ng amplifier," pangagagad pa ni Dan.

Inirapan ko na lamang ang damuho at muling hinarap si bestie, and doon ko nalamang sigaw raw ako ng sigaw kaya agad sumugod ang buong barkada ngunit di raw nila ako magising not until Carmela slaps me hard tsaka lang ako natauhan. In return, I told them about my nightmare at hanggang ngayon nga ay tila pagod at hingal pa ako. Weird pero di ko na pinagtuonan pa ito kaya hayon, kung saan-saan na napunta ang usapan hanggang sa makatulog na kami ng di namin namamalayan.

Tanghali na kami nagising at medyo tinatamad pa lahat bumangon ngunit kinakailangan para masulit ang bakasyon dahil may pupuntahan kaming museum raw sa kanilang bayan according to Carmie.

"Hoy, mga 'tol, matagal pa ba kayo?" mabugnuting tanong ni Ashton.

"Andyan na Ash!" sigaw ni Jamie, "Huwag mainip kung ayaw mong magka-wrinkles," patuloy nya pang pang-aasar kasi reversal of roles ikanga kasi litanya ni Jamie yung sinambit ni Ashton and vice versa.

As usual si Dan ang driver kasi ingat na ingat sya sa kanyang Subaru kaya walang tiwala sa amin although capable naman kaming lahat magdrive. Ewan ko ba sa damuhong iyon, buti nga di pa nagseselos si Carmela sa sobrang pag-iingat ni DJ sa Subaru nya.

Oh well, bakasyon namin ngayon so dapat huwag intindihin ang mga stressful things gaya ng kaabnormalan ni DJ.

Nasa daan na kami nang mga sandaling iyon ngunit di ko mawari na tila ba may mga matang nakatitig sa akin although it is impossible kasi nasa bandang likod ako nakaupo at tanging kasama ko rito eh si Sandy na nakabeauty sleep mode. Si Ash at Jamie patuloy pa rin sa harutan sa gitna while Carmie and Dan are having sweet moments sa unahan. Weird.

Di ko namalayang nakaidlip ako sa byahe dahil bigla na lamang akong nagising dahil biglang tinapakan ni Dan ang brake.

"Shit!" Dan cussed while staring daggers at the road ahead, "bwisit namang ikakasal yan oh! Ikakasal na nga may balak pa atang magpakamatay tapos mandadamay pa!" litanya nya pa rin.

Pilit naman syang pinapakalma ni Carmela, "Its okay, bhe, at least di tayo napaano. Cool lang bhe, tara tuloy na lang tayo at malapit na ang museo na tinutukoy ko."

"Hey what happened? Did we have an accident or something?" maarteng pagtatanong ni Sandy.

"No, Sandy, nagkalindol lang naman kaya nagpreno si Mr. Chaffeur," sarkastikong tugon ni Ash na mas lalong kinainisan ni Sandy. Oh well, at least di kami napaano but I'm curious sa mga sinabi ni Dan kanina. Makapag-usisa nga!

"Jamie palit tayo ng pwesto dahil alam kong sawa ka na sa malakas na hangin," tukoy ko kay Ashton.

Nakipagpalit agad si Jamie kasi alam kong nayayabangan na ito kay Ash na kababata nya. At ako naman, diretso nang umusisa sa lover birds.

"Carms," sabay tapik ko kay bff, " bakit nagpreno si Mr. D?"

"Ewan," kunut-noong sagot nito, "pero I'm sure wala akong nakitang tumawid. Nagulat nga ako nang biglang nagpreno si bhe."

"Sure ka? As in zero? Wala kang nakitang tumawid kahit anino nito?"

"I'm pretty positive!"

Nasa ganitong discussion kami ng biglang sumabat si Ash at Dan.

"Nakita ko rin yung nakita ni bro," seryosong pahayag ni Ash.

Napalingon kaming dalawa ni Carmie sa kanya. Doubt written on our faces. Ngumiti lamang si Ash bago itinuon ang paningin sa labas. Sinundan ko ang tinitingnan nya and I am surprised kasi yung matandang puno na nadaanan namin kahapon yung tinitingnan nya.

"Carmie," tawag ni DJ sa kasintahan, " naaalala mo ba yung kinuwento mo sa akin noong nanood tayo ng White Lady ni Angelica Panganiban?"

"Yeah, bakit?"

"I think she is real. We finally meet the legendary bride of Sto. Niño," kalmadong pahayag ni Dan.

"Hey walang takutan naman oh," saway ko kay Dan kasi kinikilabutan na ako. My hairs are all standing up sa creepiness ng statement ni Dan. Ang mokong ay tumawa lang at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Natahimik kaming dalawa ni Carmie kasi pareho kaming takot sa mumu isama na rin pala si Sandy. Hindi na kami umimik ni bff ngunit bakas sa aming mukha ang takot at pangamba. It seems that it is only the very beginning.

The Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon