Chapter 2

1.7K 86 3
                                    

*Makalipas ang isang taon*

"Blaire."

"Pitchie."

"Winter."

Walang kabuhay buhay na sabi nila sa harap ng palasyo ng Roufmerth at automatic na bumukas ang lagusan nito. Dito na sila ulit mag-aaral. Madaming nagbago sa kanila. Hindi na sila ang mga fairies na iyakin, tinatawag na noob at kung anu-ano pa.

Pagpasok nila ay agad na bumungad ang napakalalaking gusali na kumikinang dahil sa kulay nito.

"Walang nagbago." Mahinang sabi ni Blaire.

Habang si Winter ay nakatitig lang sa mga gusali.

Habang naglalakad sila ay napapatingin lahat ng nadadaanan nilang mga fairies. Mapalalaki o mapababae man.

"Kakaiba ang mga anyo nila. Nakakahumaling." Sabi ng lalaking nadaanan nila. Oo, kaya din nila basahin kung anong mga iniisip mo.

"Sila na ata ang pinakamagandang nilalang na nakita ko sa buong buhay ko." Dagdag naman ng isa pa.

"Anggaganda naman nila."

Madami pa silang naririnig pero di na nila ito pinansin.

"Oh anong tinitingin-tingin niyo dyan? Palibahasa'y mga pangit e." Pagtataray ni Pitchie.

Kasama rin sa tinuro ni Peter ang magbagong anyo para mas magmukhang kaaya aya sila para di na uli sila apihin. Malaki ang utang na loob nila kay Peter kaya ito lamang ang kaisa-isahang tao na pinapakitaan nila ng kagandahang loob.

"Umpisahan na natin?" Tanong ni Winter sa dalawa.

"Tara!" Sabay na sinabi ni Pitchie at Blaire na may pananabik.

Hindi na sila ang dating mga fairies na inaapi at tinatapak-tapakan ng kung sino lang.

"Ikaw." Turo ni Pitchie sa babaeng naka-asul.

"Ako?" Sabay turo sa sarili.

"Hindi. Yung nasa likod mo nalang." Naiiritang sagot ni Pitchie.

Tumingin naman ang babae sa likod nito pero wala itong nakita.

Napailing naman si Pitchie.

"Boba! Ikaw yon." Gigil na saad ni Pitchie.

Lumapit naman ang babae sa kanila habang kamot kamot ang ulo.

"ANO NAMANG KAILANGAN NIYO SA AKIN?" Sabay irap ng babae.

Nainis naman si Pitchie sa inasal ng babae kaya sinipa ni Pitchie ang kaliwang tuhod ng babae dahilan para siya ay mamilipit sa sakit.

"Umayos ka ng pananalita mo kung ayaw mong baliin ko ang bawat buto sa katawan mo." Banta ni Pitchie sa babaeng fairy na kausap nito.

"Anong karapatan mong sakta— Aray!" Naputol uli ang sasabihin ng babae dahil kabilang tuhod na naman niya ang sinipa ni Pitchie.

"Gusto mo ata talaga baliin ko ang bawat buto mo sa katawan?" Pagtataray ni Pitchie habang nakapameywang sa harap ng babae.

Di na umimik ang babae sa takot na masaktan pa.

"Ituro mo kung nasan sina Molly at Ella."

"S-sige. Sundan ninyo ako."

Nakasunod lang sila sa babae hanggang sa makarating sila ng magical canteen.

Biglang nagbalik lahat ang mapapait na alaalang sinapit nila sa lugar na ito. Ilang beses silang napahiya sa lugar na ito. Ilang beses silang pinaglaruan sa lugar na ito. Ilang beses silang inapi-api at tinapak-tapakan ng mga fairies sa lugar na ito.

"Makakaalis kanang bruha ka." Sabay irap ni Pitchie at mabilis na umalis ang babae.

Nakapamulsa silang pumasok sa magical canteen. Agad naman nilang nakuha ang atensyon ng mga fairies na nasa canteen. Nagtinginan ang lahat sa kanila. Napuno ng bulong bulungan sa paligid.

Di nila pinansin ang mga sinasabi ng mga tao sa canteen bagkus ay pumadyak si Winter ng malakas na naging dahilan para magbitak bitak ang sahig.

May napatili, may nagulat, may nagsilabasan. Pero walang pakialam ang tatlo sa naging reaksyon ng mga fairies sa loob ng canteen. Mas nakatuon sila sa pinunta nila ngayong araw.

"Hoy. Sino ba kayo? Mga mukhang baguhan lang kayo dito ah pero kala niyo kung sino na kayo umasta." Pasugod na sabi ni Molly.

"Oh ito na sya." Walang kabuhay-buhay na sabi ni Winter.

Bigla namang kumunot ang noo ni Molly.

Dumating din si Ella.

"Ito pa." Nakangising sabi ni Blaire.

"Ang lakas ng loob niyong guluhin ang magical canteen namin." Masamang tinitigan ni Ella ang tatlo.

"Kumusta na kayo? Di niyo na ba kami naaalala?" Nakangising tanong ni Pitchie.

"Sino ba kayo para maalala namin ang mga papansing tulad niyo?" Sabat ni Ella.

"Ganun ba? Eto kaya maalala nyo?" Pumitik sa hangin si Pitchie at may maliit na pormang ulap na biglang sumulpot sa ulo nina Molly at umulan ng sobrang lakas pero sa pwesto lang nila Ella at Molly.

Nagulat ang dalawa sa ginawa ni Pitchie.

"Mga walanghiya kayo. Di niyo kilala sino binabangga ninyo." Galit na galit na sambit ni Molly.

Unti unting naging itim ang ulap na nilikha ni Pitchie at maya maya ay maririnig mo na ang kulog. Bigla namang may kidlat na tumama sa dalawa dahilan para mangisay ang dalawa. Umuusok usok pa ang mga katawan nila pagkatapos matamaan ng kidlat.

Natakot naman ang mga estudyante sa ginawa ng dalawa.

"Naalala nyo na kami?" Nakangising tanong ni Pitchie sa dalawa.

Nanghihinang tiningnan ng dalawa ang tatlong babaeng nasa harapan nila. Di maaari ang hinala nila.

"Kayo ang—" Naputol ang sinabi ni Ella.

"Kami nga. Ang tatlong ginawa nyong laruan dati." Galit na sabi ni Pitchie.

Napuno ng bulong-bulungan ang paligid.

"Ang laki ng pinagbago nila." Fairy 1.

"Lagot." Fairy 2.

"Sila na yung mga pangit dati?" Fairy 3. At kung ano ano pang naririnig nila.

"Buti naman at naaalala niyo na kami." Malakas na sabi ni Blaire.

"May baon nga pala akong pasalubong sa inyong lahat." Pumalakpak si Blaire ng dalawang beses at lumitaw sa ulunan ng mga fairies ang samu't saring pagkain saka ito bumagsak sa kanila.

Yung iba tumili, yung iba nagalit. Iba't ibang reaksyon ang makikita sa mukha nila.

"Patikim palang yan." Sabi ni Winter na blangkong tinitignan ang mga estudyante dito.

"Hindi na kami ang tatlong fairies na NOOB na nakilala niyo dati na tinatapak-tapakan niyo lang." Dagdag nito. Wala itong emosyon. Kasabay ng pagbabago niya ay ang pagkawala ng emosyon sa mukha niya.

"Tawagin niyo nalang ang grupo namin sa pangalang GANGSTER FAIRIES." Sabay kindat ni Blaire.

"Simula ngayon magdasal dasal na kayo kung gusto niyo pang mabuhay." Pananakot ni Pitchie.

"Tara na." Aya ni Winter.

Nakangangang iniwan ng tatlo ang mga fairies doon. Nakangiting umalis sina Blaire at Pitchie dahil sa wakas ay nakaganti sila sa mga nang-aapi sa kanila dati. Kakaibang kasiyahan ang nararamdaman nila ngayon. Habang si Winter ay seryoso padin ang mukha.

Hindi pa natatapos ang pagpapahirap nila sa mga fairies sa Roufmerth nang araw na iyon dahil nasundan pa ito ng nasundan. Halos araw-araw silang nananakit. Minsan pinapahiya nila, minsan lalaitin ng sobra-sobra, minsan pinapaliguan din nila ng putik ang mapagtripang fairy at yung iba pinaglalaruan pa nila. Hanggang sa sila na ang kinatatakutang mga fairies sa Roufmerth. Ang tawag sa kanila ng mga ito ay Gangster Fairies.

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon