Chapter 18

737 36 5
                                    


"Hoy! Halika nga dito." Tawag ni Riley sa lalaking estudyante na papalapit sa kanila.

Takot na takot namang lumapit ang estudyante. Dahil nga sa kilala ang grupo nila na mga basagulero.

"B-bakit?" Tanong ng lalaking tinawag nila.

"Akin na 'yang pagkain mo." Maangas na sabi ni Lewis.

"P-pero g-gutom pa ako." Sagot ng lalaki.

"Ibibigay mo o bubugbugin kita?" Naka-ready na ang kamao ni Ace.

"I-ito n-na." Madaling binigay ng estudyante ang pagkain nito kay Ace.

"Pakipot pa. Ibibigay din pala." Sabi pa nito.

"Teka! Pa'no kami ni Makiv?" Tanong naman ni Riley.

"Oo nga. Buboy bilhan mo din kami ng makakain sa canteen. Sarili mong pera ang ibili mo. Wala ng pero-pero. Dali!" Pagmamadaling sabi ni Makiv sa lalaki.

"Pero--" Di na natuloy ang sasabihin ng lalaki dahil sinikmuraan agad ito ni Makiv.

"Sabing wala ng pero-pero e." Sabay tulak ni Makiv sa lalaki.

Agad namang tumakbo ang lalaki papuntang canteen para sundin ang utos nila.

Nasa pasilyo nakatambay ang tatlo kaya lahat ng dumadaan ay pinagtitripan nila.

"Amin na 'yang baon mo." Agad na inilabas ng estudyante ang pera at binigay sa tatlo. Agad namang tumakbo ito.

"Hoy ikaw! Linisin mo 'tong mga sapatos namin." Turo ni Ace sa babaeng dadaan.

"Ako?" Turo ng babae sa sarili niya.

"Idiot! Clean our shoes." Inis na sabi ni Ace.

"S-sige po." Nataranta pa ang babae at agad na nilinisan ng babae ang mga sapatos nila gamit ang panyo nito.

Bigla namang dumating ang lalaking inutusan nila.

"Ito na 'yung pagkain nyo." Sabi ng lalaking inutusan nila sabay abot ng pagkain sa kanila.

"Kulang 'to." Biglang sagot ni Riley.

"Pero wala na akong pera." Nanghihinang sabi ng estudyante.

"Damn it. Wala kaming pake." Sigaw ni Ace.

"Ang aga-aga sumisigaw kana." Napalingon sila sa nagsalita.

Si Winter pala. Kasama niya sina Blaire at Pitchie.

"It's none of your business." Inis na binalingan ni Ace si Winter.

Napahinto ang tatlong babae sa harap nila nang hindi lumilingon sa mga lalaki.

"Hey what are you doing?" Naiinis na tanong ni Ace nang agawin ni Winter ang pagkain na ibinigay sa kanila ng estudyante.

Ganun din ang ginawa niya kay Makiv at Riley. Pagkatapos makuha ang mga pagkain ay ibinigay niya ito sa lalaking pinanggalingan din ng pagkain na nasa gilid lang nila at nanunuod sa nangyayari.

"S-salamat." Yumuko ito bago patakbong umalis.

Nakanganga namang iniwan nila ang tatlong lalaki.

"What just happened?!" Rinig nilang sabi ni Ace mula sa malayo.

"Ready na ba ulit kayo para gawin ang misyon?" Tanong ni Blaire sa dalawa niyang kasama.

Tumango lang sila bilang sagot.

Humingi sila ng impormasyon kay Lovely kung saan madalas tumambay ang tatlo pagkatapos ng klase. Akala nila ay magkakasama ito pero nagkamali sila dahil magkakaibang lugar ang tinatambayan ng tatlo pagkatapos ng klase.

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon