Chapter 3

1.5K 69 7
                                    

Habang naglalakad papasok ng Roufmerth ang grupo nina Winter ay pinagtitinginan silang tatlo ng ibang mga fairies. Halos lahat ay takot makabangga ang mga ito. Maya maya ay may narinig silang mga estudyante na nag-uusap tungkol sa grupo nila.

"Bwisit talaga yang grupo ng Gangster Fairies. Akala mo naman kung sinong magaganda. Eh ang papangit naman. Mas maganda pa nga ako sa kanila eh." Rinig na rinig nila ang sinasabi ni Molly kahit na malayo ito.

"Oo nga. Kala mo kung sino umasta." Dagdag pa ni Ella.

"Mga mukhang impakta." Sabi ni Molly.

Nakuyom nalang ng tatlo ang kanilang mga kamao dahil sa narinig.

"Tara." Walang emosyong aya ni Winter sa kanila.

"Tara." Pumalakpak pa si Blaire dahil sa pagkasabik sa mangyayari. Si Blaire lang ang medyo madaldal at masayahin sa grupo nila.

Pinuntahan na nila ang direksyon kung saan nanggagaling ang boses na naririnig nila. Basta sila ang pinag-uusapan ay maririnig at maririnig nila dahil kasama iyon sa tinuro sakanila ni Peter.

Nang nasa harap na sila ng silid kung nasaan ang dalawang nag-uusap na estudyante. Isang pitik lang ni Pitchie ay agad na nasira ang pintuan na ikinagulat naman ng dalawang fairy students.

Bakas ang takot sa mukha ng dalawa.

Ikinumpas naman ni Blaire ang kanyang kamay sa hangin at sa isang iglap ay nasa harapan na nila ang dalawang fairy students. Lalong nahintakutan ang dalawa sa ginawa ni Blaire.

"Oh, bat hindi kayo ngayon makapagsalita? Parang kanina lang ang tatapang ng apog niyong pag-usapan at lait-laitin kami." Mataray na tanong ni Pitchie.

"Tsk. San napunta 'yong tapang nyo?" Walang emosyon na sabi ni Winter. Tinitigan nito ang dalawa sa mata at bigla nalang namilipit sa sakit ang mga ito. Gusto mang manlaban ng dalawa ay hindi nila ito kaya dahil sadyang malakas si Winter.

"A-ano bang g-ginawa n-namin sa inyo?" Nahihirapang tanong ni Ella.

"Nagmamaang-maangan pa?" Nanggigigil na tanong ni Pitchie.

Bigla namang tinigil ni Winter ang pagpapahirap sa dalawa. Sinamaan naman sila ng tingin ni Molly at agad na pinalutang ang lahat ng upuan na agad namang tumilapon sa direksyon nila. Buti nalang at mabilis na naka-ilag ang tatlo at bumalik ito sa direksyon ni Molly na ikinagulat niya dahilan para tumilapon sya sa pader.

"Nakalimutan mo atang kaya ko ding palutangin at kontrolin ang mga bagay bagay." Saad ni Blaire.

Habang si Ella naman ay parang estatwa lang na nakatayo habang sunod sunod na sinasampal-sampal ni Pitchie. Hindi na ito nanglaban dahil sa takot na may mas gawin pang matindi si Pitchie sa kanya.

"Buti yan lang ang naranasan niyong mga pangit kayo. Yung kamay ko madumi na kakasampal sa babaeng mukhang damo na 'to!" Sabay dura ni Pitchie sa mukha ni Ella na hindi padin makagalaw.

At saka umalis ang tatlo na parang walang nangyari.

"Magbabayad kayo." Galit na bulong ni Molly sa sarili. Di niya na magawang tumayo dahil nadin sa pinsalang natamo sa katawan. Agad naman silang dinala sa Fairy's Clinic ng mga estudyanteng nakasaksi sa pangyayari. Buti nalang at may mga healing powers ang mga nasa Fairy's Clinic at agad silang pinagaling ng mga ito.

Nawalan naman ng gana ang tatlong babae na pumasok dahil sa nangyari kaya naisipan nilang wag na munang pumasok sa klase. Alam naman nila na magsasanay lang sila tungkol sa mahika.

Nang hinarang sila ni Peter na kaisa-isang lalaking kaibigan nila. Hapong hapo ito.

"Blaire.."

*Hinga*

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon