Chapter 4

1.3K 81 6
                                    

Winter's POV

Nagising ako nang masinagan ako ng araw dahil sa kagagawan ni Pitchie.

"Ano? Hanggang kailan ka matutulog? Mauuna na kami sayo." Mataray na sabi nito at patuloy na binuksan ang bintana.

Tinanguan ko lang siya. Agad naman siyang umalis at tinawag si Blaire.

Bumangon na ako at pumunta sa kwarto ng paliguan. Nakatayo lang ako habang hinahayaang kumilos ang mga bagay na nandito na paliguan ako. Tila may mga isip ang mga ito. Pagkatapos ay lumapit ang nakalutang na makapal na tela sa akin at binalot ang katawan ko.

Dumiretso agad ako sa maliit na silid ng bihisan ko at isang iglap ay nakabihis na ako. Hindi katulad ng ibang mga fairies dito na kadalasan ang sinusuot ay makikintab na damit at hanggang taas ng tuhod ang haba at nakakaakit sa mata ang kulay katulad ng berde, asul, dilaw at iba pa. Ibahin niyo yung pananamit namin. Mas gusto namin ang kulay na itim. Mas gusto namin ng atensyon sa mga tao. Mas gusto namin na nasa amin ang tingin ng mga ito.

Pero tinuturing nila kaming sumpa dahil sa gulong dala namin. Pero wala naman akong pakealam sa iniisip nila.

Kinuha ko naman ang mahiwagang suklay at sinuklay pababa ang magulo at basa kong buhok. At sa isang iglap ay nakatali na ang buhok ko.

Sumakay agad ako sa alaga kong paru-paro na si Nixie na halatang kanina pa naghihintay at nagsimula na siyang lumipad.

Habang nasa taas ako. Napatingin ako sa baba. May dalawang goblins na nambubugbog ng isang matandang babaeng fairy. Hindi ko nalang ito pinansin. Pero bakit parang may nagsasabing bumaba muna ako.

"Araaaaay." Halatang sobrang nasasaktan ang matanda sa ginagawang pagpapahirap sa kanya ng dalawang pangit na nilalang. Matutulis ang mga tenga na kulay berde ang makulubot nitong mga balat at halos hanggang bewang ko lang ang laki nito.

"Itigil nyo 'yan." Malamig ko silang tinignan.

Napatingin naman sila sa gawi ko.

"Sino ka naman para utusan kami? Ha!" Mayabang na tanong ng isa sa goblins.

Titig lang ang iginanti ko. Halata namang nainis ang dalawa sa inasal ko.

Sabay na may lumabas na itim na usok sa kamay ng goblins. Unti-unti itong naging bolang apoy na may lubid na nakatali sa kanilang mga kamay. Agad nila itong inihampas sa akin pero agad akong nakailag.

Ilag lang ng ilag ang ginawa ko hanggang sa matapos sila. Oo, isa ito sa paraan ko para atakehin ang kalaban. Gusto kong mapagod muna sila.

Ngayon ako naman.

Tinitigan ko muna ang dalawang goblins bago nagsalita. Agad naman silang tumindig ng maayos at tumitig din sa akin.

"Gusto kong humingi kayo ng paumanhin sa ginawa nyo sa matandang 'to. Wala kayong karapatan manggulo dito sa amin. Kami lang!" Wala sa sarili na lumuhod ang dalawang goblins at nagsalita.

"Paumanhin sa aming nagawa." Paulit ulit na sambit ng dalawa.

"Ngayon gusto kong lakarin ninyo ang gubat na ito. Wag kayong titigil sa paglalakad. Maglalakad kayo habang buhay, hindi kayo hihinto." Walang emosyon kong sabi sa dalawa at mabilis na tumalikod sa amin at naglakad palayo.

Oo, kaya kong kontrolin ang utak ng isang nilalang kung gugustuhin ko.

"Salamat sa pagligtas sa akin. Hindi ako nagkamali ng hinala. Busilak padin ang iyong puso. " Ani ng matandang fairy na ikinakunot ng noo ko.

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon