Chapter 17

762 43 11
                                    


"Ate Pitchie! Laro tayo dali!" Sigaw ng batang lalaki na si Allen kay Pitchie at patakbo itong pumunta sa direksyon niya.

Linggo ngayon kaya nasa bahay-ampunan ulit sila.

"Bawal lumapit sa akin." Pagmamaldita ni Pitchie.

"Ate, sige na po. Please." Nagpacute pa ang batang si Allen habang nakakapit sa jeans ni Pitchie.

"Damn it kiddo. I hate playing with kids." Sabay tabig nito sa bata dahilan para matumba at maiyak ito.

"UWAAAAAH!!!" Ngawa ni Allen.

Nung una ay hindi niya ito pinansin pero patagal ng patagal ay naiirita na si Pitchie sa ingay na dulot ng bata.

"Shhh. Wag kana ngang umiyak." Sabi nito kay Allen pero mas lalo lang itong ngumawa.

"Shhhh. Tama na sabi e." Pagpapakalma nito sa bata pero hindi padin talaga ito tumitigil sa kakaiyak.

"Ang sakit mo sa tenga. Pwede ba? Ugh! Oo na. Oo na. Sige na. Makikipaglaro na ako sayo." Biglang tumigil sa pag-iyak ang batang si Allen sa sinabi ni Pitchie.

"Talaga? Yehey!" Sabay tayo nito at niyakap sa binti si Pitchie, eh sa matangkad nga si Pitchie e.

"Ganito po, maglalaro po tayo ng taya-tayaan."

"Paano naman laruin 'yun?" Tanong pa ni Pitchie.

"Ikaw po 'yung budi-"

"Teka, anong budi?" Tanong ulit nito sa bata.

"Ibig sabihin po, ikaw 'yung hahabol sa akin. Ikaw po 'yung magiging taya. Tapos kapag naabutan mo ako at nahawakan, ang sasabihin niyo po ay taya." Paliwanag ng cute na batang si Allen.

"Easy lang pala e."

"Allen, Allen, Allen. Sali ako. Sali ako." Biglang singit ng batang si Kyle.

"Ako din." Dagdag pa ni Kelsey.

"Umpisa na ba?" Bored na tanong ni Pitchie sa kanila.

"GAME!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Akala ni Pitchie ay magiging easy lang ang laro na ito sa kanya pero nagkamali siya.

"Hoy! Ang bibilis niyo namang magsitakbo!" Sigaw nito sa mga bata.

"Habulin mo kami ate Pitchie." Sigaw pa ni Allen.

Huminto si Pitchie sa pagtakbo at nagkunwaring nahihirapang huminga.

"Ate? Okay ka lang ba?" Sigaw ni Allen mula sa malayo pero hindi siya sumagot at nanatiling nakayuko na animo'y pagod na pagod kaya nilapitan siya ng mga bata.

"Taya!" Agad niyang sabi nang lumapit si Allen sa pwesto niya.

"Ang daya mo naman ate Pitchie. Haha. Nag-alala pa naman kami sayo!" Natatawang sabi ni Allen.

"Nag-alala ka?" Tanong nito.

"Opo." Sagot naman ni Allen.

Medyo nakaramdam siya ng tuwa sa puso niya. Dahil ni minsan, walang ibang taong nag-alala sa kanya. Syempre liban kina Blaire at Winter.

Napangiti nalang siya.

"Oy! Si ate Pitchie ngumiti." Pang-aasar ng bata.

Bigla naman siyang bumusangot.

"Ako? Ngumiti? Hindi kaya." Pagmamaldita ulit ni Pitchie.

"Tatanggi pa si ate. Nakita naman talaga naming napangiti ka sa sinabi ko e."

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon