Chapter 6

1K 51 4
                                    

Third Person's POV

Tok. Tok. Tok.

Sunod sunod na katok ni Blaire sa pintuan ng Fairy Godmother.

Kusang bumukas ang pintuan at nakita naman agad nila ang Fairy Godmother na may pinapanuod sa pader ng silid nito.

Hinarap naman sila ng fairy Godmother.

"Maupo kayo." Aya nito.

"Kailan ba kayo magbabago?" Mahinahong tanong ng Fairy Godmother.

"Kapag pumangit na ako." Pabalang na sagot ni Pitchie sabay irap nito.

"May binugbog na naman kayo, puro pinsala nalang ang dulot niyo dito sa mundo natin. Alam niyo ba 'yon? Tayo ang seelie court, dapat tayo ang nagunguna pagdating sa kapayapaan." Galit na sabi ng matanda.

"Naman." Sinamaan niya ng tingin ang nagsalitang si Blaire.

Seelie Court fairies are harmless and sometimes called as the good fairies. not like the unseelie court fairies. They are the opposite of being harmless.

"Pati ba naman respeto sa inyong Fairy Godmother ay 'di niyo kayang ibigay? Ako ang nalulungkot sa kinahinatnan niyo ngayon." Halata ang lungkot nito sa mata.

"Hindi naman namin kasalanan kung naging ganito kami. Siguro kung maayos kaming pinakisamahan ng ibang fairies dati, hindi kami magiging ganito ngayon." Depensa ni Pitchie.

"At ginusto niyo naman?" Tanong nito. Hindi kami sumagot.

"Nakapagdesisyon na ako."

Bumuntong hininga muna ang Fairy Godmother bago nagsalita.

"Ipapatapon ko kayo sa mundo ng mga tao." Dagdag nito.

"Ano!?" Sabay na saad ni Pitchie at Blaire.

Nalaglag ang panga ng dalawang babae dahil sa gulat. Si Winter naman ay walang emosyong nakatitig lang sa matanda at tila binabasa ang iniisip nito.

"Puro sakit ng ulo ang binibigay niyo sa mga fairies dito. Araw-araw may gulo dahil sa kagagawan nyo. Hindi ko naman hahayaan na masira niyo ang pinakaiingatan kong mundo ng mga fairies." Paliwanag ng Fairy Godmother.

"Nagbibiro kalang diba?" Tanong ni Pitchie.

"Para sa inyo tong gagawin ko." Sagot ng Fairy Godmother.

"Para samin? O gusto niyo lang talaga na ipatapon kami sa mundo ng mga tao?" Tanong ni Blaire.

"Fairy Godmother! Baka naman nabibigla lang kayo sa desisyon nyong yan. Sigurado naba kayo dyan?" Tanong ni Blaire.

"Oo." Maikli nitong sagot.

"Hindi kami papayag!" Inis na sabi ni Pitchie.

"May paraan pa naman kung gusto niyo pang makabalik dito." Sabi ng matanda.

"Ano?" Sabay na tanong ni Pitchie at Blaire.

"Nakikita niyo sila?" Sabay turo nito sa pinapanuod sa pader.

"Hindi kami bulag para hindi makita yan." Walang emosyong sabi ni Winter.

Natahimik sandali ang Fairy Godmother at parang hinayaan na mapanuod ng tatlo ang susunod na mangyayari.

Tahimik lang na nanuod ang tatlo.

May naglalakad na tatlong lalaki at lahat ng nadadaanan nilang sasakyan ay sinisira nila at pagkatapos ay naglakad uli na parang walang nangyari. Nang may nadaanan silang isang lalaki ay agad nila itong pinagsusuntok. Kinuha pa ng isa sa kanila ang wallet ng lalaking binugbog at kinuha ang pera nito.

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon