Chapter 5

1.1K 59 12
                                    

Blaire's POV

Magkakasama kami ngayon nina Winter at Pitchie dito sa Glitteurs Garden.

Kumikintab ang bawat bagay na makikita mo dito. May damuhan sa gitna na pinalilibutan ng mga makikintab na bulaklak at sa unahan naman nito ay may batis. Napakaganda ng lugar, dito kami palaging nagpapahinga. Tapos may mga pixies kang makikita na lumilipad para magbigay liwanag sa paligid.

Habang ako nakahiga sa damuhan, si Pitchie naman nilaro-laro yung maliliit na nilalang na tinatawag na pixie at si Winter naman ay nakatingin lang sa batis.

Dito kami lagi pumupunta kapag gusto naming magpahinga. Wala kasing gaanong fairies na pumupunta dito.

Sa gitna ng pagmumuni muni namin ay bigla naman kaming tinawag ni Peter. Si Peter nga pala ang nagmamay-ari ng hardin na 'to.

"Mga binibini, may gusto lang akong sabihin."

"Ano iyon?" Ako.

"May naghahamon na naman sa inyo. Kasalanan ko talaga 'to e. Sana di ko nalang kayo tinuruan kung alam ko lang na magiging ganto kayo." Naiinis na sabi ni Peter.

"Sino naman?" Tanong ko na parang di narinig ang huli nyang sinabi.

"Ang TRI BAL. Mga babae din sila at katulad niyo ay mahilig din sila sa gulo. Nagmula sila sa Pixs Academy. Nang marinig nila ang usap-usapan tungkol sa grupo niyo ay agad silang nagkaroon ng interes na makatapat kayo." Tuloy tuloy na sabi ni Peter.

"Hiningal ako dun ah." Dagdag pa nito.

"Kelan ba?" Tanong ni Pitchie.

"Mamayang gabi. Doon daw sa Primo Battlefield." Sagot ni Peter.

"Ang kapal ng mga mukha nilang maghamon ng away." Iritang sabi ni Pitchie.

"Ayaw mo nun? May makakaaway na naman tayo?" Tanong ko.

"Syempre gustong gusto ko." Ani Pitchie na nakangisi.

"Osiya maiwan ko na kayo dahil may aasikasuhin pa ako." Paalam ni Peter.

Sabay sabay kaming napahiga sa damuhan habang nakatingin sa kalangitan.

"Hindi ko lubos maisip na magiging ganito tayo." Biglang nagsalita si Winter na ikinagulat ko. Hindi kasi siya mahilig magkwento ng saloobin niya sa amin ni Pitchie.

"Huwag mong sabihin na ayaw mo na ng gantong buhay?" Tanong ni Pitchie.

Hindi nagsalita si Winter.

"Mas gusto mo bang tayo ang inaapi Wints? Tayo ang pinaglalaruan? Tayo ang pinagkakatuwaan? gusto mo ba iyon?" Dagdag kong tanong.

Hindi parin ito umiimik na tila may malalim na iniisip.

"Galingan nalang natin mamaya." Pag-iiba ng usapan ni Pitchie.

"Sisiguraduhin kong titiklop ang mga mukha nila." Nakangisi kong sabi.

Madami pa kaming pinag-usapan ni Pitchie. Oo kami lang ni Pitchie ang nag-uusap. Si Winter kasi pag tinatanong namin, hindi rin naman sasagot.

Hanggang sa mapagod at makatulog kaming tatlo.

Naalimpungatan kami nang marinig namin ang boses ni Peter.

"Gising na. Gabi na." Inaalog alog pa kami ni Peter.

Napabangon naman ako.

"Buti naman at gising na kayo." Dagdag niya.

"Naghihintay na ang Tri Bal sa Primo." Paliwanag nito.

"Tara na." Aya ko sakanila habang iniinat ang katawan ko.

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon