Chapter 14

739 38 2
                                    

Third person's POV

Habang nagkaklase ang 4-A kung saan nabibilang sina Pitchie, Blaire at Winter.

Nakatitig lang si Ace Scottland sa likod ni Winter na parang ang lalim ng iniisip. Habang si Pitchie naman ay hinihila ni Riley ang kanyang buhok.

"Oy stalker." Pagpapapansin ni Riley kay Pitchie.

"Ano ba?" Inis na tanong ni Pitchie ng hindi humaharap kay Riley.

Maya-maya lang, hinila ulit ni Riley ang hibla ng buhok ni Pitchie pero mahina lang.

"Bitawan mo sabi ang buhok ko eh." Sabay tabig ni Pitchie sa kamay ni Riley.

Natawa lang si Riley.

Tumigil naman siya sa kahihila ng hibla ng buhok ni Pitchie pero ilang minuto ang nakalipas ay hinila niya uli ng malakas ang hibla ng buhok ni Pitchie.

"ANO BA? SABING WAG MONG GALAWIN ANG PRECIOUS HAIR KO EH! KANINA KA PA AH!" Nagulat ang lahat sa biglang pagsigaw ni Pitchie habang nakatayo at nakaharap kay Riley.

"What's the problem there? Can you minimize your voice?" Saway ng kanilang guro.

Padabog naman siyang umupo at tinitigan ng masama si Riley pero tumawa lang ito.

Dahil bored ang tatlong lalaki sa likod nila. Naisipan nilang itali ang mahahaba nilang buhok sa likod ng upuan.

Walang kamalay-malay ang tatlong babae na pinagtitripan na pala sila ng tatlong lalaking nasa likod nila.

"Okay class dismiss." Agad nagsi-alisan ang guro pati mga estudyante.

Nang tumayo ang tatlong babae ay agad silang napa-aray!

"Aray!" Sabay-sabay nilang sigaw at sabay-sabay ding nagtawanan ang tatlong lalaking nasa likod nila.

"HAHAHA!" Sabay nagsipag-high five ang mga ito.

"Tanggalin niyo 'to. Mga ugok kayo." Inis na inis na sabi ni Pitchie.

Napa-upo ulit sila.

"Pag di niyo to tinanggal, babalatan ko kayo ng buhay." Sabi pa ni Blaire.

Pero parang walang narinig ang tatlo at umalis sa loob ng silid-aralan na tumatawa padin. At naiwan silang nakabuhol sa upuan ang mga buhok.

"Lagot kayo sakin mamaya!" Sigaw ni Pitchie.

Sakto namang dating ni Lovely.

"Oy. Lants brik na. Naka-upo pa kayo dyan. Tara na kaya." Nakapameywang pa ito sa harap ng tatlo.

"Di kami makaalis." Inirapan naman siya ni Pitchie.

"Ha?" Naguguluhan niyang tanong.

"Lovely. Tinali yung buhok namin sa upuan ng tatlong ugok na yun. Paki-tanggal naman oh." Naiinis na sabi ni Blaire.

Agad namang tinanggal ni Lovely ang pagkakabuhol-buhol ng buhok nila sa upuan.

Sinundo sila ni Lovely dahil hindi pa nila kabisado ang mga pasikot-sikot sa kanilang paaralan.

"Gerls! Alam nyo ba? Ang pimus niyo na." Masaya niyang balita sa tatlo.

"Huh?" Naguguluhang tanong ng tatlo.

"Sabe ku ang pimus nyo na. Alam nyo bang kayo ang tapek kahet saang sulok ka pumunta deto sa loob ng skol. Grabi oy. Pate mga klasmit ko, beleb sa enyo. Aba! May mga fans na kayu!" Tuwang-tuwa nyang sabi.

"Fans?" Sabay na tanong ni Blaire at Pitchie.

"Taga-hanga baga." Malakas na sabi ni Lovely.

"Ah." Tanging nasabi ni Blaire.

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon