Chapter 19

945 40 9
                                    

Blaire's POV

Nandito na naman ako inaabangan si Makiv sa lugar na 'to. Ilang araw ko nadin siyang sinunsundan dito at kinukulit pero lagi niya lang akong tinataboy at sinusungitan. Minsan nga tinatawag nya pa yung guard at hinihila ako palabas. Minsan naman kahit nakita nya na ako hindi talaga ako papansinin. Minsan hinahagisan pa ako ng juice para lang umalis. Ang sama ng ugali. Pasalamat sya at may misyon ako na nakasalalay ang buhay ko kaya hindi ako titigil sa kanya.

Papasok na ako sa malaking gate na may nakalagay na "Welcome to Delmundo's Amusement Park" nang maaninag ko kaagad ang likod niya na naglalakad patungo sa pwesto niya sa gilid ng park.

Paano nga ba ako papasok sa eksena? Nakakahiya namang istorbohin 'yung gunggong na 'to. Nakaupo siya sa may bench at nakatulala lang. Bahala na.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kinauupuan niya. Bale nakatalikod siya sa akin at laking gulat ko nang lumingon siya bigla sa direksyon ko. Kaya agad akong tumalikod at naglakad. Ang lakas naman ng pakiramdam ng ugok na to.

"Blaire?" Napahinto ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Anong irarason ko? Nasapo ko pa ang noo ko at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

"Hoy Blaire!" Tawag niya uli sakin. This time lumingon na ako kahit sobrang kinakabahan and at the same time nahihiya ako.

"Oy! I-ikaw pala 'yan. Hehe. Ano.. uhm.. oy uli. Akala ko kasi guni-guni ko lang 'yung tumawag sakin kanina kaya hindi agad ako lumingon. Hehe." Pagpapalusot ko habang pilit na ngumingiti.

"Sinusundan mo na naman ako? Ano ba kasing kailangan mo sakin?" Tanong niya sakin.

"Ah.. um.. sabihin nalang nating meron akong dapat gawin kaya ako laging nandito." Nag-aalangan kong sagot.

Kumunot naman ang noo nito.

"Hindi kaba napapagod? Para kang linta na sunod ng sunod sakin?" Seryoso ang boses nito. Nakakapanibago lang.

"Gotta go." Paalam niya at tumayo na siya pero agad ko siyang pinigilan.

"Wait!" Pigil ko.

"Bakit?!" Naiinis siyang humarap sakin. Nakakabadtrip naman makita ang mukha ng gunggong na ito.

"Uhm.. ano.. uh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano ba yan Blaire? Tatawag tawagin mo tapos wala ka naman palang plano.

"What?!!" Mas lalo siyang nainis at medyo nakakatakot na ang aura ng gunggong na 'to.

"Nanununtok ako ng babae kapag sobrang naiirita ako sa pagmumukha niya." Dagdag pa niya.

Grabe siya.

"Ipasyal mo naman ako dito oh. Bago lang kasi ako nakapunta sa ganitong lugar e." Mabilis kong sagot.

"What? Taga-bundok ka siguro." Aysh! Ang hard talaga ng lalaking 'to sakin.

"Umoo ka nalang kasi." Naiinis kong sabi.

"Why me? We're not even friends. So f*ck off!" Ang init talaga lagi ng ulo ng lalaking 'to sakin. Bwisit!

"Hoy sige na. Ang damot mo naman sakin." Inalog-alog ko pa ang braso nito.

"Ikaw pa 'tong may ganang magsabi niyan." Halata mong naiinis nadin si Makiv sakin.

"Mag-iingay ako ng mag-iingay dito. Sige ka." Pagbabanta ko sa kanya.

"Edi mag-ingay ka." Aba! Hinahamon niya talaga ako ha.

"HOY MGA TAO! MAY SASABIHIN AKO! ITONG LALAKING 'TO KINAKAIN ANG KULANGOT KO. KADIRI DIBA? TAPOS 'YUNG BRIEF NIYA KULAY PINK NA MAY HELLO KITTY TAP--"

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon