Chapter 11

735 50 5
                                    

Pitchie's POV

"GOOOODMOORNENG GEERLSS!"

Nagising ako sa biglang pagsigaw ni Lovely.

"Geseng na! Geseng na." Muli niyang sabi.

"Buwisit naman oh." Irita kong sabi. At pinikit uli ang mapupungay kong mata.

Nakakainis kaya. Ikaw ba namang gisingin kahit sobrang antok mo pa.

"Ayaw niyo magsibangon ha!" Sabay hagikhik niya.

Bigla naman kaming napabalikwas sa sakit na naramdaman namin dahil sa ginawa ni Lovely. Oo, pinindot nya na naman ang remote ng mga relo namin.

"Ang aga pa." Reklamo naman ni Blaire na halata mong medyo namimilipit pa sa sakit. Habang si Winter ay malamig lang na nakatitig kay Lovely at ramdam mong nasaktan din ito sa ginawa nito.

"Ay! Hende niyo ba natatandaan na pers di ob skol niyo ngayon?" Hyper niyang sabi.

"Pers di ob skol? Ano?" Takang tanong ni Blaire.

"Pers di ob skol. Unang araw ng pasukan ba day. Hende ka pala maka-entende ng englesh? Tsk. Tsk. Tsk. Tenoroan ko na kayo ah." Para namang nadismaya siya.

"Bakit ba naman kasi kailangan naming gumising ng maaga at pumasok sa paaralang 'yon?" Irita kong tanong.

"Duh! Kasi nag-aaral den yung tatlong papatenuin niyo. Mas madale nyong magagawa ang mesyon niyo kung nagkeketa kayo araw-araw." Sagot niya.

"Oo nga pala. Naporgit ko sabihen sa inyo. Kung sa Fairy World ay wala kayong apilyidu, ngayon meron na." Sabay naglabas siya ng folder na pink.

"Blaire ikaw na ngayon si Blaire Delavin. Chochal! Ikaw naman Petche, ang apilyidu mo ay Yos-- eyu-- sapsap-- ay ano ba to? Pakibasa nga Petche." Sabay abot niya ng folder sa akin.

"Pitchie Eusaff." Basa ko.

"Ayon! Petche Yosap."

=________="

"At ekaw naman Wenter! Ang sayo ay Deybeds. Wenter Deybeds." Tiningnan ko naman ang nasa folder.

"Davids yun Lovely. Winter Davids! Nice name huh." Sabay tingin kay Winter na malamig namang nakatingin sa amin.

"Ay day. Ang taray ng mga apilyidu niyo. Mga pang-porenjer. Sabagay kase mayayaman at halos may mga lahe ang nag-aaral don. Sana pala pang-porenjer din apilido ko. Ay di bali, mag-aasawa nalang ako ng porenjer. Haha." Tumawa naman siya ng tumawa.

"Wala namang nakakatawa, papasok na kami diba?" Singit naman ni Blaire.

"Oy! Eksaytid si Bler. Pero magsasaing muna kayo ha. Ikaw ang magsasaing ngayon at maghuhugas." Asar ni Lovely kay Blaire. Inirapan lang siya neto.

"Buti naman at hindi na ako." Natutuwa kong sabi. Dahil nung huli.. ay mali, simula una hanggang huli kong pagsaing ng bigas ay puro sunog ito. Aba malay ko kung pano.

Kakaiba talaga mga pagkain dito. Ibang iba sa fairy world. Saamin puro mga halaman ang nasa hapagkainan.

Napa-isip nalang ako bigla. Anong klaseng paaralan kaya ang HNH? Magiging masaya din kaya kami doon? Masyado talaga akong naiintriga. Katulad din kaya yun ng paaralan sa mundo namin? Medyo kinakabahan din ako sa misyon namin sa Red Card. Sa kanila pa naman nakasalalay ang pag-asang makakabalik kami sa Fairy World. Magagawa nga kaya namin?

"CHARAAAAAN!" Masayang inilabas ni Lovely ang uniform na isusuot namin.

"Seryoso ba 'to?" Di makapaniwalang tanong ni Blaire.

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon