Chapter 13

732 42 5
                                    

Blaire's POV

Habang naglalakad kami papunta sa classroom namin. Etong si Lovely salita ng salita kasi daw lagot siya kay Fairy Godmother. Alam niya daw na alam na ni Fairy Godmother ang nangyari. Dahil lagi itong nakamatyag sa amin.

"Nako! Yare talaga aku nito mamaya kay peyre gadmadir. Dedo talaga ako nito. Baket kase nakepag-away kayo ih." Sabay sabunot nya sa sarili niya.

"Sila naman ang nauna. Di naman namin hahayaang mabugbog lang kami ng mga yun noh. Tsk." Sagot ko kay Lovely.

Tama naman kasi diba? Alangan namang magpagbugbog kami sa babaeng yun.

"Tama". Pagsang-ayon ni Pitchie habang nakatingin sa nasira niyang kuko.

"Deto na yong room nyo. Pakabaet kayu ha. Wag dungol!" Hindi pala namin siya classmate? Akala ko magkakaklase kaming lahat.

"Di ka namin classmate?" Tanong ko.

"Hende." Maikli niyang sagot.

Kumatok si Lovely sa pinto ng classroom.

"Oy. Tok tok tok sabe ih." Inis niyang sabi nang hindi parin bumubukas ang pintuan.

Mga ilang segundo lang, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang isang babaeng medyo may edad na.

"What can i do for you girls?" Bungad niya sa amin.

"Ma'am sela pu ang mga transpiri na senasabe ku." Lovely.

"Wow. Glad to meet you kids." Masayang sabi ni teacher.

"Kids? Di kami mga bata." Malamig na sabi ni Winter. Di talaga ako sanay sa pagiging ganyan ni Winter. Ilang taon na ba kaming magkasama? Pero di talaga e. Namimiss ko yung dating Winter na masiyahin.

Ayun nga pumunta siya ulit sa loob at hintayin lang daw namin na tawagin niya kami.

"Students. You have new classmates. Kids, come in." At saka kami pumasok sa loob.

Taas noo kaming naglakad palapit sa mesa ng guro namin. Si Lovely naman kanina pa umalis kasi late na daw siya.

"Whoooa! Diba sila yung kanina? Yung gorg ladies na nakasagupa ng HC gang?" Biglang sipol naman ng lalaki.

"Oo sila nga yun. Ang swerte natin pre."

"Akin yung pinakamaliit ah."

"Hoy, akin na yun." Rinig kong sabi nung dalawang lalaki.

Pinakamaliit? Si Winter?

Lumingon ako sa direksyon nung dalawang lalaking nag-uusap. Binigyan ko sila ng subukan-niyong-galawin-siya look. Napapanood ko lang din to sa mga pelikula. At halata namang natakot sila. Aba dapat lang.

Puno padin ng bulungan sa loob ng classroom.

"Hindi niyo naman sinabi sakin na mga bubuyog pala ang mga tao dito. Can you shut up your mouth stupids." Bigla namang nagsitahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Winter.

Idol ko talaga tong si Winter. Raaak! Ang galing mag-english bigla eh noh. Aaralin ko nadin 'yan.

"Wow. Napatahimik mo sila kid. Good job." At pumalakpak pa ang teacher.

"Now, introduce niyo mga sarili niyo." Dagdag pa ng guro.

"Kailangan pa? Daming arte." Inis na tanong ni Pitchie.

"Kaya nga." Dagdag ko pa.

Nakakatamad kayang magpakilala sa harapan. Tss -____-

"Yes. You really need to. Tingnan niyo ang mga kaklase niyo. Halatang atat na malaman ang mga pangalan niyo."

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon