Chapter 7

1.1K 48 3
                                    

Pitchie's POV

Di ko lubos maisip na mangyayari ito sa amin.

Bakit ba kasi naging ganito kami kasama ngayon?

Naalala ko na naman ang pang-aapi nila dati sa akin at dahil dun nakilala ko sina Blaire at Winter.

*Flashback*

"Gusto kong kunin mo gamit 'yang bibig mo ang aklat ko na natapon dyan sa putikan dahil sa katangahan mong boba ka." Sigaw ng babaeng nabangga ko dahilan para mahulog ang aklat nito sa putikan.

"Paumanhin sobra. Hindi ko sinasadya na mabangga ka. Ang dumi kaya ng putik. Pwede bang kamay nalang ang gamitin ko?"

" KUNIN MO ANG AKLAT KO GAMIT ANG BIBIG MO. Boba na nga, bingi pa ang walang hiyang 'to." Gigil na gigil na sabi ni Molly.

"Ayoko. Kung gusto mo ikaw nalang ang kumuha." Pagmamatigas ko.

"Ah ganun?" Sabay hawak ni Molly sa ulo ko at sinubsob ang mukha ko sa putikan.

"Oh ano? Kukunin mo o ako mismo ang gagawa non para sayo para kunin ang aklat ko?"

Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang iniutos nya sakin. Umiiyak ako habang kinukuha ko ang aklat nya mula sa putikan. Kahit diring-diri ako ay pinilit kong ibuka ang bibig ko. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang pahirapan ako. Sisiguraduhin ko na isang araw ay pagbabayaran niya ang lahat ng kasalanang ginawa niya sa akin. Humanda siya.

Ang akala ko nung mga oras na 'yon ay tutulungan ako ng ibang fairies na nasa paligid ko ngunit nagkamali ako ng inakala. Bakas sa mga mukha nila na tuwang-tuwa sila sa nangyayari. Kasumpa-sumpa ang mga ugali nila. Mga hayop! Mas natutuwa pa silang nakikita akong nahihirapan. Wala pading tigil sa pagtulo ang luha ko nang makatayo na ako.

"E-eto na yung aklat mo." Iaabot ko na sana sa kanya kaso tumanggi siya.

"Nakakadiri kaya. Itapon mo nalang yan o kaya sayo nalang 'yan tutal pareho naman kayong patapon eh." At inirapan lang ako nito bago ito umalis kasabay ng pag-alis din ng mga fairies na wiling-wili manuod sa nangyaring eksena kanina.

Naiwan akong nakayukong umiiyak habang madumi ang bibig pati narin ang damit na suot ko.

"Uy! Huwag kanang umiyak dyan." Nagulat ako nang may lumapit na dalawang babae sa akin.

"Naku! Wala talagang magawang maganda ang Molly na yan." Inis na sabi ng isa pang babae at inilabas nito ang isang panyo mula sa bulsa nito sabay ipinunas niya sa maduming parte ng katawan ko.

"Ako nga pala si Blaire at siya naman si Winter." Pagpapakilala niya at ngumiti sa akin ang isa niyang kasama na si Winter.

"Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ni Blaire sa akin habang pinupunasan parin nito ang maputik kong damit.

"Pi-pitchie." Nahihiya kong sagot.

"Alam mo bang kanina kapa namin gustong tulungan kaso natatakot kami na baka pati kaming dalawa ay madamay. Pasensya kana." Si Winter naman ang nagsalita.

"Oo nga. Bago ka lang ba dito? Baguhan lagi ang pinupunterya ni Molly eh." Sabi ni Blaire matapos niya akong punasan.

"Oo." Maikli kong sagot.

"Pwede kaba naming maging kaibigan?" Nakangiting tanong sa akin ni Blaire.

"Uhhh.." Nag-aalangan kong sagot. Hindi ko kasi alam kung mapagkakatiwalaan ko ba talaga silang dalawa. Mamaya kakampi sila ni Molly.

"Ano kaba? Haha. Malabong maging kampon kami ni Molly. Err, sobrang labo." Kunwaring pagtataray ni Winter habang natatawa ito.

"Nababasa mo ang iniisip ko?" Gulat kong tanong.

THE GANGSTER FAIRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon