CHAPTER 5: The Danger

64 6 4
                                    

CHAPTER 5: The Danger


Hindi kagaya ni Wright na on the dot umuwi kada tapos ng practice, ako naman ay nagpatuloy sa pag-e-extend ng practice ko gabi-gabi. Naging ganado lang ako—salamat kay Lunareen.

Pero credits din kay Coach Larry. Pagkatapos ng araw na iyon na puro call outs siya sa akin, kinausap niya ako nang masinsinan at nagbigay hindi lang ng constructive feedback sa swimming style ko, kundi pati na ng words of encouragement.

"Nakikita ko ang potensyal mo, King. Gawin mo lang consistent ang improvement sa records mo. Kahit na maliit lang ang improvement, still it is an improvement. In no time, I can see you back on competingand winning."

Sa totoo lang, nakaka-pressure din iyon. Oo, plano ko ngang makabalik sa pakikipag-kumpetensya. Oo, gusto nga ring manalo. Pero gusto ko munang bumalik nang tuluyan sa akin ang lahat pagdating sa paglangoy. 'Yong competitiveness. 'Yong relentless drive to win. At 'yong pagmamahal ko sa sports na ito.

Mahigit dalawang taon na ang lumipas magmula ng bumalik ako sa paglangoy. Pero hindi ko pa rin masabi na nakabalik na sa akin ang lahat ng iyon. Kulang pa. Marami pa akong kailangang gawin at patunayan sa sarili ko.

"Uy, pauwi ka na?"

Si Samantha iyon na member ng Women's team. Kagaya ko na kalalabas lang ng changing room ng mga lalaki, siya naman ay kalalabas lang din katapat namin na changing room ng mga babae. 

Matangkad siya nang kaonti kay Wright. Bukod sa katangkaran niya ay kapansin-pansin din ang pagkamorena niya. Ang buhok naman niyang hanggang siko ang haba, parating naka-high pony tail.

Sa unang tingin, mukhang masungit si Samantha dahil seryoso ang hitsura niya lalo na ang may kasingkitan niyang mga mata. Buti na lang madalas siyang ngumiti kapag may kausap.

Si Samantha rin ang masasabi kong pinaka-prominente sa Women's team namin. Kagaya namin ni Wright, second year din siya at pangalawang taon pa lang niya rito sa team. Pero sa galing at sa ganda ng records niya, napili na siya agad noong nakaraang taon na mag-represent ng team sa iba't ibang swimming events at sa bawat event na sinalihan niya ay nanalo siya.

"Uh, oo." sagot ko sa kanya sabay pamulsa sa sweatpants ko.

"Tara, sabay na tayo!" Matamis niya akong nginitian bago naunang lumabas ng headquarters namin.

Hindi ko masasabing close kami ni Samantha, pero kahit papaano ay nag-uusap kami tuwing practice. Kumpara sa ibang babaeng members, siya ang pinaka-nakakausap namin ni Wright dahil magka-batch kami. May iba kaming ka-batch kaso mailap sila, hindi gaya ni Samantha.

"Ano, King, sorry, puwede mo ba akong samahan hanggang sa train station?" nahihiya niyang sabi pagkalabas namin ng campus. "To be honest, kinakabahan ako parati tuwing naglalakad ako papunta roon. Nabalitaan mo ba 'yong nangyari rito noong nakaraang linggo? May kinidnap daw na babae mula sa kabilang university at hindi pa siya nahahanap hanggang ngayon."

"Ah, oo." Naalala ko iyon dahil napag-usapan namin iyon ni Mama.

"So, payag ka? Na samahan ako?" Mukha siyang nag-aalangan.

"Okay lang." Nagkibit-balikat ako.

Napangiti siya nang malapad sa sinagot ko.

Natahimik kami saglit hanggang sa nagkuwento na nang nagkuwento na si Samantha. Buti puro tungkol sa practice nilang mga babaeng members ang kinukuwento niya. Interesado naman ako sa topic namin, pero hindi ako makapag-focus sa kanya. Naalala ko kasi si Lunareen na closing pa rin ang oras sa part-time job nito.

King's Moon (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon