CHAPTER 7: The Dreams

51 6 0
                                    

CHAPTER 7: The Dreams

"Tsk, tabi kasi. Ako na diyan."

"Hay, nako, King! Umalis ka na nga dito, ang laki mong istorbo!"

"Sabi ko naman kasi, 'di ba? Na ako na ang maghuhugas? Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo ha, Lunareen?"

"Mas matigas ulo mo! Sinabi nga namin ni Tita Susie, 'di ba? Na magpahinga ka na at may lakad ka pa bukas!"

Halos katatapos lang namin maghapunan sa bahay, at ayun kami ni Lunareen, nagtatalo sa may kusina.

Ang totoo, okay lang din sa akin na hindi maghugas at magpahinga na dahil may out-of-town training ang buong Varsity Swim Team namin nang dalawang araw at isang gabi. At bukas ng umaga ang call time namin sa campus para sa magiging biyahe namin. Pero ayaw ko pang matulog. Gusto ko pa makasama at guluhin si Lunareen.

Hindi ko na siya sinagot at pinanood ko na lang siya sa ginagawang paghuhugas ng pinagkainan namin sa lababo.

"Hoy, King, tigilan mo na si Rin-Rin diyan at nang matapos na siya kaagad." sabi ni Mama na dumaang kusina. Galing siyang likod ng bahay at nagsamsam ng natuyong mga labada.

"Oh, umalis ka na raw. Alis. Alis." May pang-aasar sa tono at hitsura ni Lunareen, tila ba isa siyang bata na nanalo sa away naming dalawa.

Napansin kong napangiti si Mama habang umiiling. Wala na siyang sinabi pa at dumiretso akyat na sa may hagdanan.

Umalis na akong kusina, pero kaysa dumiretso sa kuwarto ko sa itaas ay sa salas ako nagpunta. Umupo ako sa sahig at inabala ang sarili ko gamit ang laptop kong nakapatong sa center table.

Mayamaya, nagpunta roon si Lunareen.

"Ay, sus. Bakit ka nandiyan, ha?" sita niya sa akin nang maabutan ako roon.

"Busy ako." sagot ko nang hindi siya tinitingnan. "Huwag mo akong istorbohin."

"Sorry ha? Pero pumuwesto ka sa kung saan ako matutulog. Puwedeng umakyat ka na sa kuwarto mo?"

Doon ko siya tiningnan. Mukha siyang badtrip sa akin. Pero natutuwa ako sa hitsura niya. Natutuwa ako sa sitwasyon namin ngayon, kahit ba hindi talaga ako dapat matuwa dahil hindi maganda ang rason kung bakit dito muna siya matutulog sa amin ngayon.

"Buwisit kasi na magnanakaw 'yon. Sana mahuli na siya." inis na bulong ni Lunareen kasabay ng pagpuwesto niya ng upo sa mahabang sofa sa likuran ko kung saan naroon na ang unan at kumot niya.

Kagabi kasi ay may kumalat na balita na may magnanakaw na pilit pumasok sa isa sa mga bahay malapit sa amin. Nakakuha ito ng ilang mamahaling mga gamit pero sa kabutihang palad ay wala namang nasaktan. Nakuhanan daw ang suspek ng CCTV at alam ang pagkakakilanlan nito pero hindi pa ito nahuhuli. Sa takot ni Mama para kay Lunareen na mag-isa lang sa bahay nito, pinilit niya itong dito muna patulugin sa bahay hangga't hindi pa nahuhuli 'yong magnanakaw. Ang gusto pa nga sana ni Mama ay doon matulog si Lunareen sa kuwarto niya, kaso nagpumilit itong dito na lang sa salas matulog.

Nilingunan ko si Lunareen sa likuran ko. Nakaupo at nakasandal siya sa kabilang dulo ng mahabang sofa at abala mag-drawing sa tablet niya.

"Lunareen, magpustahan tayo." yaya ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng masamang tingin. "Ano namang pagpupustahan natin?"

"Kung sinong unang makatulog sa ating dalawa ngayon, matatalo at manglilibre ng lunch sa Monday."

"Sige ba," walang pag-aalinlangan niyang pagpayag. "Walang bawian 'yan, ha!"

Nginisian namin ang isa't isa, bago siya agad bumalik sa pagdo-drawing. Napakaseryoso niya sa ginagawa.

King's Moon (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon