CHAPTER 12: The Truth
"King, can you tell me what's wrong?"
Katatapos lang ng AM Practice namin nang tawagin ako ni Coach Larry sa opisina niya para kausapin. Nakatayo siya sa tabi ng bintana sa likod ng desk niya, ang mga braso ay nakahalukipkip.
"Pinili kita bilang isa sa mga representative ng team natin sa Nationals, kasi nakita ko na kaya mo iyon. Pero anong nangyari this past week? You didn't seem like your usual, athletic and competitive self. At nagde-decline ang records mo sa practice."
Napayuko lang ako.
"Are you being complacent dahil napili ka na?"
Muli akong napatingin sa kanya.
"Ayun na lang ba ang goal mo ngayon, King?"
"Hindi po, Coach." mariin kong tanggi.
Tumango-tango siya. "May tiwala ako sa 'yo, hindi lang dahil sa matagal na kitang kilala, kung hindi dahil sa nakita ko rin mismo ang malaking pagbabago mo matapos mong matagal na tumigil sa competitive swimming. Naramdaman kong hindi mo lang gustong bumalik. Naramdaman kong hindi mo lang gustong makipag-kumpetensya ulit. Naramdaman kong gusto mong manalo. Pero kung bigla-bigla, magpapakita ka ng decline sa performance mo when the competition is just a month away, I don't think I can take any more risk. Maaari kitang alisin at palitan sa listahan ng representatives ng team."
Napanganga ako. Gusto kong umangal. Pero kung performance ko na rin mismo ang nagpapakita ng kawalan ng worth ko para i-represent ang team, may dapat ba akong iangal?
"I understand, things happen." dagdag ni Coach Larry. "At may mga personal issues tayo na maaaring nakakaapekto sa mga ginagawa natin. But you have to settle those issues, kung ganoon man ang sitwasyon mo sa ngayon. In our case, it has to be ASAP dahil may time-restricted goal tayo. We have to focus on that goal and deliver results."
Napalunok ako bago diretsong tiningnan si Coach Larry. "Naiintindihan ko po, Coach. Bigyan niyo lang po ako ng... ilang araw. Kahit isang linggo lang po. Aayusin ko po ang lahat—at ang sarili ko. At kung sakaling... hindi pa rin maging okay ang performance ko, tatanggapin ko po ang desisyon niyong alisin at palitan ako sa roster ng team sa darating na Nationals."
Tumango-tango siya. "Of course, kaya kita bigyan ng chance. I trust you on this, King. And please remember, kung may maitutulong man ako, puwede mo akong kausapin. Nandito lang ako. Okay?"
Nagpapasalamat ako at kahit papaano, on a good note natapos ang meeting naming dalawa ni Coach Larry. May pressure, pero naroon din ang suporta. At ayaw kong pagsisihan ang pagpili niya sa akin.
"King!"
Nagulat ako nang bigla-bigla akong inakbayan ni Wright pagkalabas ko ng opisina ni Coach Larry.
"Bakit nandito ka pa?" Tumingin ako sa paligid para hanapin si Charity, pero wala ito. "Hindi mo hinatid si Cha sa klase niya?"
"Hindi na muna," Bumitaw na siya sa akin kasabay ng paglalakad namin palabas ng headquarters. "Sabi ko mauna na muna siya dahil hihintayin pa kita."
"Bakit mo naman ako hinihintay?" pagtataka ko.
"Para malaman kung ayos ka lang ba. Kinabahan ako nang marinig kanina si Coach na gusto ka niyang makausap e. Parang napakaseryoso kasi ng hitsura niya kanina. Ano na bang nangyari?"
"Balak niya akong alisin at palitan sa listahan ng representatives ng team sa darating na Nationals."
Namilog ang mga mata ni Wright. "E? Agad-agad?!"

BINABASA MO ANG
King's Moon (Published under Pop Fiction)
Romance𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗, 𝗝𝗨𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟯 ┊ 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗦𝗛𝗘𝗗 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗣𝗢𝗣 𝗙𝗜𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗔𝗨𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰 Pangarap ni King Claveria ang maging professional swimmer--pangarap na minsan na niyang binitawan at kinasuklaman dahil sa naging hindi magand...