CHAPTER 11: The Kiss

80 7 1
                                    

CHAPTER 11: The Kiss


Okay na ba kami o ano?

Gaya ng paalam ni Lunareen kay Mama kagabi, hindi siya dumaan kanina sa bahay para mag-almusal. Nagkita na lang ulit kaming dalawa nang muli kaming magsabay-sabay sa pananghalian sa cafeteria kasama sina Wright at Charity. At pinapansin na niya ako. Nakikipag-usap na ulit siya sa akin kagaya ng kung paano niya ako normal na kinakausap, na para bang walang nangyaring na kung ano sa amin kagabi at noong nakaraang gabi.

Masaya si Lunareen kanina, lalo na sa pakikipagkuwentuhan niya kay Charity. Wala silang pinag-usapang iba bukod sa responsibilidad at mga ginagawang trabaho ni Charity sa team namin bilang Student Manager. Curious na curious lang si Lunareen tungkol sa bagay na iyon.

Gusto kong matuwa dahil pinapansin na niya ako ulit at nakikipag-usap na siya sa akin. Pero parang napakalayo pa rin niya. At ang mga ngiti niya, ang mga tawa niya: parang hindi na kagaya ng dati.

Sobra akong nilalamon ng konsensya ko. Ang nangyari tuloy, ako naman ang halos hindi kumikibo sa kanya sa buong oras na magkasama kami. Hanggang sa matapos kaming kumain at bumalik sa kanya-kanya naming kailangang gawin.

"Wow, congrats, King!"

Bumalik na lang ako sa reyalidad nang bigla akong akbayan ni Wright at pinaghahampas ako sa dibdib.

Patapos na ang PM Practice namin sa araw na ito. Naka-swimming attire pa kaming team members nang tawagin kaming lahat ni Coach Larry sa poolside para mag-huddle.

"Huh?" Wala sa sarili kong reaksyon kay Wright.

Naguluhan ako dahil may iba pang mga pumapalakpak at nakatingin sa akin, hindi lang mga lalaki kundi mga babae rin naming ka-team.

"King, galingan mo!" bati nila.

"Nice, King!"

"Humanda sila sa hari ng swimming pool!"

Nagtawanan halos ang buong team.

Sinubukan kong alalahanin kung tungkol saan ba ang huddle namin.

Ah, 'yong announcement pala ng mga napiling representatives para sa Swimming Championships ng National Collegiate Games na gaganapin sa susunod na buwan.

Kumunot ang noo sa akin ni Wright at saka bumulong. "Hindi ka ba nakikinig sa meeting natin?"

"Nakikinig ako," pagsisinungaling ko.

Sinipat ko ang whiteboard sa harap na sinusulatan ni Charity ng mga updates ni Coach Larry. Kalahati pa lang ng list ng events ang nalalagyan ng pangalan. At ang huling event na may pangalan?

400M IM - MEN'S: King Claveria

Napakurap ako at muling binasa ang nakasulat. Pero hindi nagbago ang nababasa ng mga mata ko. Pangalan ko iyon. Ako ang napili ni Coach Larry para lumaban sa 400-meter Individual Medley.

"Tsk, tsk." Ngumisi si Wright bago bumitaw sa akin.

Napatingin ako kay Coach Larry. Nginitian niya lang ako bago nagpatuloy sa pag-anunsyo ng iba pang participants sa iba pang events.

Napili rin naman si Wright sa isa sa mga relay events. Merong ibang napili sa amin na higit sa isang event ang sasalihan, at karamihan sa kanila ay seniors namin.

"Hangga't maaari, sinubukan kong maging patas sa pag-assign sa makikilahok sa kada event para sa taon na 'to," paliwanag ni Coach Larry nang makumpleto na ang listahan. "Gaya ng sinabi ko noon nang i-take over ko ang team: not only I reviewed your previous records and performances, but I also observed how well you are doing right now. That is why also I am being strict when it comes sa attendance niyo sa kada practice at training natin. I need to see how you are improving, and to see your worth."

King's Moon (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon