CHAPTER 9: The Advances
Gabi na ng Linggo nang tuluyang matapos ang out-of-town training namin. Halos knockout kaming lahat sa bus na sinakyan namin pabalik sa campus. Kahit si Wright na nakaupo sa tabi ko, tulog kaagad pagkapuwesto na pagkapuwesto niya ng upo.
Hindi ko naman masisisi si Wright at maging ang iba naming teammates. 'Yong inakala kong training na iikot lang sa same sets at routines na ginagawa namin araw-araw, ay magbabago pala sa sumunod na araw. Para kaming natulak lahat sa limitasyon namin. Ang sakit sa katawan at nakakapagod. Pero nakaka-fulfill. Ang dami kong nasubukan at natutunan na bagong bagay ngayong araw, pati na mga simpleng bagay na akala ko na-master ko na gaya ng breathing techniques, kicks, at strokes. Pinilit kong itatak sa utak ko ang mga iyon dahil gusto ko silang ulitin sa magiging practice namin sa school.
Pakiramdam ko tuloy, gusto kong mag-swimming at mag-practice kaagad ulit pagkabalik namin sa campus. Kaso panigurado hindi ako papayagan nina Coach Larry at Kuya Kevin. At saka masyado na ring late. Susunduin ko pa si Lunareen.
Suot-suot ang headphones ko, nakatulog din ako sa gitna ng biyahe namin pauwi. Nagising na lang ako nang mag-vibrate ang hawak kong phone. Namumugto ang mga mata ko nang pilit kong basahin ang chat message na na-receive ko mula kay Lunareen.
LUNAREEN: Masusundo mo pa ba talaga ako sa pag-uwi ko?
Napakunot-noo ako at nag-reply sa kanya.
KING: Oo nga.
KING: Malapit na kami.
KING: Sakto lang 'yan pagdating ko sa mall. Hintayin kita sa parehong exit.
Nag-Okay react na lang si Lunareen sa mga sagot ko.
Totoo namang malapit na kami kaya hindi na rin ako bumalik sa pagtulog. Naiipit lang kami sa traffic kaya halos isang oras pa ang ginugol namin sa daan bago tuluyang nakarating sa campus namin.
Antok at humihikab pa ang iba nang magsibabaan kami ng mga bus namin. Dalawang bus lang naman ng sinakyan namin—isa para sa mga lalaking members at isa para sa mga babaeng members.
Pagkababa naming lahat, nag-huddle pa muna kami saglit doon sa parking lot. Pinaalala lang sa amin ni Coach Larry ang mga ginawa at napag-usapan namin sa ginawa naming training.
"Ayun lang—magpahinga kayo nang maiigi at kumain nang tama. See you all sa Tuesday. Mag-ingat kayo pauwi." Ayun na ang naging closing statement ni Coach Larry sa amin.
"Yes, Coach!" sagot naming lahat sa kanya.
Nagpaalam na ang mga members kay Coach Larry, kabilang na kami ni Wright, bago kami tuluyang umalis.
"Susunduin mo pa si Rin-Rin, 'di ba?" tanong ni Wright.
"Oo. Bakit?"
Nginitian niya ako nang nakakaloko. "Sana hindi mo pa nalilimutan ang napag-usapan natin kagabi."
Bigla akong nakaramdam ng pressure.
Tinapik niya ako sa likuran. "Una na ako, King. Balitaan mo ako kung ano mang maganap. Okay? Ingat!"
Nasa may gate na kami nang tumakbo si Wright palayo sa akin. Ayun pala, hinabol niya si Charity at sinabayan ito sa paglalakad.
Lumiko ako sa kabilang direksyon para magpuntang mall.

BINABASA MO ANG
King's Moon (Published under Pop Fiction)
Romance𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗, 𝗝𝗨𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟯 ┊ 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗦𝗛𝗘𝗗 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗣𝗢𝗣 𝗙𝗜𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗔𝗨𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰 Pangarap ni King Claveria ang maging professional swimmer--pangarap na minsan na niyang binitawan at kinasuklaman dahil sa naging hindi magand...