Kabanata XII

9 2 2
                                    

Mabilis na pinaandar ni Chloe ang kaniyang motorsiklo—iisang destinasyon lamang ang patutunguhan, kay Jonathan. Hindi mawaglit sa isip niya ang tagpo kanina bago siya makarating dito.

"Magkita na lang tayo do'n?" pagpapaalam niya kay Margeau.

Hindi ito sumasagot. Maraming bagay ang tumatakbo sa utak niya sa pagkakarinig ng pangalan ng dating nobyo.

Hindi na siya hinintay ni Chloe at nauna na itong umalis gamit ang motorsiklo niya.

Mag-isa lang siya sa kalsada nang may matanaw na liwanag mula sa malayo. Habang papalapit ay namamataan niyang isa itong hugis ng apoy na nasa gitna ng kalsada.

Ang Santelmo.

Huminto siya sa harap nito at bumaba.

Sa katagalan naman ay unti-unting nagbago ang anyo nito. Unti-unti itong nagiging hugis... tao.

"Kumusta ka na, Clarissa?"

Dumadagundong ang boses nito sa gitna ng malawak na kalsada. Hindi ito normal na nilalang.

Hindi niya maaninag nang maigi ang mukha nito gawa ng bagama't hugis tao ito, ito naman ay nananatiling hinulma ng apoy.

"Pasensya ka na at hindi mo ako makikita nang maayos, aking pamangkin. Kasalukuyan akong nasa kalangitan at ginagamit ko lamang ang Santelmo para maabot ka. Hindi rin ako makapagtatagal."

Nababagabag ang loob ni Chloe at napupuno ng takot sa presensya nito—ni hindi niya magawang magsalita.

"Nararamdaman ko ang nalalapit na digmaan. Digmaan kung saan mababago ang lahat. Inaasahan namin na malaki ang magiging papel mo rito, at sana, hindi kagaya ng aking kapatid... ay pumili ka nang tama."

Hindi siya sigurado kung totoo pa ba ito, o isang panaginip. Bago pa niya makumpirma, sa isang iglap ay bigla na lang itong nawala.

Isang babala ang buhat ng pagdating ng Santelmo—isang babala ng paparating na digmaan.

Ang pangamba niya ay kasabay nito ang kamakailang ginawa ni Jonathan.

Huwag naman sanang mangyari ang iniisip niya.

Dumating si Chloe sa paanan ng Bulkang Kanlaon. Ayon sa mga tauhan ni Sabrina ay dito raw dinala ni Jonathan, kasama ng mga bampira nito, ang mga tao.

Naghihintay sa kaniya roon ang dalawang elders na sina Henry at Christopher. Nakisuyo siya kay Margeau na sunduin ang mga ito upang makahingi ng tulong, kasama si Schuck.

Hindi lang niya inaasahan na naroon din si Keiran. Yumakap ito sa kaniya sa pagdating niya.

"Nandito na ba ang lahat?" pang-uusisa ni Chloe.

"I'm afraid this is unofficial business, Chloe," hambog na sagot ni Henry, "The vampires here right now are going out of their way to help you, without the need to."

"And I'm grateful. Ang sa akin lang, tingin ko hindi susunod ang hari ng mga bampira dahil lang makikiusap tayong... anim. Habang siya at ang hukbo niya ay naghihintay sa 'tin," pagkukumbinse niya sa mga ito, kahit maging siya ay hindi naniniwala sa mga sinasabi niya.

"Ano ba sa tingin mo ang mangyayari, Clarissa?" mahinahong tanong ni Christopher.

Matagal siya bago sumagot, binubuo ang imahen sa isip niya kahit naguguluhan pa siya. "Hindi ko alam, pero hindi ito maganda." Bumaling siya kay Schuck. "We had an agreement with the humans. Hindi kasama roon na basta-basta natin silang kukunin at dadalhin sa kung saan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad Blood: RenaissanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon